Skip to playerSkip to main content
-Lalaki, buwis-buhay na tumawid sa rumaragasang ilog sa Brgy. Labangal; Daan-daang biyahero, stranded sa ilang pantalan; 80-anyos na lalaki, patay matapos pagbabarilin; suspek sa krimen, bayaw ng biktima; Pagkamatay ng karakter ni Shuvee Etrata na si Tonet sa "The Master Cutter," umani ng iba't ibang reaksyon mula sa viewers at cast members ng serye; Provincial bus, tumama sa vertical clearance signage sa Culiat Bridge; bahagi ng tulay, isinara muna; ERC: Mahigit P9.5B sobrang singil ng MERALCO, kailangang isauli sa kanilang customers; Sen. Marcoleta, tumangging maghain ng tugon sa kasong paglabag sa PD 46


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00To be continued...
00:30To be continued...
01:05To be continued...
01:13Mahigit 300 biyahero ang stranded. Nakipag-ugnayan na ang provincial government sa DSWD para sa iyaabot matulong.
01:23Patay ang 80 anyos na lalaki matapos pagbabariliin sa Baliwag, Bulacan. Arestado ang sospek na bayaw ng biktima.
01:31Itinanggi niya ang aligasyon. Balita ng hatid ni James Agustin.
01:38Bumanga ang SUV na ito sa gate ng isang bahay sa barangay PS sa Baliwag, Bulacan. Matapos pagbabariliin ang driver
01:45nito pasado alas 7 ng umaga kahapon.
01:47Dead on the spot ang 80 anyo sa lalaking biktima na residente ng San Luis, Pampanga.
01:53Siya po ay nanggaling sa isang tindahan kung kung saan po siya ay regular na bumibili ng pandesal at noong
01:58oras na yan siya naipauwi.
02:00May tama siya ng baril sa dibdib, dalawa, at sa ulo, dalawa din. Baliapat na kanyang ikinasawi.
02:08Bago ang insidente, nahagip sa CCTV ang isang lalaki nakasakay sa motorsiklo. Nakasot ng jacket at face mask. Ilang saglit
02:16pa bumalik siya.
02:18Pagpasok ulit sa kalsada, halos kasunod na niya ang SUV ng biktima. Hindi nakunan ng aktual na paumari.
02:25Ayon sa pulisya, ang lalaki nakasakay sa motorsiklo ang sospek. Nakunan din ang pagtakas ang sospek.
02:32Makalipas ang ilang oras, naareso ng pulisya ang sospek sa kanyang bahay sa San Luis, Pampanga.
02:37Ayon sa pulisya, bayaw ng biktima ang 61 anyo sa sospek. Nabawi sa kanyang damit at sinakayang motorsiklo.
02:44Nakuha rin ang isang baril na kargado ng mga bala. Walang maipakitang dokumento ang sospek.
02:50Tukoy natin itong sospek dahil yung isa sa mga witnesses ay nakita niya itong sospek na yun yung damit bago
03:00nangyari yung krimen.
03:02At natuntun natin ito doon sa witness na nagsasabing doon din siya nakatira sa lugar na yun.
03:12At dahil nga doon sa may CCTV rin tayong nakita.
03:15Ang nakikitang motibo ng pulisya sa krimen, away sa lupa.
03:19Maana nila at ito nga yung sakahan na kung saan nakuha ng biktima yung titulo dahil ito po ay nakasanla
03:32sa banko.
03:34At hindi nila ito pinalam sa mga kapatid at sila na yung namamahala at umaani sa sakahan na kanilang natubos.
03:47Nakakulong ang sospek sa Baliwag City Police Station. Itinangin niya ang krimen.
03:52Hindi ko naman ginawa yun. Kaya sa totoo lang. Tamang may gustong gawin na kuro pero mayroong taong unang nakakuan
04:00doon.
04:02Dao, yun lang.
04:03Kaugnay naman sa nakuhang baril sa kanya.
04:06May nakuhu.
04:07Kanino niya baril.
04:09Wala na, hiramlan din yun.
04:12Sa record ng pulisya, dati nang naresong sospek dahil sa mga kasong frustrated murder at physical injuries.
04:19Ngayon, maharap naman siya sa reklamong murder.
04:22James Agustin, nagbabalita para sa GMA News.
04:30Monday Latest, ikinagulat ng viewers pati ng cast ng GMA Prime Series of the Master Cutter
04:37ang pagkamatay ng karakter ni Shuve Etrata sa serye.
04:49Full of emotions ang naging pamamaalam ni Tonette sa serye sa hindi inaasahang plot twist
04:57na umani ng iba't-ibang reaksyon mula sa netizens at mga manonood.
05:02Maging si Shuve mismo, nasaktan.
05:04Kwento niya, kailangan mangyari ang pagkamatay ni Tonette para sa iba pang karakter.
05:09Thankful naman siya sa co-stars niya sa serye at sa lessons na natutuhan niya.
05:14Kabilang sa mga makakamiss sa kanya sa serye, si Fodo Ravales na gumaganap bilang paldo.
05:20Kung may namaalam daw, may darating naman dahil mapapanood din si Shuve soon
05:25sa kapuso medical drama na Code Grey with Asia's multimedia star Alden Richards.
05:30Mayroon din silang upcoming digital series ng kanyang TDH na si Anthony Constantino.
05:38Sorry po kung nasakta namin kayo and if tonight's journey has to end like that.
05:44Ilang araw din po akong umiyak pero ganun po talaga ang buhay.
05:48May nawawala, may bumabalik, may darating na bago.
05:52Di natin alam kung sinong darating pero abangan nyo.
05:56Ito na ang mabibilis na balita.
06:01Pansamantalang isinara ang isang bahagi ng Culyat Bridge sa Quezon City
06:04matapos tumama ang isang provincial bus sa vertical clearance signage kaninang alas 5 ng umaga.
06:09Ayon sa driver ng bus, hindi niya napansin ang vertical clearance signage.
06:13Papuntaro sana siya sa Mindano Avenue.
06:16Dahil sa aksidente, pansamantalang isinara ang bahagi ng eastbound lane ng Congressional Avenue.
06:21Naapektuhan ang dalil ng trapiko sa lugar dahil sa insidente.
06:26Nalis na ang provincial bus sa kalsada.
06:28Inaayos na rin ng mauturidad ang nasirang vertical clearance.
06:35Arestado sa Davao City ang isang lalaking may-ari ng internet shop
06:38dahil sa pang-abuso umano sa isang binatilyong customer.
06:41Ayon sa biktima, naglalaro siya ng computer games ng lapitan ng suspect
06:45at hawakan umano ang pribadong bahagi ng kanyang katawan.
06:49Sa pinitan din naman nun siyang dinala sa kwarto.
06:52Nang makauwi ang biktima, doon siya nagsumbong sa kanyang pamilya
06:55na humingi naman ng tulong sa pulis siya.
06:58Tumagi magbigay ng pahayag ang suspect na mahaharap sa kasong rape.
07:04Ipinasa sa uli ng Energy Regulatory Commission sa Meralco
07:08ang mahigit siyam na bilyong pisong sobrang singil sa mga customer.
07:13Ang sagot dito ng Meralco sa malitang hatid ni Darlene Kai.
07:20Sa desisyong inilabas ng ERC o Energy Regulatory Commission noong July 31,
07:25inutusan nito ang Meralco na ibalik sa customers ang 9.5 billion pesos.
07:31Mas malaki ang matatanggap na refund sa residential customers, 58 centavos.
07:36Katumbas ito ng 117 pesos na tapiya sa bill ng customer na 200 kilowatt hours
07:42kada buwan ng konsumo.
07:43Sabi ng ERC, kailangan mag-refund ng Meralco sa loob ng 6 buwan
07:47o hanggang maibalik sa customers ang kabuang halaga ng over-recovery o sobrang singil.
07:53Inutusan din ng ERC ang Meralco na ilagay ang refund
07:56bilang hiwalay na line item sa bill na darating sa customers.
08:00Sabi ng Meralco sa isang pahayag, tatalima sila sa utos ng ERC.
08:05Ayon sa Meralco, ang refund ay para sa actual weighted average tariff o awat
08:09at ang inaprubahang tariff.
08:11Mas mataas ang awat ng Meralco kaysa sa inaprubahang taripa
08:15dahil mas mataas ang konsumo ng residential customers
08:17kumpara sa ibang customer classes.
08:19Ang true-up mechanism na ito ay bahagi ng regulatory process na aprobado ng ERC
08:24para masiguro na maibabalik ng distribution utility tulad ng Meralco
08:28ang anumang nasingil na sobrang tariff.
08:30Sabi ng Meralco, sila mismo ang naghain ng dalawang application para sa refund.
08:35Sa biyernes naman, nakatakdang ituloy ng Senate Committee on Energy
08:38ang pagdinig tungkol sa pagtatanggal ng system loss na ikinakarga sa customers.
08:43Pero sabi ni Committee Chairman Erwin Tulfo sa Superadyo DZWB,
08:47may mga kumakausap sa kanya para harangin ang pagtatanggal sa system loss.
08:52Pero hindi niya binanggit kung sino.
08:55Marami yung tumatawag sa akin.
08:56Sabi ko, boss, inausapin niyo nalang po ang Malacanang
08:59dahil sila po ang nag-gusto po nito na alisin po talaga itong systems loss.
09:04So hindi na po nila po ginagambala.
09:05Ayon naman kay Senate President Nguyen Gatchalian,
09:08kasama sa pag-uusapan ay kung paano matitiyak na hindi maipupuslit sa bill
09:12ng distribution utilities ang system loss.
09:15Sa ngayon, may walo ng panukalang batas sa Senado ukol sa pagtatanggal ng system loss.
09:20Paano ngayon maglalabas ng regulation na distribution ang sasalo nitong system loss
09:26at siguraduhin hindi ipapasa sa consumer sa ibang mga items.
09:30Kaya doon sa batas ko, mahigpit, nakasulat doon, bawal ilagay sa ibang item
09:35at dapat kasama ito sa income statement ng distribution utilities.
09:41Tiwala ang Senado na maisa sa batas na ito bago matapos ang taon.
09:45Darlene Kai, nagbabalita para sa GME News.
09:49Update tayo sa pagharap ni Sen. Rodante Marcoleta sa Sandigan Bayan 1st Division ngayong araw.
09:54Detail tayo sa ulat on the spot ni Maki Pulido.
09:57Maki?
09:59Tumangging maghain ng plea si Sen. Rodante Marcoleta sa kasong violation of PD46.
10:06Dahil diyan, naghain ng Sandigan Bayan 1st Division ng not guilty plea para sa kanya.
10:12Not guilty naman ang inihain ng kapwa niya akusadong si Aristotle Viray.
10:16Ayon sa abugado ni Marcoleta na si Atty. Moises Tolentino,
10:20hindi sila nag-enter ng plea dahil may mga nakahain silang petisyon sa Korte Suprema.
10:25Sa petisyon, hinihingi ng kampo ni Marcoleta na repasuhin ang kaso at i-dismiss ito.
10:31Sa binasang sakdal, inaakusahan si Marcoleta at Viray ng violation of Presidential Decree No. 46
10:38na nagbabawal sa mga public official na tumanggap ng regalo
10:41at sa mga pribadong individual na magbigay ng regalo sa taga-gobyerno.
10:46Noong January 9, 2025 daw ay nagbigay si Viray ng 20 million pesos kay Marcoleta bago mag-eleksyon.
10:53Rocky?
10:54Maraming salamat, Maki Pulido.
Comments

Recommended