Skip to playerSkip to main content
-Halos P1M halaga ng expired na grocery items, gamot at vitamins na pinalitan ang expiration date, nasabat; 5 arestado

-2nd quarter nationwide simultaneous earthquake drill, isinagawa ngayong umaga

-May-ari at contractor ng gumuhong gusali sa Angeles, pinagmumulta ng DOLE ng mahigit P11.4M

-Sen. Lacson: Sen. Escudero, iluluklok bilang presiding officer sa VP Duterte Impeachment Trial

-Babae, patay matapos pagbabarilin sa Brgy. 188

-Mga bote ng beer, nagkalat sa kalsada sa Brgy. Buhatan matapos mahulog sa isang truck

-DOJ: The action taken by the OSAA was not justified; the Senate was not under attack

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nabisto ng mga otoridad ang modo sa isang bodega sa Maynila.
00:04Ang mga produktong expired na, pinapalitan daw ng expiration date.
00:09Arestado ang limang tauhan ng bodega.
00:11Balitang hatin ni Jomera Presto.
00:17Sinalakay ng mga tauhan ng MPD Special Mayor's Reaction Team o Smart ang bodega na ito sa Quiapo, Maynila,
00:23nitong miyerkules ng gabi.
00:24Tumambad sa mga otoridad ang sarisaring expired na produkto na binago-umano ang expiration date ayon sa pulisya.
00:31Ilan sa mga nakaimbak sa bodega ay mga candy at chocolate na madalas bilhin ng mga bata.
00:36Mayroon ding mga keso na noon pang 2025 expired.
00:40Mayroon mga spaghetti sauce, imported soft drinks, maging mga gamot at vitamins na binago rin ang expiration date.
00:46Sa banyong ito, sinasabing binubura ang mga expiration date na mga produkto gamit ang ilang kemikal.
00:53Ito yung bodega na pinasok ng mga tauhan ng Manila Police District Kamakaila na naglalaman ng samot-saring expired na
00:59imported goods.
01:00Tulad na lamang nitong hawakong soft drinks na wala na o burado na ang expiration date.
01:06Sa videong ito, may kita pa ang ilang daga na pag-alagala sa loob mismo ng bodega.
01:12Pag nakita mo yung lugar talaga, ano nasa karumi at saka nakikita mo yung mga produkto, nabubulok na.
01:19So talagang hindi na siya po human consumption.
01:22Sabi ng MPD Smart, isang confidential informant ang nagsumbong sa kanila.
01:26Agad silang nagsagawa ng operasyon kung saan nahuli ang limang empleyado ng bodega.
01:31Yung dalawang babae, tumalabas na sila yung mga nagtitinda.
01:36Yung mga lalaki, yung dalawa doon mga sinasabing kargador at yung isa, yung tiga-bura at siya rin yung tiga
01:44-tumper.
01:45Yung mga produkto yung sinasabi natin na mga expired na.
01:49Halos 1 milyon pesos ang halaga ng umanoy expired food products ang nasabat sa operasyon.
01:55Nakuha rin sa loob ng bodega ang tatlong portable printer na ginagamit daw para mabago ang expiration date.
02:01Patuloy na hinahanap ng otoridad ang may-ari ng bodega.
02:04We'll make sure na may gobyerno sa Maynila.
02:07Ito'y bagay na binibigyan namin ng matinding atensyo dahil kalusugan ng mga bata, tao, nakakain ito.
02:16Nasa kustodiyan naman na ng MPD Smart ang limang na aresto na tumaging magbigay ng pahayag.
02:21Maharap ang mga sospek sa reklamong paglabag sa Consumer Act of the Philippines at Food Safety Act of 2013.
02:27Na ikipag-ugnay naman ng MPD sa Department of Public Services ng Maynila para sa maayos na disposal ng mga
02:33nasabat na expired na food products.
02:35Jomer Apresto nagbabalita para sa GMI News.
02:39Dahil walang Pilipining oras ang pagtama ng lindol, isinagawa ang second quarter nationwide simultaneous earthquake drill ngayong umaga.
02:473, 2, and 1
02:54Sa hudyap na yan, sama-sama nag-duck, cover, and hold ang mga lumahok sa earthquake drill.
03:00Kabilang po dyan ang mga ahensya ng gobyerno, lokal na pamahalaan, at pribadong opisina sa buong bansa.
03:06Kabi-kabilang simultaneous exercises din ang isinagawa sa kasagsagan ng emergency situations matapos ang pagtama ng lindol.
03:14Inilatag din ang Office of Civil Defense, ang Harmonized National Contingency Plan, sakaling tumama sa Greater Metro Manila area, ang
03:24pinangangambahang The Big One.
03:26Layon po nitong mas paitingin ang coordination mula sa national hanggang sa regional response system and access.
03:37Pinagmumulta ng Department of Labor and Employment ng mahigit labing isang milyong piso ang may-ari at contractor ng gumuhong
03:43gusali sa Angeles, Pampanga.
03:44Mahigit sa isang milyong piso riyan ay mapupunta sa mga apektadong manggagawa para sa mga sahod at benepisyo na hindi
03:51na ibigay sa katila noon.
03:52Mahigit sampung milyong piso naman ay para sa administrative fines.
03:55Ayon sa DOLE, may mga nakitang paglabag sa labor at safety standards sa pagtatayo ng gusali.
04:02I-endorse ng DOLE sa National Bureau of Investigation at lokal na pamahalaan ng Angeles City ang kompletong records ng
04:08kaso para sa paghahain ng mga reklamo.
04:11Una ng tiniyak ng DOLE na makakatanggap ng tulong ang mga pamilya ng mga nasawing empleyado.
04:16Sang-ayon ng ilang construction workers sa desisyon ng DOLE, anila hindi ligtas ang kanilang pagtatrabaho dahil walang mga safety
04:24equipment.
04:25Kulang din daw sila sa sahod at benepisyo.
04:28Sinusubukan pang kuna ng pahayag ang contractor at may-ari ng gumuhong gusali.
04:35Nagkainitan sina Sen. Pia Cayetano at Sen. Risa Ontiveros habang tinatalakay ang ilang panukalang batas sa special session ng Senado
04:44kahapon.
04:45Si Sen. Cheez Escudero naman ang itatalagang presiding officer sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ayon kay Sen.
04:52Ping Lakson.
04:53Balitang hatid ni Mark Salazar.
04:58Sa July 6, nakatakda ang pagsisimula ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
05:04Ayon kay Sen. Ping Lakson na pagkasundoan ng mayorya na ihalal si Sen. Cheez Escudero bilang presiding officer ng paglilitis.
05:12Lawyer eh. Kasi para at saka may experience na rin siya sa impeachment.
05:18Sure na sir na sir. Si Sen. Cheez na talaga.
05:20Yun ang konsesos namin.
05:22When will that happen sir? The election of Sen. Cheez as presiding officer?
05:25Pag nag-convite uli kami.
05:26I think you like it.
05:27Si Escudero ang tumayong presiding officer sa naunang impeachment case ng Vice nung siya pa ang Sen. President.
05:35Dagdag ni Lakson hindi ito produkto ng negosasyon para sa paglipat ni Escudero sa kanilang grupo.
05:41Ang pag-amienda sa Rules of Procedure ng Impeachment Trial kung saan nakapaloob ang paghalal ng presiding officer
05:48ang isa sa inaprubahang resolusyon ng magsesyon noong June 3.
05:53Pero kinikwestiyon ng grupo ni dating Sen. President Alan Peter Cayetano sa Korte Suprema ang nangyaring sesyon.
06:01Argumento nila labag umano ito sa saligang batas.
06:04Dahil ayon sa Cayetano Block, hindi sapat ang labing dalawang senador para magdeklara ng quorum.
06:11Kaya paano kung panigan ng Korte Suprema ang petisyon habang gumugulong na ang Duterte Impeachment Trial?
06:17Kung kasasagutin ang Supreme Court, sasagot kami.
06:21Kung sabihin ang Supreme Court, denied dahil mutin academic, that's it.
06:26Ayon kay Atty. Paulo Tamase ng UP College of Law, maaaring may epekto sa petisyon ng pagkakahalal ng bagong Senate
06:34President.
06:35Una, sila po mismo yung mag-withdraw ng petisyon nila.
06:38Nung ikalawa pong pwedeng mangyari ay yung Korte mismo yung mag-dismiss dahil wala na pong kailangan i-resolve.
06:44Natuldo ka na nga ang kalituhan sa kung aling paksyon nga ba ang mayorya sa pagkakahalal kay Senate President Win
06:51Gatchalian.
06:52Kasunod nito ay tumutok na ang mga senador sa legislative measures na layuning ipasa sa special session.
06:59Sa pagtalakay ng Senate Bill 1511 o panukal ng amyenda sa Anti-Hospital Detention Law,
07:05nagkainitan sina Senadora Risa Ontiveros at Senadora Pia Cayetano.
07:09What I'm saying is it's not written in the bill. You can ask your staff because it's not written in
07:15the bill.
07:15We may suspend Mr. President but it is actually written in the bill and I was quoting the gentle lady
07:21when I responded to her question.
07:25Gayun din ang talakayin ng Magna Carta for Barangay Health Workers.
07:29You're welcome Mr. President. I made a record earlier that there were...
07:33I thank the majority floor leader not her honor because her honor closed the period of amendments despite our name
07:39being there.
07:39Well, Mr. President, just to reiterate, I made a record that there were no more committee amendments
07:46and no other colleagues had submitted proposed individual amendments.
07:52And I said repeatedly more than once that if the body allows, that I would respectfully move to close the
07:59period of amendments.
08:00Kasama naman sa mga ipinasakayang resolusyon para sa pagbibigay ng sapatapundo
08:04para sa relief at rehabilitation ng mga komunidad na tinamaan ng lindol.
08:09At pagpapahayag ng pasasalamat sa mga frontliner at responder.
08:14Nakumpirma na rin ng Commission on Appointments ang promotion ng limang general ng Armed Forces of the Philippines o AFP
08:20at ang appointment ng 85 opisyal ng Department of Foreign Affairs.
08:25Hiniling din ni Sen. Bam Aquino na imbistigahan ang pagkamatay ng dalawang atleta na Ateneo.
08:30Sa kamara na ipasa ang lahat ng priority legislative measures na tinukoy ni Pangulong Bongbong Marcos
08:37sa pagpapatawag ng special session.
08:40Kabilang ang panukalang anti-political dynasty law na inuulan ng batikos
08:45dahil sa malabnaw daw na versyon nito sa third and final reading.
08:48Should you make that bill stricter and more constrictive, nawawala yung suporta ng lower house.
08:57Marami talagang political dynasty dito sa lower house.
09:00I'd be an idiot if I said I wasn't from one either.
09:04Hindi naman yan ginawa dahil yan ang gusto namin na ipasa na bill.
09:09Ginawa namin yan because that was the limit as to the support that we could garner from the lower chamber.
09:15It was really a matter of getting it through already na ipasa natin dito sa house to get the conversation
09:22started.
09:23This is not the final result of what the bill will be.
09:26I highly doubt that the Senate will adopt the house version.
09:28Wala rin tayong ilusyon. Alam naman natin sa Senado, magkakapatid nga ang nandyan eh.
09:33Now yung Senate, kailangan bantayan natin. Anong gagawin nila?
09:37May papasaba silang versyon. Tapos after that, the buy come.
09:42Ngayong natuldo ka na ang isyo sa Senate Presidency, umaasa ang House Prosecution Panel na wala nang hahadlang sa impeachment
09:50proceedings ni Vice President Duterte.
09:53Wala na pong dapat balakid sa pagtutuloy ng paglilitis on July 6.
09:58Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA News.
10:03Ito lang ang mabibilis na balita.
10:07Patay ang isang babae matapos pagbabarilin sa barangay 188, Kaloocan, pasado alas 6 kagabi.
10:13Ayon sa mga saksi, nakarinig sila ng hindi bababa sa dalawang putok ng baril.
10:17Ang salarin, nakasuot daw ng itim na jacket at sombrero.
10:21Tumagi munang magbigay ng pahayag ang pulisya habang nagpapatuloy ang investigasyon.
10:26Hinalam pa ang pagkakakinanlan ng biktima.
10:29Nagsasaguan na rin ng backtracking ang pulisya para matugis ang gunman na tumakas sakay ng isang motorsiklo.
10:38Nabisto ng Bureau of Customs sa mga shabu na isinilid sa beauty products sa Port of Clark sa Pampanga.
10:45Ayon sa mga otoridad galing sa Amerika ang shipment at ipapadala sa Mandaluyong.
10:49Aabot sa mahigit 27 milyong pisong halaga ng mahigit 4 na kilong shabu.
10:54Nai-turnover na yan sa Philippine Drug Enforcement Agency para sa pagsusuri.
10:59Inaalam pa kung sino ang nagpadala ng shipment at kung sino ang tatanggap nito.
11:07Nagkalat ang sandamakmak na bote ng beer sa kalsadang yan sa barangay Buhatan sa Sorsogon City.
11:13Nagsilabasa ng mga residente.
11:15Ang ilan, nagkanya-kanya ng kuha ng beer.
11:18Ayon sa kapitan ng barangay, posibleng overloaded ng truck kaya nang dumaan ito sa pakurbang bahagi ng kalsada.
11:24Tumapo ng mga beer.
11:26Ligtas naman ang driver at kanyang pahinante.
11:28Sinusubukan pa silang makuhana ng pahayag.
11:31Wala rin ibang nadamay o nasaktan sa insidente.
11:34Tumagal ng halos dalawang oras bago naalis sa mga bubog at basyo ng beer doon.
11:39Wala pa rin pahayag ang kumpanya ng mga natapon na beer.
11:44Hindi under attack ang Senado ng magkagulo roon noong May 13.
11:48Batay po yan sa initial findings ng panel of prosecutors ng Department of Justice.
12:12Kaya hindi raw makatwiran ang pagpapaputok ng baril na ginawa ng Office of the Sergeant at Arms ng Senado.
12:18Gustong malaman ni Justice Secretary Frederick Vida kung planado ba ang mga aksyon para mapigilan ang pag-aresto kay Senador
12:25Bato de la Rosa.
12:27Inaalam ng DOJ kung sino-sino ang mga posibleng nagsabwatan para makatakas si Senador Bato de la Rosa.
12:34Nauna nang sinabi ni Senador Alan Peter Cayetano na hindi tumakas o hindi pinatakas si de la Rosa noong May
12:4014.
12:41Malaya raw umalis si de la Rosa noon dahil walang local warrant of arrest para sa kanya.
12:47Maghahain ang request ang DOJ sa Senado para pahintulutan silang mag-inspeksyon muli sa Senate premises.

Recommended