00:00Mga kapuso, Tropical Depression ang binabante ang sama ng panahon na nasa Philippine Sea.
00:05Kinatawagin ngayon ang pag-asa na Bagyong, Quiapo.
00:08Mula nitong magdamag, dumami pa ang mga lugar na isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal.
00:13Signal No. 1 sa Batanes, Cagayan, kasama ang mga isla ng Babuyan, Isabela, Apayaw, Abra, Kalinga,
00:21eastern at central portions ng Mountain Province at ng Ipugaw,
00:25buong Ilocos Norte at northern portions ng Ilocos Sur at Aurora.
00:30Namata ng pag-asa ang Bagyong, Quiapo sa layong 875 km silangan ng Central Luzon kaninang alas 8.
00:37Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 km per hour.
00:42Base sa forecast track, bukas ay posibleng itong maging tropical storm at tutumbukin ang extreme northern Luzon.
00:49Mahari itong dumaan malapit sa northeastern portion ng mainland Cagayan
00:52at dadaanan din o kaya'y maglalanfall sa Babuyan Islands bukas ng hapon o gabi.
00:59Umaga o tanghali ng Sabado, posibleng lumabas na ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong, Quiapo.
01:05Magpapaulan din ngayong araw ang trough o buntot ng bagyo sa Bicol Region, Eastern Visayas at Romblon.
01:12Hanging habagat naman ang magpapaulan sa Mindanao, Occidental Mindoro, Palawan at ilang bahagi ng Visayas.
01:20Maaraw at maayos naman ang panahon dito sa Metro Manila at ilang pangpanig ng Luzon
01:24pero posibleng pa rin ang mga local thunderstorm o bigla ang pagulan lalo na sa bandang hapon o gabi.
01:30Tumutok po dito sa Balitanghali para sa 11 a.m. pag-asa Buletin Kaugnay sa Bagyong, Quiapo.
01:38Nakaranas na masamang panahon sa ilang lugar sa Mindanao.
01:46Kuha yan sa Polomolok, South Cotabato.
01:48Nagtulong-tulong ang ilang lalaki para hindi matangay ng rumaragas ang baha ang ilang motorsiklo sa barangay Canary Site.
01:55Ayon sa upload ng video, biglang bumuhos ang malakas na ulan doon bandang hapon.
02:00Naitayo at naitabi rin kalaunan ang mga natumbang motorsiklo.
02:04Walang naitalang sugatan sa insidente.
02:08Balik, balik, balik! O anak, patay na!
02:11Dahil diin sa matinding pagbaha, naging pahirapan ang pagdaan ng mga motorista sa kasadang yan sa barangay Mandug sa Davao
02:17City.
02:18Ilang motorsiklo at pedicab ang tumirik ng piliting tumawid.
02:23Pumupa rin kalaunan ng baha at nakadaan na ang mga motorista.
02:26Ayon sa pag-asa, localized thunderstorms ang naranasan sa ilang bahagi ng Mindanao.
02:34Disgrasya sa Rodriguez Rizal, patay ang dalawang lalaking rider matapos araruhin ng 10-wheeler na nawalan o manunang preno.
02:43Balita, hatid ni EJ Gomez.
02:49Nagkawasak-wasak ang motorsiklong yan.
02:51Sa gilid ng Payatas Road sa barangay San Jose Rodriguez Rizal nitong Merkulis.
02:56Ang rider, tumilapon sa may railing ng kalsada.
03:00Humambalang naman sa gitna ng Payatas Road ang isa pang motorsiklo.
03:05Humandusay rin sa gilid ng kalsada ang isa pang rider.
03:08Nangyari yan, matapos silang araruhin ang isang dump truck.
03:12Sa bahaging ito sa gilid ng highway na karating, ang 10-wheeler matapos sumalpok sa railing, kumalang sa simento at
03:20bumanggas sa puno.
03:22Ang 26-anyos na driver nawalan o manunang preno ayon sa pulis siya.
03:27Habang nandun siya sa may boundary ng Quezon City at Montalban, ayon sa driver, inaramdaman niya na nawawala na yung
03:37kanyang preno.
03:38Sinubukan niya itong igilid o itabi, subalit hindi niya nagawa.
03:43Dahil yung lugar ay pababa sa pwersa at bigat nung dala niyang truck.
03:54Ayon sa pulis siya, ang biktimang naipit sa salpukan, trabahador sa isang pharmaceutical company na katatapos lang mag-deliver sa
04:03veterinaryo sa isang zoo.
04:04Ang isa naman na nabalian ng binti at paa, tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP na
04:11naka-assign sa Quezon City Jail.
04:13Isinugod sila sa ospital pero namatay kalaunan.
04:17Ligtas ang pahinante, gayon din ang truck driver na inaresto ng pulis siya.
04:22Ayon sa driver, bumiyahe sila mula Tagaytay patungong Rodriguez Rizal para maghakot ng graba.
04:28Nawalan daw ng preno ang minamaneho niyang 10-wheeler.
04:32Pag liko po sa may ibabaw pa lang po, nawala na po ako ng preno.
04:36Kaya ginawa ko naman po lahat ng mga kaya ko para po may maiwasan.
04:39Kaso nga lang po, hanggang doon lang po, sagad na sagad na po yung liko ng truck.
04:44Sa pamilya po, may hindi po ako ng tawad, hindi ko naman po kagustuhan yung nangyari.
04:48Sasampahan ang truck driver ng reklamong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.
04:56Matindi ang hinagpis ng kaanak ng 31-anyos na si Christian Aranda na dalawang taon pa lang daw sa serbisyo
05:03sa BJMP.
05:04Kasi simula pa lang po yung pangarap niya sa buhay.
05:08Kakapropose niya lang po sa jowa niya, hindi pa sila nagkakaanak.
05:12Lahat po yung natapos dahil sa aksidente na to.
05:15EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA News.
05:21Kasunod ng sunod-sunod na oil price hike,
05:23nire-review na ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board ang mga hiling ng taas-pasahe.
05:28Ayon sa LTFRB, magre-recompute sila ng posibleng fare hike adjustment batay sa hiling ng ilang transport groups.
05:35Ang grupong manibela, bumihingi ng 2 pisong dagdag sa pamasahe, habang 10 piso naman sa grupong piston.
05:42Sabi ni LTFRB Chairman Vigor Mendoza na bumisita sa rally ng manibela kahapon,
05:47pinag-aaralan din nila ang posibleng pagtaas sa 15 pesos ng fuel discount na ngayon 10 pesos kada litro.
05:54Makatutulong daw ito sa mga tsyoper at posibleng hindi nakakailanganin magtaas-pasahe.
06:06Sumagot ang prosecution team sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte
06:10sa pahayag ng Senator Judge Robin Padilla tungkol sa kanila sa paglilitis kahapon.
06:17Sana hindi one-sided ang ating persekusyon.
06:21Kasi, alam nyo, pag kayo ang pagpabor sa inyo,
06:32alam nyo, bawal po ang ginagawa.
06:34Kindly maintain order within the court.
06:37Bawal po ang ginagawa nitong nasa harap natin, nagkukome-komento.
06:41The prosecution really is for the prosecution.
06:45And the defense is for the defense.
06:47As we say, it is the nature of the beast.
06:51Siguro sinasabing, dapat neutral.
06:54That applies to Senator Judges.
06:56Ang quote dyan, talbog rin sa inyo.
06:59Talbog sa inyo.
07:02Sa isang social media post si Padilla ngayong umaga,
07:04sinabi niyang parehong layuni ng mga tag-uusig at depensa ay hostisya,
07:08na anya'y dapat maging neutral.
07:10Kapag pumili ito ng panig,
07:12nawawalanan niya ng katuturaan ang hostisya at nagiging panghaapilang.
07:17Bago nito,
07:18pinunarin ni Padilla ang mga nag-ingay sa gitna ng paglilitis.
07:22Humingi ng paumanhin si Private Prosecutor Attorney Lorna Capunan dahil dito.
07:26Paliwanag niya,
07:27hindi may iwasang mag-react ang mga abogado sa gitna ng paglilitis.
07:34Papalik ko ang van na iyan sa National Highway sa Barangay Pakignes,
07:38aming Lamilla, Cebu nitong linggo,
07:39nang sumulpot ng isang motorsiklong nag-counterflow at bumanga sa van.
07:44Natumba ang rider.
07:46Sa isang social media post,
07:48inamin ni Dumanhug si Bumeyor,
07:49gungunhika na siyang nagmamaneho ng motorsiklo.
07:52Sabi niya,
07:53masyadong matagal ang traffic light sa lugar,
07:55kaya nangambaro siyang maabutan na naman ng stop.
07:58Nag-counterflow siya nang makitang maluwag daw ang kabilang linya.
08:02Aminado siyang mabilis ang pagpapatakbo niya.
08:05Hindi rin niya alam na may U-turn slot sa area
08:07dahil ang akalaro niya,
08:08no left turn sa buong Ming, Lanilia.
08:11Tatlong buwan pa lang daw ang kanyang motor
08:13at meron itong temporary plate number.
08:16Iniligay niya raw ang plaka sa bag
08:17dahil maluwag umano ang pagkakabit nito.
08:20Ayon sa pulis siya,
08:21nagkasundun ang magkabilang panig
08:23kaya wala ng isasang pangreklamo laban sa alkalde.
08:26Sinigot daw ni Hika ang gastusin
08:28sa pagpapagawa ng van.
08:30Isinailalim naman ang LTO Region 7
08:31sa 90-day preventive suspension
08:33ang lisensya ni Hika
08:34at naka-impound ang motorcyclo niya.
08:36Nag-sorry ang alkalde sa pagkakamali
08:39at sinabing anda niyang harapin
08:41ang imbistigasyon ng LTO,
08:42pati na ang suspensyon ng kanyang lisensya.
08:45Aptisem
08:48Aptisem
08:49Aptisem
08:50You
Comments