00:00Nananatiling bukas si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpatawag ng special session para sa Kongreso.
00:06Pero kondisyon ng Pangulo, mauna munang magkasundo ang mga Senador.
00:10Ang detali sa report ni Kenneth Paciente.
00:15Sa harap ng tila tug of war sa kung kaninong liderato ng Senado ang lehitimo,
00:20nanindigan ang Malacanang na hindi ito dahilan para sabihin na may constitutional crisis sa bansa.
00:26Sabi nito, hindi naman kailangang malito.
00:28Wala po tayong matatawag ng constitutional crisis.
00:31Maliwanag po ang sinabi.
00:33Ang sinusuportahan po at ang nire-recognize na liderato ay ang liderato po ni Acting Senate President Shervin Gatchalian.
00:42Sabi pa ng Palasyo, tanggapin na lang ng kampo ni Sen. Alan Peter Cayetano na ang liderato ni Sen. Gatchalian
00:49ang lehitimo at kinikilala.
00:51Sagot na umano ni Cayetano sa publiko ang epekto ng tila pagmamatigas nito sa Senate Presidency.
00:57Pero kung isang tao ay magmamatigas, sagot na po niya ito sa publiko. Sagot na po niya ito sa taong
01:05bayan.
01:06Dahil dito sa gulong to, marami po nabibinbin na bills, marami nabibinbin na resolutions, marami po nabibinbin na trabaho sa
01:12Senado.
01:14Nanindigan din ang Malacanang na bukas si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpatawag ng special session.
01:20Pero mawawalan umano yan ng saisay kung hindi aayos ang mga senador.
01:24Sa ngayon po ay pina-finalize pa po pero ang gusto po ng Pangulo ay mauna ang Senado na magkasundo.
01:32Dahil kahit sabihin natin na mayroong hiling ang Pangulo para sa isang special session,
01:37kung sila mismo po ay hindi magkakasundo, mababaliwala po ang naisin ng Pangulo.
01:41Dapat ayusin po nila ang Senado para ito naman ay para sa taong bayan, hindi pang sarili.
01:48So unahin muna nilang maayos ang kanilang mga sigalot at ang kanilang mga isyo sa Senado.
01:52Binibiripika na rin sa ngayon ang mga otoridad ayon sa palasyo ang umano'y tangkang panggugulo sa Senado.
01:59It is now being validated and it has been referred to the proper authorities.
02:04Sa mga nagtatangka, dahil nga may nauulinigan po na ganyan itong mga security threats,
02:13kayo man ay senador o ordinaryong tao na nagsasagawa nito,
02:18hindi po kayo makakaligtas sa kamay ng batas.
02:21Kenneth, pasyente para sa bayan.
Comments