00:00Hati ang reaksyon ng mga senador sa panukalang iwaba sa 10 taon ng criminal age liability ng mga bata.
00:07Isinusulong naman ngayon sa Senado ang panukala.
00:10Si Daniel Manalasta sa Sentro ng Balita.
00:15Isinusulong sa Senado panukalang batas na layong pababain sa 10 taon ang criminal age responsibility o edad ng pananagutan.
00:23Amyan dahan ng panukala ang Republic Act 9344 on Juvenile Justice and Welfare Act of 2006.
00:53Pero kakasulong pala ng panukalang batas, tila hati na ang mga senador sa panukalang ito na ay sinusulong ni Senador Robin Padilla.
01:04Si Senador Kiko Pangilinan tumayo para linawin ang ilang probisyon ng kasalukuyang batas.
01:09Yung bitiw na salita nung bata dito sa video na sinasabing ginawa namin ang krimen dahil alam namin hindi kami mapaparusahan
01:17ay maling impormasyon.
01:21At yung mga edad 16, 15, oo, minorde edad, pero maliwanag sa batas
01:27na maaari silang litisin bilang mga nasa hustong gulang na kapag napatunayan na meron silang discernment.
01:38Ito'y madaling sabihin, parusahan yung bata, ginagamit ng mga sindikato.
01:44Bakit hindi habulin yung mga sindikato?
01:50Kasi mas madaling parusahan yung bata.
01:53Si Senador Rafi Tulfo naman may mga natatanggap na sumbong sa mga ganitong insidente na natadawid daw ang mga bata
02:00na minsan daw ay sinasangkala ng edad para makalusot sa paggawa ng krimen.
02:05Andaming beses na po ng mga insidente na yung mga minorde edad ang nalakas ng loob,
02:12gumawa ng krimen dahil alam nila wala silang pananagutan at sasalbahin ng batas.
02:20Si Senador Erwin Tulfo naman na dating DSWT Secretary naniniwalang tama ang paggawa ng kasanukuyang batas.
02:28Pero ang problema, nung pinasaraw ito, tila hindi pa nakahanda ang Pilipinas.
02:33Ilan po ba ang ating mga rehabilitation centers, juvenile facilities?
02:40Labing isa lamang po.
02:41Pag may nahuli pong non-rape, ang gagawin po ng polis, huhulihin.
02:47Hindi po alam ng polis kung saan ilalagay ang bata.
02:51Dahil wala pong kulungan, hindi po niya, wala po siyang selda.
02:55Hindi naman pong maaring isama siya sa mga matatandang nakakulong.
02:58Wala po tayong juvenile court, kaya hindi po ikang matatry ang bata o malilitis dahil wala po tayong court.
03:07Inaasahang mahaba pa ang talakayan ng panukala ni Padilla sa Senado.
03:12Daniel Manalastas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.