Skip to playerSkip to main content
  • 1 day ago
Malakanyang, hinamon ang ‘Bagong Alyansang Makabayan’ na patunayan ang impeachment allegations vs. Pres. Marcos Jr. | ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Iginiit ng Malacanang na kinakailangang patunayan ng mga naghain na ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. ang kanilang mga aligasyon.
00:09Ayon sa Palacio, walang nilabag na batas at walang nagawang impeachable offense ang Pangulo.
00:15Ang detalye sa report ni Kenneth Pasiente.
00:17Patunayan, iyan ang hamon ng Malacanang sa bagong alyansang makabayan o bayan na naghain ng ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr.
00:31Sabi ng Palacio, mahirap na base lang sa paghahabi ng storya ang mga inihaing reklamo at sa halip, dapat nilang patunayan ang kanilang mga aligasyon.
00:40Tinukoy ng bayan sa Articles of Impeachment ang Institutionalizing Systematic Corruption and Patronage sa pamamagitan umano ng BBM Parametric Formula.
00:50Unang-una, ito rin naman po yata ang naging isyo patungkol pa rin po sa gaa, patungkol pa rin po sa pagbibigay ng ayuda.
00:56Unang-una, nasaan po ba yung sinasabi nating BBM Parametric Formula? They have to prove that.
01:00Pangalawa po, yung sinasabi yung pork barrel, mapapatunayan po natin sa mga ginawa ng Pangulo na pinag-ingatan, ulitin po natin, pinag-ingatan po ng Pangulo ang budget.
01:09Marami pong na-vito at ang binigyan niyang utos noon sa DBM ay magkaroon ng conditional implementation.
01:19Marami po ang mga nasaktan dahil hindi na ibigay ang kanilang mga budget na hinihiling dahil pinag-ingatan po at meron po tayong tinatawag na for later release.
01:31Tinukoy din ang abuse of discretionary power over unprogrammed appropriations at ang direct personal involvement in kickback schemes.
01:39Pero giit ng palasyo, mahihirapan silang mapatunayan ito.
01:43Pag sinabi nilang abusive, kailangan talaga i-prove ito.
01:47Kung wala naman po silang mailalagay na anumang pruweba sa kanilang complaint, naggagawa naman po sila ng kwento, nagahabi ng istorya.
01:57At po sila yung kickbacks, kailangan po pa rin patunayan ito.
02:01Hindi po pwedeng nasa guni-guni ng isipan ng tao.
02:04So mahihirapan po sila talagang i-prove ito dahil wala naman po talagang ginawa na violation ang ating Pangulo.
02:11Muli ring nanindigan ang Malacanang na walang ginawang impeachable offense ang Pangulo.
02:15Malakas po ang loob ng ating Pangulo na wala po siyang nalabag na anumang batas at hindi po siya gumawa ng anumang impeachable offense.
02:24Kenneth, pasyente. Para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended