00:00Suspendido pa rin ang pasok sa maraming paaralan sa Mindanao kasunod ng pagyanig ng magnitude 7.8 na lindol nitong
00:07lunes.
00:08Sa kabuan, may 3 milyong estudyante ang apektado.
00:12Kaugnay niyan at update tayo sa unang tatlong araw ng balik iskwela,
00:15paapanahin po natin Department of Education Assistant Secretary Jocelyn Andaya.
00:20Magandang umaga po.
00:22Magandang umaga, Igan, at sa lahat ng nanonood at sumusubaybay sa unang hirit.
00:27Asik Andaya, ilang paaralan sa Mindanao ang napinsala sa pagyanig ng lindol nitong lunes?
00:34Saan ang mga lugar po ito?
00:36Opo. Lahat po actually ng 6 na region sa Mindanao po ang apektado nito.
00:42At ang pinaka-apektado talaga ay ang Sok Sarchen, o yung tinatawag natin na Region 12.
00:48As of last night po, Igan, ay 554 schools ang apektado po nito.
00:55So, yun yung may mga minor damage, major damage, at totally damage.
01:00Hanggang ngayon po ay ina-assess pa po natin ang iba-iba nating mga struktura
01:05para ma-determine natin ilang talaga ang apektado doon nitong lindol.
01:10At kamusta ang epekto nito sa mga mag-aaral?
01:13Kasi simula lang po ng pasukan.
01:15Yun na nga, Igan, nakita natin sa iba't ibang mga video kung paano na-alarma ang ating mga bata,
01:23ibang umiiyak, nagtatakbuhan.
01:26Kung kaya ang tinitingnan natin dito habang wala pa sila sa paaralan,
01:30ay nakikipag-ugnayan tayo sa DSWD para mabigyan sila ng kaukulang psychological first aid.
01:39Yun din kasi ang gagawin natin pagpasok nila sa klase or sa mga pagkakataon
01:45na pwede nang i-reclare ng ating mga LGU dyan na pwede nang pumasok.
01:49Pero yun po muna ang ating tinitingnan.
01:52Kasi ang sabi nga ni Presidente at ni Secretary Sani Angara,
01:56yung kaligtasan muna ng mga bata ang kailangang tutukan.
01:59Pero tuloy ang pag-aaral nila through online?
02:05This week, again, hindi muna.
02:07Kasi kailangan okay muna sila ang kanilang mga bahay.
02:11Ang iba po kasi nating mga estudyante at mag-aaral ay nasa labas pa.
02:16Hindi sila mapunta sa kanilang mga bahay kasi may mga aftershocks pa eh.
02:21So tinitingnan pa po natin yun. Yun muna.
02:24And then siguro by next week kung humupa na po,
02:27ay tsaka po natin sila bibigyan ng kanilang mga kailanganin mga aralin.
02:32Okay. Sabay ba yung rehabilitasyon o magtatayo na ng bagong eskwelahan?
02:38Ang iba po, depende po kasi.
02:41Ang iba ay pwede namang minor repairs lang.
02:44At ang iba naman ay talagang hindi na po pwede magtayo ng mga eskwelahan.
02:49Kung kaya isasama natin ito sa mga itatayong mga gusali.
02:54For the meantime, meron tayong tinatawag na learning continuity space
02:58para doon sa may vacant area ng eskwelahan.
03:01Doon muna natin itatayo.
03:03Okay. Kamusta kasasasment natin ngayong linggo na nagsimula ang pasokan?
03:09Generally, again, maayos naman tayo.
03:13Matiwasay at organisado po.
03:15Except lang po talaga doon sa Mindanao areas na nagkaroon ng linggo.
03:20Okay. Isa po sa tinalaki namin ngayong linggo, yung pag-announce mo ng class suspension.
03:25Parang marami po mas nalito at hindi naging simple ito.
03:29Meron ba mga pagbabago adjustment, ASEC?
03:32Ang class suspension kasi, kahit naman doon sa ating inilabas na depend order,
03:37ay granular po ito.
03:38Depende po sa sitwasyon doon sa Mindanao.
03:41So, may kikipag-ugnayan din po tayo sa LGU doon
03:46kasi silang mas nakakaalam kung ano talaga ang sitwasyon doon sa kanilang mga lugat.
03:51Okay. Maraming salamat, Department of Education Association,
03:54Secretary of Justice Andaya.
03:55Ingat po. Salamat.
Comments