00:00Sa pagbubukas ng klase ngayon, June 8, nakadeploy na ang mga polis para bantayan ang siguradad ng bawat estudyante.
00:07Samantala, inatasan naman ang pambansang polisya ang lahat ng regional offices at local police units na paigtingin ng polis visibility.
00:15May report si Floyd Brenz.
00:18Nagpakalat ang Philippine National Police ng mahigit 55,000 polis at force multipliers sa iba't ibang bahagi ng bansa
00:25bilang bahagi ng mas pinaiting na seguridad para sa pagbubukas ng klase ngayong June.
00:31Bahagi ito ng pagpapatupad ng Oplan Balik Eskwela 2026 na layuning tiyakin ang kaligtasan, kaayusan at seguridad ng milyon-milyong
00:40estudyante,
00:41gurok, school personnel at mga magulang na muling babalik sa mga paaralan matapos ang bakasyon.
00:47Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio Nartates Jr.,
00:52kabilang sa mga ipakakalat ay mga pulis, barangay tanod, force multipliers at iba pang katuwang ng mga otoridad na magbabantay
01:00sa paligid ng mga paaralan,
01:02transport terminals, pedestrian crossings, pangunahing lansangan at iba pang lugar na inaasahang makararanas ng matinding dagsa ng tao sa unang
01:11araw na klase.
01:11Inatasan na rin ng pambansang pulisya ang lahat ng regional offices at local police units na paigtingin ang police visibility
01:19at magtalaga ng sapat na bilang ng mga tauhan para matiyak ang mabilis na pagtugon sa anumang emergency o incidenteng
01:27maaaring mangyari habang nagsisimula ang panibagong school year.
01:31Meron po tayo mga police assistance desk, meron po tayo mga mobile and foot patrollers,
01:36ganun din po yung ating police visibility and presence sa iba't ibang lugar.
01:40Bukod sa pagpapatupad ng seguridad, tututukan din ng mga police ang pamamahala ng trapiko,
01:46crowd control at koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan, transport groups at iba pang ahensya
01:52para maiwasan ang matinding pagsisikip ng daloy ng mga sasakyan at mga commuters sa mga pangunahing ruta papunta sa mga
02:00paaralan.
02:00Pag simula po ng lundas, pamantayan namin yung mga school transport operators.
02:05Huwag po nila gawing sardinas yung mga bata.
02:08So hindi nang daming papantayan yan on the first day, second day, pati middle of the semester,
02:15ayawin sana namin makita na nagagawang sardinas yung mga bata.
02:19Sinabi rin ang PNP na bagamat wala silang natutukoy na partikular na banta sa seguridad,
02:25kaugnay ng pagbubukas ng klase, nananatiling naka-full alert ang kanilang grupo
02:29para agad na matugunan ang anumang posibleng insidente kabilang ang petty crimes,
02:34road accidents at iba pang emergency situations.
02:37May panawagan naman ang kapulisan, partikular sa mga magulang at estudyante na maging mapagmatsyag,
02:43sumunod sa mga safety protocols at makipagtulungan sa mga nagpapatupad ng batas
02:48para masiguro ang ligtas, maayos at mapayapang pagbabalik eskwela ngayong taon.
02:54Floyd Brents para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments