00:00Samantala bilang paghahanda sa Tagulan, MMDA pinigting ang clearing operations sa mga estero at ilog upang maiwasan ng pagbaha sa
00:08buong Metro Manila.
00:09Silipin natin yan sa report ng Jem Thompson live, Rise and Shine Jem.
00:17Audrey, ngayon pa lamang kahit hindi pa Tagulan, tuloy-tuloy pa rin ang clearing operations ng MMDA sa mga estero
00:24at ilog sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila.
00:27Ito ay paghahanda para sa posibleng epekto ng inaasahang malalakas na pagulan ngayong taon.
00:37Dahil sa inilabas ng pag-asa na paalala sa mga paparating na bagyo sa bansa kung saan mas kaunti ngunit
00:44mas malalakas,
00:45lalo namang pinigting ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang kanilang mga operasyon at aktibidad
00:52para masiguro na sakaling dumating ang mga bagyong ito, mababawasan ang pagbaha.
00:57Lalo na sa mga flood-prone area sa Metro Manila.
01:01Kahapon nga lang ay natapos na ang paglilinis sa Ilugin River sa barangay Pinagbuhatan, Pasig City.
01:07Ito ay sinimula noong Oktubre at nakahakot ng 1,946 cubic meters ng mga basura at water hyacinth.
01:15Sa panukala ni MMDA General Manager Nicolas Tore III, ang Local Government Unit ang hahakot ng water hyacinth at patutuyuin
01:24ito bago ibigay sa MMDA.
01:26Ipoproseso naman ito ng ahensya para maging charcoal briquets o uling at sakamuling ibibigay sa LGU.
01:33Ito ay sa ilalim pa rin ng bayanihan sa estero program ng MMDA.
01:38Patuloy rin ang operations at maintenance activities ng MMDA flood control personnel sa mga pumping stations sa iba't ibang bahagi
01:47ng Metro Manila.
01:48Kaugnay rito, tuloy-tuloy rin ang mga operasyon ng Department of Public Works and Highways o DPWH sa iba't ibang
01:57bahagi ng bansa bilang bahagi ng off-land kontrabaha.
02:02Nakikipagtulungan din ang ahensya sa mga lokal na pamahalaan upang masiguro ang kahandaan ng mga lugar at kaligtasan ng mamamayan.
02:12Audrey, dito nga sa San Juana River along A. Rodriguez Avenue sa Quezon City, meron din nga dredging operation para
02:20ito sa paghahanda ngayong darating na tagulan.
02:23Dahil nga yung mga kalapit barangay dito ay sa tuwing sumasapit yung tagulan, madalas silang nakararanas ng pagbaha.
02:31Samantala, para naman sa ating mga motorista, ngayong araw ng biyernes, bawal po ang mga plakang nagtatapos sa numerong 9
02:39at 0.
02:39Simula alas 7 ng umaga hanggang alas 10 ng umaga at alas 5 ng hapon hanggang alas 8 ng gabi.
02:46Audrey?
02:48Maraming salamat, J.M. Thompson.
Comments