00:00Bagong guidelines para sa Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients o MAIFIP program ng Department of Health na naayon sa probisyon ng 2026 General Appropriations Act, inaasahang mailalabas na bago mag-pebrero si Floyd Brands sa Sentro ng Balita.
00:20Itilabas ng Department of Health ang bagong MAIFIP guidelines bago matapos ang Pebrero, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:33Ipinagbabawal na sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act ang paggamit ng guarantee letters mula sa mga elected officials para sa bayarin ng pasyentes sa ospital.
00:44Palalawakin ng bagong guidelines ang saklaw ng benepisyaryo para isama ang ambulatory care, surgical clinics, eye at dental services, dialysis clinics at FDA approved na gamot.
00:56Isa sa mga mahalagang pagbabago ang 100% coverage na professional fees ng mga doktor batay sa patakaran ng DOH.
01:04Samantala nilinaw ng Department of Health, ang superflu sa bansa ay hindi dapat ikabahala at hindi sanhin ng malalang pulmon niya dahil isa lamang itong karaniwang trangkaso na mas mabilis kumalat.
01:17Pareho lamang ang mga sintomas nito sa ordinaryong flu at karaniwang lumalabas tuwing malamig o nagpapalit ang panahon.
01:24Pinayuhan ang publiko na mag-ingat, sundin ang tamang kalusugan at agad magpakonsulta kapag nakaranas ng mga sintomas tulad ng lagnat, ubo at pananakit ng katawan.
01:35Floyd Brenns para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments