00:00Patuloy ang ginagawang pagpapalakas ng Department of Social Welfare and Development sa mga programang pangkabuhayan at pamamahagi ng ayuda upang
00:08tulungan ang mga komunidad na naapektuhan ng mga kalamidad.
00:12May report si Floyd Brantz.
00:17Patuloy na bumabangon ang mga tourism workers ng Ilo-Ilo matapos ang pananalasan ng bagyong tino na nakaapekto sa kanilang
00:24kabuhayan.
00:25Dahil diyan, nagsagawa ang DSWD Field Office Region 6 ang emergency cash transfer para matulungan silang makapagsimula muli.
00:33Tinatayang nasa 270 na beneficiaryo mula sa Tigbauan, Tubungan, Oton at Igbaras ang tumanggap ng Tig 10,325 bilang pantawid
00:42sa kanilang pangunahing pangangailangan.
00:44Isinagawa rin ang verifikasyon ng BBM Servisyo Online Registration alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Sekretary
00:53Rex Gatchalian.
00:55Patuloy naman ang DSWD Field Office 5 sa Bicol Region sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng shearline sa Catanduanes.
01:02Namahagi ito ng nasa mahigit 2,000 kahon ng family food packs sa mga residente ng vegan at panganiban.
01:09Bawat kahon ay may lamang bigas, delatang pagkain at powdered drinks na sapat sa isang pamilyang may 4 hanggang 5
01:15miyembro sa loob ng 2 hanggang 3 araw.
01:18Ipinagpatuloy ng ahensya ang mabilis at episyente yung pagtugon alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na suportahan
01:25ang mga biktima ng kalamidad.
01:29Bilang bahagi naman ng inisyatibo para mapalakas at matiyak ang maaasahang sektor ng elektrisidad,
01:34binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Meralco Exhibit,
01:38katuwang ng Electric Company ang Department of Social Welfare and Development sa pagtataguyod ng kabuhayan sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood
01:46Program.
01:46Kabilang dito ang pagbuo ng isang e-tric charging station katuwang ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela City
01:52na nagsimula sa simpleng charging plug at lumagob bilang ganap na istasyon.
01:56Nagbibigay ito ng abot kayang servisyo sa mga driver habang ang kita ay pinaghahatian ng mga miyembro.
02:02Ipinakita ng inisyatibong ito ang patuloy na suporta ng DSWD sa mga proyektong nagpapalakas ng kabuhayan at tumutulong sa komunidad.
02:10Floyd Brands para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments