00:00Pinatatag pa ng Pilipinas at Japan ang pagtutulungan sa iba't ibang larangan, lalo na sa usapin ng depensa.
00:07Ito ay sa harap ng pagtataas ng level ng relasyon ng dalawang bansa na ngayon ay itinuturing ng Comprehensive Strategic
00:14Partnership.
00:15Si Kenneth Paciente sa Sentro ng Balita.
00:20Mas pinaigting pa ng Pilipinas at Japan ang kanilang ugnayan matapos i-annunsyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:26at Japanese Prime Minister Takaichi Sanae ang pag-angat ng relasyon ng dalawang bansa na ngayon ay Comprehensive Strategic Partnership
00:34na.
00:35Ito ay kasabay ng paggunitan ng ikapitumpong anibersaryo ng diplomatic relations ng Pilipinas at Japan.
00:40This milestone reflects the strength, depth, and breadth of our ties as we respond to the evolving challenges and opportunities
00:47of our time.
00:48Ayon sa Pangulo, kabilang sa napag-usapan nila ng punong ministro ang pagpapalawak ng kooperasyon sa usaping pang-ekonomiya,
00:55energy resilience, decarbonization, defense at security cooperation, maritime matters at iba pa.
01:02Nagkaroon din sila ng talakayan hinggil sa mga isyo sa Indo-Pacific region, sitwasyon sa Middle East, at epekto nito
01:08sa energy security.
01:09Nagpasalamat din ang Pangulo sa suporta ng Japan sa chairmanship ng Pilipinas sa ASEAN ngayong taon,
01:15gayon din sa pagsusulong ng pagkakaisa at centrality sa ASEAN.
01:19Nasaksihan din ang dalawang leader ang paglagda sa kasunduan para maiwasan ang double taxation
01:24na inaasahang magpapaganda sa business environment at magpapalakas ng cross-border investment sa pagitan ng dalawang bansa.
01:31Nalagdaan din ang mga bagong kasunduan para palawakin ang kooperasyon sa agrikultura at pangingisda,
01:37pagpapabuti ng access sa quality health services, at pagpapatuloy ng partnerships sa human resource development.
01:43Nagkasunduri ng Pilipinas at Japan na palakasin pa ang kooperasyon sa space development,
01:48artificial intelligence o AI, energy security, at supply chain resilience.
01:53Sinabi ng presidente na sisimulan na ang negosasyon para sa General Security of Military Information Agreement,
02:00gayon din ang delimitation ng maritime borders.
02:17Umaasa ang Pangulo na mas lalakas pa ang ugnayan ng Japan at Pilipinas sa hinaharap na pinatatag ng kapayapaan at
02:24diplomasya.
02:25These substantive discussions with the Prime Minister have demonstrated the vigor with which the Philippines-Japan comprehensive strategic partnership will
02:34proceed,
02:34built on a foundation of friendship and shared values for peace, diplomacy, and adherence to international law.
02:42Kenneth Pasyente, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments