Skip to playerSkip to main content
  • 9 minutes ago
Malakanyang, iginiit na hindi makikialam si PBBM sa impeachment trial ni VP Sara Duterte; Pangulo, nais na mapanagot ang mga dapat managot kahit na kaalyado umano | ulat ni Cleizl Pardilla

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Naninindigan ang Malacanang sa pagrespeto ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. sa due process.
00:06Ito ay sa harap ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte at umano'y karagdagang ICC warrants.
00:14Giit pa ng palasyo, naninindigan din ang Pangulo sa pagpapanagot sa mga dapat managot kahit na kaalyado pa ito ng
00:22gobyerno.
00:23Si Clazel Pardilla sa Sentro ng Balita.
00:29Hindi makikialam si Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. sa nakatakdang impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.
00:37Ang Malacanang, ang palasyo at ang Pangulo ay hindi po magbibigay na anumang pre-judgment.
00:44Ang mga ebidensya ay dapat na maisiwalat ng buo kapagka nagkaroon na po ng impeachment trial.
00:50Sa Hulyo, inaasahang gugulong na ang impeachment trial sa Vice na nagugat sa umano'y paglulustay ng bilyong-bilyong pisong
00:59confidential fund.
01:01Hindi maipaliwanag na yaman, panunuhol at banta kay Pangulong Marcos Jr., First Lady Liz Arnata Marcos at nating House Speaker
01:10Martin Romualdez.
01:12Tao na po ang maghuhusga, maliban po of course sa mga senator judges, sila na po ang maghuhusga kung ano
01:21po ang nilalaman ng mga ebidensya
01:23at kung dapat bang managot ang isang vice-presidente sa mga akusasyong ibinabato sa kanya.
01:29E paano kung may mga lumitaw na pangalan sa paglilitis na nakaubong opisyal o kaalyado ng administrasyon?
01:36Isa sa itinataguyod ng administrasyon na ito ni Pangulong Marcos Jr. ay managot ang dapat na managot.
01:45Hindi po tutulugan kung may mga nangyari na pagtulog sa pagpapanagot ng mga sangkot sa mga nakaraang administrasyon,
01:53hindi po yan ang gagawin ng administrasyon na ito.
01:57Sinimulan niya pong magpaimbestiga ng tungkol sa korupsyon, dapat po ay magtuloy-tuloy po ito.
02:02Kahit na matapos ang kanyang termino, sana magtuloy-tuloy at yung dapat na managot ay hindi mapakawalan.
02:11Sa harap ng posibleng paglalabas ng kanagdagang warrant of arrest ng International Criminal Court
02:18laban sa mga sinasabing co-perpetrators sa madagong laban kontra droga na karang administrasyon,
02:24nanindigan ang palasyo na ipatutupad ang kaparehong hakbang na umira ng makipagtulungan ang Pilipinas sa Interpol
02:32upang harapin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kaso sa ICC.
02:37Kung ano man ang stance ng gobyerno sa ngayon, ganun pa rin po ang ipapatupad.
02:43Kung ano po ang mandato ng DOJ at ng naaayon sa batas,
02:50yun lamang po at walang iba-violate na rules ang ating gobyerno.
02:56Kumpiansa naman ang Malacanang na hindi magdudulot ng negatibong epekto sa ekonomiya ng bansa
03:02ang matinding ingay sa politika.
03:04Ang palasyo ayaw maniwala na ganyan na magkakaroon ng negatibong epekto
03:08dahil kung ang isinasagawa ngayon ay para makita kung may pananagutan ang ilang tao,
03:16mas magandang makita natin ang positibo rito
03:19dahil mas nilalaban na natin ang mga tao na maaaring sangkot sa korupsyon.
03:26Wala rin anyang epekto ang bangayan sa politika
03:29sa mga legislative at economic agenda ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr.
03:35Ang economic team ay patuloy sa pagtatrabaho, patuloy din po na nais na mapanagot,
03:43ang dapat na mapanagot at yan po ang isa sa mga dapat makita,
03:47especially ng investors na ang gobyerno ngayon,
03:51ang administrasyon nito ay hindi po nagko-cover up ng mga anomalya o tungkol sa korupsyon.
03:58Kalaizal Pardilia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended