00:00Tiniyak ng Malacanang na hindi apektado si Pangulong Marcos Jr. at sa pagiging host ng Pilipinas sa ASEAN
00:07ang iba't-ibang issue sa bansa tulad ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte
00:12at umano'y pagkakasangkot ni dating House Speaker Martin Romualdez sa korupsyon.
00:17Si Clay Zel Pardilla sa Sentro ng Balita, live.
00:23So hindi pipigilan ng Malacanang ang panibagong Travel Authority request na iahain ni Vice President Sara Duterte.
00:33Ito'y matapos kanselahin ng pangalawang Pangulo ang kanyang pagbiyahe sa labas ng bansa
00:38dahil umano'y sa last minute na pagtugon ng Malacanang.
00:46Noong April 14, nag-apply ng Travel Authority si VP Duterte.
00:51Tinugunan ito noong April 22 o isang araw bago ang kanyang nakatakdang pag-alis.
00:57Patungo ng Netherlands ang bise kung saan nakapiit ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
01:03Papunta rin siya ng South Korea, Belgium, Germany, Britain at Northern Ireland
01:09na magtatagal mula April 23 hanggang May 14.
01:13Pero kinabig ng pangalawang Pangulo ang kanyang paglabas ng bansa
01:17dahil umano'y sa uncertainty sa pagkuhan ng permiso.
01:21Hihingi raw ng bagong request si Duterte.
01:24Sana raw iproseso agad at bigyan ng sapat na oras para makapaghanda.
01:29Hindi lamang ilang oras bago ang kanyang nakatakdang pag-alis.
01:33Ang sagot dyan ng Malacanang...
01:37Ang vice-presidente ayun naman po sa records ay nakakatanggap po ng dokumento para sa travel authority niya
01:44a day before her intended vacation.
01:49So hindi naman po siya tinanggihan.
01:53Wala pa sa record na kapag siya'y nag-request ng pagbabakasyon or personal trip
02:01ng mahabang araw or mahabang na panahon na siya'y tinanggihan.
02:07So para sabihin na last minute resolution or decision to, hindi po ganun.
02:17Tinabla rin ng Malacanang Apela ng pangalawang Pangulo na bigyan ng confidentiality
02:23ang pangangasiwa ng mga sensitibong dokumento para matiyak ang seguridad ng pangalawang Pangulo.
02:31Siya po ay isang public servant.
02:34Hindi po siya privado.
02:37Hindi po maitatago ang mga bagay-bagay na nais niyang itago.
02:44May mga bagay na dapat nalalaman ng publiko dahil siya isang public servant.
02:51Sa gitna ayan ng krisis sa Middle East at paglitaw ng kahinahinalang halos 7 billion pisong transaksyon
02:58sa mga account ni Duterte at kanyang asawa, ang tanong ng palasyo,
03:06Kung kayo ang tatanungin, kung kayo ang vicepresidente, nararapat ba na magbakasyon?
03:13Kung yan po ang nais niya na magbakasyon at mag-world tour,
03:18ibigay ang hilig.
03:22Sa kabila ng mga isyo sa politika patungkol kay Vice President Duterte
03:27at kay dating House Speaker Martin Romualdez na nadidiin sa isyo ng korupsyon,
03:33siniguro ng Malacanang na hindi ito makakaapekto kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
03:40at pag-host ng Pilipinas sa ASEAN Summit.
03:43Yan na muna ang pinakahuling balita.
03:46Balik join sa studio, Jules.
03:49Maraming salamat, Clayzel Bardilia.
Comments