00:00Binigyang diin ng Malacanang na may kalayaan ang mga mambabatas na magdesisyon ang kanilang posisyon patungkol sa inihaing impeachment case
00:08laban kay Vice President Sara Duterte.
00:10Ipinahayag yan ng Palacio matapos ihayag ng National Unity Party o NUP na hindi sila boboto ng pabor sa impeachment
00:17kung walang lulutang na malakas na ebidensya.
00:20Ayon kay PCO, Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, hindi hawak o makikialam ang Pangulo o ang administrasyon sa
00:28isyo ng impeachment laban sa Vice Presidente at kung ano ang desisyon ng anumang political party ay para naman ito
00:35sa kabutihan ng kanilang mga membro.
00:37Ipinunto pa ng Malacanang na hindi dapat gawing isyo kung may hawak pa rin malaking bilang ng mga kaalyado sa
00:43Kongreso ang Pangulo.
00:46Huwag natin isingit, ilagay sa isyo ang numero ng Pangulo sa House of Representatives.
00:53Ang Pangulo po ay bumabasi sa proseso at sa ebidensya. Kung ano po yung makikita nilang ebidensya, yun lamang po
01:00ang kanilang isulong.
Comments