00:00Mga kapuso, tumaas ang chance na maging bagyo ang low-pressure area sa Pacific Ocean.
00:05Ayon sa pag-asa, posibleng sa Webes o Biernes papasok sa Philippine Area of Responsibility ang potensyal na bagyo.
00:12Tatawagin po yan sa local name na Doming.
00:16Sa ngayon, namataan ang LPA mahigit sang libong kilometro silangan ng northeastern Mindanao.
00:21Sa kabila niyan, hindi inaasahang magla-landfall o tatama sa lupa ang bagyo,
00:26pero posibleng magpaulan ito sa ilang bahagi ng bansa.
00:30Inuulan na ang ilang panig ng Mindanao dahil po sa trough ng nasabing LPA.
00:35Apektado naman ang Zamboanga Peninsula, BARMM, Soxargen, Lanao del Norte, Mesamis Occidental at Palawan
00:43ng southwesterly windflow o mahinang habagat.
00:47Sa mga susunod na araw o linggo, posibleng po itong hatakin pa ng paparating na potensyal na bagyo.
00:52Kung mangyayari yan, asahan na ang madalas na pagulan at posibleng ideklara na ang tagulan o rainy season.
01:00Magpapaulan din ngayong Marte sa ilang bahagi ng Visayas ang Easter Lease
01:04habang local thunderstorm dito sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.
Comments