00:00Sa iba pang balita, mula pa kanina, maulan na rito sa Metro Manila dahil po yan sa low-pressure area
00:06na nasa Bicol.
00:07Huling na mataan ang pag-asa ang LPA sa coastal waters ng Claveria, Masbate.
00:12Mataas na po ang chance na ito maging bagyo sa mga susunod na oras.
00:16Kung sakali, tatawagin po yan na Bagyong Henry, ang ikawalong bagyo sa bansa ngayong 2026.
00:22Bukod sa NCR, uulanin din dahil sa LPA ang Visayas, Calabarzon, Bicol Region, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque at Romblon.
00:33Hanging habagat naman ang nakaka-apekto sa Palawan.
00:37Mas makakaasa po sa maayos na panahon naman ang iba pang bahagi ng bansa ngayong Martes, pero posible pa rin
00:42po ang mga local thunderstorm.
00:44Base naman sa rainfall forecast ng Metro Weather, uulanin sa mga susunod na oras ang halos buong bansa kasama ang
00:51Metro Manila.
00:52May heavy to intense rain sa ilang lugar na maaaring magdulot ng baha o landslide.
00:57Maging alerto at mag-ingat tayo mga kapuso!
Comments