00:00Mga kapuso, magpapaulan pa rin po ang habagat sa Luzon at Visayas ayon sa pag-asa.
00:06Mas makakaasa naman ng maayos at maaron na panahon ang Mindanao,
00:09pero posible pa rin po eh ang mga local thunderstorm.
00:13Wala namang epekto sa hanging habagat ang dalawang binabantayang low pressure area
00:17na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility.
00:21Ang isang LPA ay namataan po mahigit sang libong kilometro kanluran
00:24ng southwestern Luzon nasa West Philippine Sea.
00:28May katamtaman itong tsyansa na maging isang bagyo pero patungo po ito ng Vietnam.
00:33Ang pangalawang LPA naman ay mahigit dalawang libong kilometro ang layo sa silangan ng Visayas.
00:40Mababa naman ang tsyansa nitong maging bagyo.
00:42Nakataas po ngayon ang thunderstorm advisory sa ilang bahagi ng Palawan.
00:46Asahan ang thunderstorms hanggang pasado alas 12 ngayong tanghali.
00:51Inaalerto ang mga residente sa Bantanambaha o landslide.
00:54May thunderstorm watch naman sa Occidental Mindoro, Palawan, halos buong Visayas,
01:00northern Mindanao at Davao region.
01:02Posible ang mga biglang ulan na may pagkulog, pagkidlat hanggang alas 10 mamayang gabi.