00:00Humihina na ang Bagyong Francisco.
00:02Ayon sa pag-asa, taglay po nito ang lakas ng hangin na hanggang 140 km per hour.
00:07Mabagal pa rin kumikilos ng 10 km per hour, pahilaga, base po sa 8 a.m. monitoring ng pag-asa.
00:15Typhoon category pa rin po ang Bagyong Francisco.
00:18Nanatili ang wind signal number 1 sa Batanes at sa northeastern Cagayan kasama ang Babuyan Islands.
00:24Huli yang namataan, 275 km silangan ng Basco Batanes.
00:28Papalabas na po ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.
00:32Sa Biyernes, posibleng nasa labas na po yan at tutumbukin naman ang Japan.
00:37Bukas, Huwebes, posibleng namang makapasok na ng PAR ang tropical storm na nasa Pacific Ocean.
00:44Tatawagin po yan ang Bagyong Gardo.
00:47Maari pang lumakas ang bagyo bilang severe tropical storm pero giginid lamang ito sa may eastern boundary ng PAR at
00:56lalabas din sa Biyernes.
00:57Base sa inisyal na forecast ng pag-asa, walang magiging epekto sa lagay ng ating panahon ang nasabing bagyo.
01:04Ang Bagyong Francisco pa rin ang hahatak sa Habagat.
01:07Sa ngayon, apektado na po ng Habagat o monsoon rains ang Central at Southern Luzon kasama ang Metro Manila at
01:14Visayas.
01:15Mas makakaasa pa rin po sa maayos na panahon ang natitirang bahagi ng bansa.
01:19Pero maging alerto sa mga posibleng local thunderstorm lalo sa bandang hapon o gabi.
01:27Sa ngayon.
Comments