00:00Ipinababasura ng Office of the Solicitor General sa Korte Suprema
00:03ang petisyon ni Sen. Ronald Bato de la Rosa
00:06na kumukwestyon sa pagpatupad ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court.
00:11Ang gatala sa report ni Carlo Candelaria.
00:17Sa komentong inihain ng Office of the Solicitor General o OSG sa Korte Suprema,
00:22sinabi nitong maaaring ipatupad ng Executive Department
00:25ang arrest warrant ng International Criminal Court o ICC
00:28laban kay Sen. Ronald Bato de la Rosa sa ilalim ng Republic Act 9851.
00:33Ipinaliwanag ng OSG na sa ilalim ng Section 17 ng naturang batas,
00:37pinapahintulutan ang mga otoridad na isuko ang isang akusado sa isang International Court
00:42kung may umiiral ng investigasyon laban dito.
00:45Ayon pa sa OSG, hindi na kailangan ng hiwalay na warrant mula sa mga lokal na hukuman
00:49upang maaresto ang Senador sa bansa.
00:51Nilinaw din ang tanggapan na hindi saklaw ng regular extradition rules ang kaso ni de la Rosa.
00:56Binigyan din pa ng OSG na hindi pwedeng gamitin ang parliamentary immunity
01:00bilang panangga sa pananagutan,
01:02sabay tawag kay de la Rosa bilang isang fugitive from justice.
01:05Dahil dito, formal na hiniling ng OSG sa Korte Suprema na ibasura
01:09ang lahat ng hirit ng Senador na pigilan ng pag-aresto sa kanya.
01:13Matatanda ang naghahain si de la Rosa ng mga manifestation at motion sa Korte Suprema
01:17upang ipatigil ang pag-aresto sa kanya at pagdala sa ICC.
01:21May tatlong araw din si Bato para maghahain ng komento sa Supreme Court.
01:24Samantala tinanggihan umano ng Senado ang subpina ng Ombudsman
01:27para sa CCTV footage ng naganap na putukan noong May 13.
01:31Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Rimulya
01:34na nagkaproblema ang kanilang process server at ayaw umano itong tanggapin sa Senado.
01:39Pero ani Rimulya, mayroon ng notice at mismong si Senate President Alan Peter Cayetano na umano
01:44ang nagsabi na dapat panagutin si NBI Director Melvin Matibag.
01:48Ibig sabihin, aniya alam na ng Senado ang patungkol sa suspensyon.
01:51Dagdag pa ng Ombudsman, para sa kanya ay considered served na ang subpina kahit na hindi ito tinanggap ng Senado.
01:58Marina mang pinabulaanan ng Office of the Senate Surgeon at Arms o OSAA
02:02ang kumakalat na impormasyon na walang CCTV footage sa ikalawang palapag ng gusali ng Senado
02:07nang maganap ang insidente noong Merkules May 13.
02:10Ayon kay Senate Surgeon at Arms Mau Aplaska,
02:12gumagana ang CCTV system sa loob ng Senado nang maganap ang insidente.
02:16Noong May 14, formal na tinanggap ng OSAA ang kahilingan mula sa PNPC-IDG Regional Field Unit NCR
02:23para sa mga kopya ng CCTV footage.
02:25Agad naman itong ibinigay ng OSAA sa pamamagitan ng Integrated Electronics and Technical Section nito.
02:31Isinagawa rin ang pagkuha at turnover ng mga CCTV recordings sa koordinasyon at partisipasyon
02:36ng mga otorisadong tauhan ng PNP.
02:38Carlo Luis Candelaria para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments