00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:06Patay ang magkapatid na sakay ng isang motorsiklo matapos silang sumalpok sa isang wing van na truck po sa Santiago,
00:14Ilocosur.
00:15Ayon sa pulisya, paliko ang motorsiklo at nasa kabilang lane na nang magkasalpukan nito ang kasalubong na truck.
00:22Sa lakas po ng impact, buasak ang gilid ng truck at nayupi ang motor.
00:26Nasawi sa mga tinamong sugat ang magkapatid na rider at angkas niya.
00:31Ligtas naman ang mga sakay ng truck. Wala pa silang pahayag pati ang pamilya ng nasa wing magkapatid.
00:40Patay ang isang lalaki sa Dagupan, Pangasinan matapos barilin. Pinsan niya ang suspect sa krimen.
00:48Kwento po ng kapatid ng 35-anyons na biktima, pumunta sa bahay ng kanilang pinsan ang kapatid para makipagkwentuhan.
00:56Matapos ang halos isang oras, nakarinig na lamang daw sila ng putok ng baril.
01:01Tumulong pa raw ang kanilang pinsan na ilabas ng bahay ang biktima bago siya tumakas.
01:07Hawak na ngayon ang pulisya, ang suspect. Wala siyang pahayag.
01:11Inaalam pa ang motibo sa pamamaril.
01:14Desidido ang pamilya ng biktima na sampahan ng reklamo ang suspect.
01:20Ito ang GMA Regional TV News.
01:26Patay ang 6 na 8 na taong gulang ng babae sa isang sunog sa Bacolod City.
01:31Sa kita ng naglalagablab na apoy, sinubukan pero na bigo ang kanyang mister na sagipin siya.
01:37Nagtamaw ang mister ng 2nd degree burn sa leeg at likod.
01:39Sa datos ng Bureau of Fire Protection, 6 na bahay ang nasunog.
01:44Ayon sa mga bumbero, pahirapan ang pagpula sa apoy dahil sa makipot na daan.
01:49Nag-overheat na power bank ang tinitinang sanhi ng apoy.
01:55Ito ang GMA Regional TV News.
02:01Natagpaw ang patay at nakabaon sa lupa ang isang babaeng senior citizen sa Bocod, Benguet.
02:06Sasalaysay na isang saksi sa pulisya, nakita niya raw na may ibinabaon sa lupa ang anak ng biktima sa barangay
02:13Daklan.
02:14Pinapunta raw ng saksi ang kanyang anak para tingnan niyo na doon nakita ang bangkay ng 74 anyos na biktima.
02:20May mga nakita rin bakas ng dugo sa bahay ng senior citizen.
02:24Arestado ang kanyang anak na sinusubukan pang makuna ng pahayag.
02:30Arestado naman ang dalawang lalaki magkapatid na sangkot umano sa pagbibenta ng iligal na droga sa Haro, Iloilo City.
02:37Nasa bat na mga suspect ang 70 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 476,000 pesos.
02:43Habang isinasagawa naman ang imbentaryo, tumawag sa pamumagitan ng video call ang amo-umano ng dalawang suspect.
02:51Napagalamang person deprived of liberty ang nasabing amo na tatlong beses na nakulong.
02:56Nagsagawa ng ground operation sa kulungan ng pulisya pero walang narecover ng cellphone mula sa kapangalan ng PDL na amo
03:03-umano ng mga suspect.
03:05Marihin din daw niyang itinanggi ang pakikipagtransaksyon sa mga suspect.
03:08Walang pahayag ang mga narasang suspect na mahaharap sa kaukulang reklamo.
03:13Patuloy naman ang imbestigasyon tungkol sa tumawag na amo-umano ng dalawang suspect.
Comments