- 5 weeks ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
-25-kg na bigas, tinangay ng lalaki; suspek, tinutugis pa
-Water interruption ng Maynilad hanggang June 30, maaapektuhan ang ilang bahagi ng Metro Manila at Cavite
-Mga insidente ng karahasan mula sa mga estudyante, maiiwasan kung may mga sumusuri sa kanilang propesyonal, ayon sa isang guidance counselor
-INTERVIEW: SENATE PRESIDENT SHERWIN GATCHALIAN
-188, patay sa magkasunod na lindol sa Venezuela
-Lalaki, arestado matapos suntukin at sipain ang 2 pasahero ng jeep
-PNP-CIDG: 11 miyembro ng coaching staff ng Ateneo, inirekomenda sa DOJ na isailalim sa preliminary investigation kaugnay sa paglabag sa Anti-Hazing Act
-Ruru Madrid, gaganap na sundalo sa 2026 Cinemalaya entry na "Hand of God"
-CBB: Mga witty na sagot ng isang bata nang i-quiz sa mga kasabihan, kinagigiliwan online
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-Water interruption ng Maynilad hanggang June 30, maaapektuhan ang ilang bahagi ng Metro Manila at Cavite
-Mga insidente ng karahasan mula sa mga estudyante, maiiwasan kung may mga sumusuri sa kanilang propesyonal, ayon sa isang guidance counselor
-INTERVIEW: SENATE PRESIDENT SHERWIN GATCHALIAN
-188, patay sa magkasunod na lindol sa Venezuela
-Lalaki, arestado matapos suntukin at sipain ang 2 pasahero ng jeep
-PNP-CIDG: 11 miyembro ng coaching staff ng Ateneo, inirekomenda sa DOJ na isailalim sa preliminary investigation kaugnay sa paglabag sa Anti-Hazing Act
-Ruru Madrid, gaganap na sundalo sa 2026 Cinemalaya entry na "Hand of God"
-CBB: Mga witty na sagot ng isang bata nang i-quiz sa mga kasabihan, kinagigiliwan online
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:01MUNCIDENT
00:01Lumapit sa isang tindahan sa Antipolo Rizal, ang lalaking niya na nakapulang dami,
00:05tila may sinisipat sa paligid hanggang kunin niya ang isang sako ng bigas na kalahating kaban o 25 kilo.
00:12Ayon sa may-ani ng tindahan, mahigit 1,000 piso ang halaga ng bigas na tinangay ng lalaki.
00:18Nasa lesihan daw ang nagbabantay noon na anak niyang binatilyo na nagse-cellphone at nakahiga noong mga oras na yon.
00:25Ayon naman sa opisyal ng barangay, posibleng alam ng lalaki ang schedule ng pagbabantay nila sa lugar.
00:31Dahil sinamantala raw nito na hindi nag-groronda doon ang mga taga-barangay.
00:36Patuloy pang tinutugis ang lalaki.
00:41Apektado ang ilang lugar sa Cavite at Metro Manila ng Water Service Interruption ng Maynilad hanggang June 30.
00:47Ayon sa abiso ng Maynilad, nagsasagawa ng urgent network maintenance at iba pang aktividad.
00:52Kaya walang tubig sa ilang bahagi ng Bacoor, Imus at Kawit sa Cavite mula alas 10 ng gabi hanggang alas
00:596 ng umaga.
01:00Maging sa maraming siyudad sa Metro Manila natatagal hanggang alas 3, alas 5 at alas 6 ng umaga.
01:07Dahil po dyan, nag-igib na ng tubig ang mga tauha ng ilang karinderiya, panaderiya sa Bacoor, Cavite para hindi
01:14maantala ang kanilang operasyon.
01:16Kanya-kanya na rin po silang diskarte sa pagtitipid ng tubig.
01:19Ayon sa kanila karaniwa naman na bumabalik ang supply ng tubig ng alas 4 o alas 5 ng umaga, mas
01:26maaga sa scheduled water resumption ng Maynilad.
01:31Ang pangyayari dito sa San Jose National High School noong lunes, nagpakita na maraming bagay na kailangang pagtulon ng pansin
01:38sa mga pampublikong paralan sa bansa.
01:40Ayon sa registered guidance counselor natin na kausap sa isinasagawang psychological first aid sa mga naapektuhang ng school shooting dito
01:47sa Tacloban,
01:49isa na rito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga registered guidance counselor sa mga eskwelahan.
01:55Maraming ganitong karahasan ang pwede raw maiwasan kung may mga profesional sa kada eskwelahan na titingin, kakausap at tutulong sa
02:03mga estudyante ang pusibling pagmulan ng karahasan.
02:05Sa tindi raw kasi ng impluensya ng social media, marami raw sa mga estudyante ang nangangailangan lang ng mga taong
02:11iintindi sa kanila at hindi sila huhusgahan.
02:14Hiling ng ating nakausap na registered guidance counselor, may patupad na raw sana ang Republic Act 12080 o ang Basic
02:23Education Mental Health and Wellbeing Promotion Act
02:25na isa sa marami nitong tutugunan ay bigyan ng plantilya position ang mga mental health personnel sa mga eskwelahan.
02:35Mga kwento ng mga bata, syempre yung takot, pangamba, yung pag-aalala kung safe pa ba sila.
02:45Meron pong possibility na i-orient din muna natin yung mga teachers para alam nila paano i-handle yung mga
02:52students.
02:53And from time to time, magkakaroon tayo ng mga psychosocial support activities.
03:02Kaugnay sa mga issues sa Senado, matapos po ang pinakabagong palitan ng liderato, makakapanayin po natin mismo si Senate President
03:08Sherwin Gatchalian.
03:10Magandang umaga po at salamat sa pagpapaunlak sa amin dito po sa Balitang Hallie, sir.
03:14Good morning, Connie. Magandang umaga sa ating mga taga-panin.
03:17Kamusta na po ang buong Senado matapos po yung pinakabagong palitan ng liderato, sir?
03:23Okay naman at nagumpisa na kami sa mga consultation natin at nagkaroon kami ng consultation sa pagitan ng economic team
03:33dahil isa sa mga issues na kinakaharap ng ating bansa ay ang ating ekonomiya.
03:39Kung matatandaan natin, yung first quarter growth natin ay bumagal at 2.8% kumpara sa mga huling taon.
03:47At dahil sa mga nakikita nating trahedya tulad ng lindol, tulad nitong super alminyo, pati na rin yung pagtaas ng
03:59presyo ng langis
04:00dahil sa gera sa Iran, ay maharap ang ating ekonomiya sa malaking hamod.
04:06Kaya yan ang una namin tututupan.
04:08Okay, masasabi niyo ba, sir, na stable na ang majority?
04:12O may efforts ho ba kayong ginagawa para hikayatin pa yung dalawa o higit pang minority members na maglipat-bakod
04:18po?
04:20Patuloy kaming nagtatrabaho at patuloy namin tinitignan kung ano yung mga mahalagang panukalang batas.
04:27Hindi rin natin tinitignan kung ito ay majority or minority.
04:32Ang tinitignan natin yung 50 na LEDAC bills para tuluyan ng maging ganap na batas itong mga ito.
04:39Marami rin dito sa mga bills na ito ay nasa committee ng ating mga kasamahan sa minority.
04:44Kaya magtutulungan tayo para maging ganap na batas itong mga LEDAC bills.
04:49Okay, nagkausap na ho ba kayo ni Senator Allan Kiatano matapos inyong malukluk bilang Senate President, sir?
04:55Narating rin tayo dyan, Connie.
04:57At mausap ko rin ang ating mga kasamahan sa minority para makita kung ano yung mga support na nakakailanganin nila,
05:06lalong-lalong na dito sa mga panukalang batas na tinatalakay natin.
05:10Okay, may mga konkreto na ho ba kayong hakbang or plans para gawin na once and for all,
05:16na maghilom na ho yung lamat sa pagitan po ng Senate Majority at Minority?
05:21Ako personally ay inaabot ko yung aking kamay at ating pintuan para sa ating mga kasamahan sa lahat,
05:28minority, majority.
05:30Doon nga sa special session, na-appoint na ilan sa mga kasamahan natin sa minority sa mahalagang committee
05:35tulad ng Committee on Banks kay Senator Mark Villar,
05:40Committee on Government Corporations kay Senator Camille Villar,
05:45Committee on Youth and Sports na ngayon ay napakahalaga ay na-appoint na rin si Senator Bongo.
05:51So marami tayong mga mahalagang committee na na-appoint na po ang kasamahan natin sa minority
05:57para po magtuloy-tuloy ng trabaho.
05:59Okay, doon naman po tayo sa issue ng posibleng pagkaka-aresto po sa ilan sa mga kasamahan pa rin inyong
06:04senador.
06:05Kung saka-sakaring humingi po sila ng protective custody, are you open to giving it to them?
06:10Connie, wala pa naman ganyan na pangyayari ngayon.
06:13So huwag nating i-pre-empt yung mga ganitong sitwasyon.
06:19Kaya hindi muna tayo, dadating rin tayo dyan kung dumating na yan.
06:24Okay, papakano po ninyo tinitignan naman sa ngayon yung 90-day suspension ni Senator Jingoy Estrada?
06:30Ano po ang mangyayari doon sa mga staff niya, sa opisina, sa kanya pong sahod bilang senador?
06:36He initially said na yung waive niya yan, may update po ba tayo?
06:40Ministerial lang ang trabaho ng Senado dyan dahil yan ay utos ng Sandigan Bayan.
06:45At sa mga huling pagkakataon, in-implement rin ng Senado yung suspension order na 90 days.
06:52So ang mangyayari dyan, yung kanilang mga staff ay bibigyan ng iba't-ibang assignments dahil tuloy-tuloy naman yung trabaho
07:01sa Senado.
07:01So pwede yung staff nila mag-monitor ng mga hearings, pwede yung staff nila gumawa ng research,
07:07at yung opisina ni Senator Jingoy ay gumagana pa rin dahil nga may mga hearings pa tayong ginagawa.
07:15Insofar as yung kanyang sweldo, suspended yan for 90 days dahil nga ang utos ng Sandigan Bayan ay suspension.
07:24Okay. Tuloy na tuloy na po ba sa July 6 itong impeachment trial proper laban po kay Vice President Sara
07:30Duterte?
07:31Tuloy na yan, Connie. At kahit napaka-gipit nung panahon, dahil kakatapos silang ng pre-trial conference kahapon,
07:40maglalabas kami ng pre-trial order, magkukomento pa sila actually sa pre-trial order.
07:44So talagang napaka-gipit nung panahon. Pero ang aking instruction sa impeachment team ay kahit Sabad yung linggo ay magtrabaho
07:56tayo.
07:56Pati yung physical arrangements at security arrangements ay ginagawa na kasalukuyan.
08:03Sino na po ang guupong presiding officer? Kailangan niyong mag-ooth-taking ba ulit?
08:09Under our rules, ang Senate President, ang presiding officer.
08:11Okay. Posible ho nga bang magka-delay sa impeachment trial yung pagmamarka pa rin dun sa BIR box kaya?
08:19Hindi naman yan magkakaroon ng delay dahil hindi naman una-una kung magkakaroon ng pasya ang impeachment court ay doon
08:27na rin imamark yan.
08:29Pwede man imark yan during the morning. Ginawa yan yung during the corona impeachment. Kaya may panahon naman.
08:36Okay. Doon po sa mga nalilito pa rin hanggang sa ngayon, kailan ba dapat matukoy kung ano yung two-thirds
08:42pa rin po ng members para ma-convict?
08:4424, 23 o 22 o baka mabawasan pa ho?
08:51Sa ating saligang batas, very clear. Two-thirds of all members.
08:56So, ang aking pananaw ay ang denominator ay 24. So, 16 ang katalanganin.
09:02Okay. Ano ho ang magiging timeline o kaya working schedule po ng impeachment trial habang wala pang legislative session?
09:09Paano yung budget hearings po ng Senado?
09:12Yan ang magiging malaking hamon, Connie, dahil aside from the impeachment at base sa mga pre-trial brief na isunimiti
09:24ng prosecution at ng defense,
09:29at tinocompute namin kahapon kung three times a week ang impeachment, haabot ng mga seven months bago matapos itong impeachment.
09:42Kaya titignan pa rin natin kung paano gagawin eppisyente, amatis mabilis itong impeachment trial.
09:50At kung gano'ng mangyari, masasabay talaga yan sa budget deliberations dahil by August isasubmit na sa amin yung budget
09:57deliberations.
09:58At alam naman natin pag budget deliberation, ang buong Senado nagko-convert into a budget committee.
10:07Plus, meron pa tayong mga ledak bills na 50 na dapat tapusin hopefully before end of the year.
10:13Kaya talagang napakalaki ang hamon na kinakaharap ng Senado pagdating sa trabaho.
10:19Pero kakayanin, sisiguraduhin namin lahat naman ito ay na-organize ng mabuti.
10:27In light naman po of this recent shooting sa Tacloban, muli hung lumabas yung panukala po ninyo doon sa social
10:34media ban for minors below 16 years old.
10:38E sabi ho, siguro magandang malaman namin ano ba yung mga highlights po nitong panukala ninyo?
10:44Una-una, Connie, nakikiramay ako doon sa pamilya ng mga nasawi at nakikiramay po ako sa kanila dahil alam ko
10:53ito ay masakit po para sa kanilang pamilya.
10:55Kaya ang tinitignan po natin, ako personally, ang tinitignan po yung nakaka-influensya dito sa mga batang ito.
11:01Ang batang Pilipino ay hindi naman violente, hindi naman sila agresibo, hindi naman masasamang bata.
11:11Pero dahil nga sa influensya ng social media, kasama na dito yung mga games, pagkain yung Roblox at yung Gorebox
11:20na napaka-violente itong mga internet games na ito.
11:26Marami ng pag-aaral yung mga ganitong internet games ay nakaka-apekto sa mental health ng bata.
11:31At dahil nakaka-apekto ito sa mental health ng bata, nakakagawa sila ng mga bagay na hindi magaganda.
11:36Ano naman po ang posisyon ninyo doon sa mungkahing pagpapababa ng age of criminal responsibility or liability?
11:46Itong pagbaba ng minimum age of criminal liability ay malaking debate yan.
11:51At ang importante dito ay pagpapatupad nitong batas.
11:55Dahil nung ako Mayor Connie, meron kaming bahay pag-asa.
11:59At nakita namin kung maganda ang programa, ang bata ay nare-rehabilitate, nabibigyan ng pangalawang pagkakataon.
12:08At nakakabalik sila sa lipunan ng maayos at kapakitakanabang.
12:13Kaya importante dito yung implementation.
12:15At dahil nang dapat i-review natin kung ang implementation ba ay maayos at kakailanganin pa ng karagdagang kondos.
12:23Okay, marami pong salamat sa inyo pong ibinahagi sa aming oras po ninyo, Senate President.
12:27Maraming salamat, Connie. Thank you.
12:28Ayan po naman si Senate President Sherwin Gachalian.
12:35Halos ang daan at siyam na po ang latest na bilang ng nasawi matapos ang magnitude o magkasunod na magnitude
12:417.2 at 7.5 na lindol sa Venezuela.
12:44Sabi ng isang mambabatas na kapatid ni Interim President Delcy Rodriguez, mahigit sanlibot limang daan na ang naitalang sugatan.
12:53Dalawang daan ang nananatilin trap sa mga gumuhong gusali.
12:57Kabilang sa mga gusaling yan ay mga hospital, headquarters ng Red Cross ng Venezuela, pati ang embahada ng France.
13:06Nagpapatuloy po ang rescue operations.
13:09Nagpadala naman ang tulong sa Venezuela si Pope Leo XIV.
13:12Ayon sa Vatican News, nagpadala siya roon ng 100,000 euros o mahigit 8 million pesos bilang inisyal daw na
13:21kontribusyon.
13:22Nagpaabot naman ang pakikisimpatya si Pangulong Bongbong Marcos sa mga biktima ng lindol.
13:28Nakikisaan niya ang Pilipinas at umaasa siya sa pagbangon ng mga nilindol.
13:33Ayon sa Department of Foreign Affairs, hindi pa sila nakatatanggap ng ulat na may Pilipinong kabilang sa mga nasawi o
13:40sugatan doon.
13:41May mahigit 70 Pilipino sa Venezuela.
13:44Patuloy rao na minomonitor ng DFA ang sitwasyon.
13:49Huli kam sa Muntinlupa ang pananakit ng isang lalaki sa dalawang senior citizen na pasahero ng jeep.
13:56Aminado ang LGU na matagal ng problema sa lugar, ang panghaharas na mga namamalimos kapag hindi sila nabibigyan.
14:04Balitang hatid ni Oscar Oida.
14:17Binalot ng takot ang mga pasahero ng isang jeepney nang paulanan ng suntok ng isang lalaki,
14:23ang isang pasaerong senior citizen sa Muntinlupa.
14:28Sinubukan pang pumalag ng senior citizen pero wala rin nagawa sa pagsugod ng lalaking walang damit pang itaas.
14:37Maya-maya, binalinga naman niya ang isa pang lalaki na nakaupo sa sahig ng jeep.
14:50Ilang beses siyang sinipa ng suspect habang walang magawa ang ibang pasahero kundi umiyak at magmakaawang tumigil ang pananakit.
15:00Bumaba rin ng jeep ang suspect kalaunan.
15:06At naaresto ng Muntinlupa Police.
15:19Nang hinga namin ng panig ang suspect.
15:21Hindi ko po alam.
15:24Hindi mo na nakatandaan.
15:26Hindi mo na nakatandaan?
15:28Nakasakay lang ako sa jeep eh.
15:30Nakapos?
15:31Hindi nakaaway po ako.
15:33Iniimbestigahan ng pulisya ang sanhinang pananakit.
15:36Pero ayon sa nakalap na impormasyon ni Muntinlupa City Mayor Rufy Biazon.
15:40Ang nakuha ko lang naman is yung sumakay nga dun sa passenger jeepney.
15:47At yung typical na nanghihingi, nahaharas pagka hindi mo nabigyan.
15:53And I think it escalated doon dahil high on substance, substance abuse.
15:59Matagal na raw may ganitong problema sa lugar.
16:01In the past sila ma-apprehend pero there is not much na magamit para sila ma-contain.
16:14Usually nababalik lang din sa community.
16:16Kaya community work siguro isa namin na papag-igtingin ngayon.
16:21Nakakulong na ang suspect na naaarap sa reklamong physical injury.
16:25Ligtas naman ang mga biktima.
16:27Oscar Oida, nagbabalita para sa GMA News.
16:33Labing isang miyembro ng coaching staff ng Ateneo Men's Basketball Team
16:37ang inerekomenda ng CIDG na isa ilalim sa preliminary investigation ng DOJ.
16:42May ulit on the spot si Mariz Imali.
16:45Mariz!
16:48Connie, kabilang nga ang nag-resign na head coach ng Ateneo Men's Basketball Team
16:52na si Ta Baldwin sa mga inerekomenda ng PNPC-IDG
16:55na pa-imbestigahan sa Department of Justice.
16:58Pati na rin ang ilang mga conditioning at assistant coaches,
17:03ang therapist, manager at utility boys.
17:07Ayon sa CIDG, kung mapapatunayan may prima fatchi case
17:10na may makatwira ang posibilidad ng pagkakahatol batay sa mga nakalap na dokumento,
17:14testimonya ng mga saksi, physical na ebidensya at iba pang ebidensya,
17:18dapat magsampa ang Department of Justice ng kaukulang impormasyon
17:21para sa paglabag sa Republic Act No. 11053 o ang Anti-Hazing Act.
17:26Sa ilalim ng Section 14A ng RA 11053,
17:30may pananagutang kriminal ang sino mga aktwal na nagplano o lumahok sa hazing
17:34kung nagresulta ito sa pagkamatay, panggagahasa, sodomy o mutilation ng biktima.
17:39Malinaw raw kasing si Narinec Lurt, Baterbonia at Divine Adili
17:42ay nasawi sa pagkalunod sa water resistance o team building activity
17:45habang sila'y in-expose sa hazardous open sea environment.
17:49Itinuloy pa rin ang aktividad kahit nagpahayag na rin daw
17:51ang lima sa mga manlalaro na hindi sila marunong lumangoy.
17:55Sa testimonya ni Baldwin, sinabi niya ang training
17:57ay idinesenyo para sukatin ang kanilang limits.
18:00Lumalabas din sa investigasyon na layo ng training
18:02na pumili ng labimpitong miyembrong bubuo sa UAAP team ng Ateneo
18:06mula sa dalawampung manlalarong naruroon sa training
18:08kaya may tatlo raw na matatanggal.
18:10Bagamat hindi sila sinaktan, yung akto ng paglalagay sa kanila sa marahas na kondisyon
18:15ay sapat na raw para patunayang lumabag ang coaching staff sa Anti-Hazing Act.
18:19Tinanong din daw si Baldwin kung may mga dati ng insidente na muntikang pagkalunod
18:23at sabi niya wala.
18:25Taliwa sa testimonya ng dalawa sa mga inimbitahang manlalaro
18:28na may muntikan ng malunod at si Baldwin pa raw ang sumagip
18:32kaya malinaw na may itinatago si Baldwin.
18:34Sa susunod na linggo ay nakatakdang dumating ang magulang ni Baterbonia sa CIDG
18:38para makausap at maabisuhan sa rekomendasyon ng CIDG.
18:42At yan ang pinakasariwang balita. Balik sa'yo, Connie.
18:45Marami salamat, Marie Zumali.
18:50After his successful portrayal as Javier Gonzaga sa award-winning kapuso film na Green Bones,
18:56inaabangan na ang pagbabalik big screen ni kapuso primetime action hero Ruru Madrid.
19:02Gagampanan ni Ruru ang karakter ni Edgardo Reyes sa kanyang first-ever Cinemalaya film na Hand of God.
19:08Sundalo siya na ipinadala sa isang remote village sa Mindanao.
19:12Chika ng aktor sa inyong kumare, pangarap niya talagang magka-cinemalaya project.
19:17Sa kanyang Instagram posts, shinare ni Ruru ang kanyang experience kasama ang cast at crew ng 2026 Cinemalaya entry.
19:24Pati na ang pagpunta nila sa basilan.
19:27Grateful si Ruru sa mga bagong nakilala at mga kwentong babaunin daw niya habang buhay.
19:32Bukod sa pelikula Bessire ng Sparkle Artist, sa taping ng kanyang upcoming series na Hari ng Tondo kasama si Kapuso
19:40Drama King Dennis Trillo.
19:45Yan ang mainit na balita ngayong tanghali, live mula rito sa Tacloban City, Rafi Tima po.
19:50Ako naman po si Connie Cesar.
19:52Kasama niyo rin po ako, Aubrey Carampert.
19:54Ito po ang GMA News, walang kinikilingan, walang pinoprotektahan.
19:57Noon at ngayon, serbisyong totoo.
20:01Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa langit.
20:08Kapag may itinanim, may...
20:10Ang hindi magmahal sa sarili.
Comments