00:00Sa iba pang balita, bumaba pa ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho nitong Marso.
00:05Batay po yan sa datos ng Philippine Statistics Authority.
00:09Sa kabila niyan, pinagting ng pamahalaan ang pagprotekta sa labor force ng bansa,
00:14particular na sa mga naapektuhan ng krisis sa Middle East.
00:18Si Elijah Canlas sa sentro ng balita.
00:23Batay sa Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority o PSA,
00:27higit dalawang milyong Pilipino ang walang trabaho nitong nakaraang Marso.
00:32Paliwanag ng PSA, ang 5% na unemployment rate ay mas mababa kung ihahambing sa 5.1% noong nakaraang
00:39Pebrero.
00:40Nananatiling matatag ang ekonomiya dahil umabot na sa 49.95 milyon ang bilang ng mga Pilipinong may trabaho
00:47o equivalent sa 95% ng employment rate.
00:50Na itala rin ang pagtaas ng bilang ng mga employed persons mula sa 94.9% noong nakaraang buwan
00:57patungong 96.1% sa kasalukuyang antas.
01:01Sa kabila ng mga datos na ito, hindi nagpakampante ang pamahalaan
01:05at patuloy na naglalatag ng mga strategic interventions para sa mga manggagawa.
01:10Binigyan diin ang Department of Economy, Planning and Development o DepDev
01:14ang pagpapatupad ng job skills matching at risk killing para sa mga displaced workers.
01:19Nakahanda ang gobyerno na protektahan ang mga manggagawang naapektuhan
01:24ng patuloy na hidwaan sa Middle East na nagdudulot ng taas presyo sa langis.
01:28Binigyan diin ni Sekretary Arsenio Balisakan na gagamitin ang pamahalaan
01:33ang mga digital platform para masiguro ang mabilis na pagpaparating ng tulong
01:37at pag-agapay sa mga apektadong sektor.
01:40Dahil dito, naglatag ang gobyerno ng regulatory relief tulad ng 6 buwang grace period
01:45para sa pagbabayad ng utang para sa mga maliliit na negosyo.
01:50Ipinatupad din ng Department of Labor and Employment o DOLE
01:53ang tupad-tuloy pasada para sa mga driver na apektado ng pagtaas ng presyo ng gasolina.
01:59Samantala, pinalalakas ng programang Uplift
02:01ang on-site support at repatriation para sa mga OFW na nais nang bumalik sa Pilipinas.
02:08Ayon sa kagawaran, nasa higit 8,000 na ang mga OFW na ligtas na naibalik sa bansa
02:13at binigyan ng livelihood assistance at skills training.
02:17Tiniyak ng Department of Migrant Workers na mayroong mahigit 400,000 na trabaho
02:21sa loob at labas ng bansa para sa mga kababayan nating naghahanap ng mapapasukan.
02:27Pinalalawig na rin ang trabaho para sa bayan o TPB roadshow
02:31para hubugi ng mga kakayahan ng mga manggagawa sa mga industrial zones.
02:36Isa sa mga nakikinabang sa programa sa empleyo ng gobyerno
02:39ay ang parking attendant na si Julian mula sa lungsod ng Maynila.
02:44Napakalaking halaga po ng trabaho na ito sa amin
02:47kasi bilang PA po, kami po yung nag-asikaso ng mga sasakyan po ng mga nagpa-park.
02:51So, itong trabaho po kasi na ito na binibigay ng gobyerno po sa amin
02:55is nakakatulong po sobra po para sa pamilya namin na binubuhay.
03:01Sa kabila ng hamon sa ekonomiya, nananatiling matatag ang labor force ng Pilipinas
03:05na kung saan nasa 95% ang grado nito nitong nakaraang Marso.
03:09Aktibo naman ang pamahalaan sa pagbibigay ng mga oportunidad sa mga Pilipino
03:13lalo na yung mga apektado ng tunggalian sa gitnang silangan.
03:17Elijah Canlas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments