00:00Tiniyak ng pamahalaan ang pinaigting na hakbang para patuloy na maprotektahan ang sektor ng paggawa ng bansa sa harap ng
00:08epekto ng kaguluhan sa Middle East.
00:11Inihayag yan ang DepDev, kasunod na rin ang pagbaba ng bilang ng mga Pilipinong walang trabaho nitong Pebrero.
00:18Si Elijah Canlas sa Sentro ng Balita.
00:22Bumaba sa 5.1% ang unemployment rate sa bansa para sa buwan ng Pebrero 2026.
00:30Ito ay ayon sa pinakahuling Labor Force survey na inilabas ng Philippine Statistics Authority o PSA.
00:37Batay sa datos ng PSA, ang nasabing antas ng kawalan ng trabaho ay mas mababa kung ihahambing sa 5.8
00:44% noong Enero,
00:45ngunit mas mataas sa 3.8% na naitala noong Pebrero 2025.
00:51Bagamat may paghusay sa buwan ang datos, nagpahayag ng pag-iingat si National Statistician Yusek Claire Dennis Mapa
00:58dahil sa mga posibleng risk o peligro na maaaring magpabago sa takbo ng lakas pagawa sa mga susunod na buwan.
01:06First two months, year on year comparison, hindi maganda.
01:10Plus of course, we have risk moving forward because of the crisis caused by yung ating problems externally.
01:21So definitely may mga impact yun sa ating economic activities.
01:26Sa kabila ng bantang ito, binigyang diin ng PSA na nananatiling masigla ang ilang sektor sa pagkuhan ng mga manggagawa,
01:34lalo na sa mga services sector na nagaambag ng 63.5% sa kabuoang bilang ng mga employed individuals.
01:42Ayon kay Yusek Mapa, may mga tiyak na industriya na patuloy na nagpapakita ng magandang performance
01:48at nagbibigay ng karagdagang oportunidad sa mga Pilipino.
01:51May mga industries tayo na continuously ay maganda ang performance in terms of job absorption.
02:00So year on year, ang ating administrative and support service activities,
02:05kung saan dito mataas ang ating increase sa empleyo sa call center activities voice.
02:13350,000 yun.
02:16Pangalawa, yung temporary employment agency activities, 287,000.
02:21So doon ang dalawa na mataas.
02:24Dala ng positibong pag-angat sa mga sektor na ito,
02:28umabot sa 49.43 million ang kabuoang bilang ng mga employed persons ngayong Pebrero.
02:34Mas mataas sa 47.94 million noong nakaraang buwan.
02:38Samantala, bilang tugon ng pamahalaan sa mga nabanggit na external risks,
02:44binigyang diin ni Dep-Dev Sekretary Arsenio Balisakan ang mga aktibong pagpapatupad ng mga strategic measures
02:50sa ilalim ng Executive Order 110.
02:54Layuni ng Uplift Committee na siguraduhin ang stability ng essential services
02:59at suportahan ang income ng mga manggagawa sa gitna ng pagtaas ng fuel cost,
03:04dulot ng tensyon sa Middle East.
03:06Kabilang sa mga agarang programa ng pamahalaan ang 1 billion pesos na quick response fund
03:12ng Department of Agriculture o DA para sa fuel subsidies
03:16at ang emergency employment sa ilalim ng tupad program ng DOLE.
03:21Bukod sa mga maliliit na programa, nakatoon din ang Dep-Dev sa mga pangmatagalang solusyon
03:27sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng mga kakayahan ng mga manggagawa sa mga makabagong industriya.
03:32Ayon kay Sekretary Balisakan, isang komprehensibong ekosistem para sa skillset innovation
03:39ang binubuo ngayon ng pamahalaan upang maisulong ang transition sa clean energy.
03:44Sa pamamagitan ng mga skills training programs na ito,
03:48inaasahang mas magiging handa at matataga mga manggagawang Pilipino
03:52sa anumang pagbabago sa pandaigdigang ekonomiya at teknolohiya.
03:57Tinitiyak ng Dep-Dev na patuloy ang koordinasyon ng mga sangay ng pamahalaan
04:02upang siguraduhin ang kasiglahan ng ekonomiya
04:04at maprotektahan ang kapakanan ng bawat Pilipinong manggagawa.
04:09Elijah Canlas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments