00:00Tiniyak ng Energy Department na sapat ang supply ng produktong petrolyo sa bansa sa kabila ng krisis sa pandaigdigang merkado.
00:08Iyan ang ulat ni Elijah Canlats.
00:11Kampante ang pamahalaan na hindi mauubusan ang supply ng langis ang Pilipinas hanggang sa katapusan ng Abril o posibleng umabot
00:20pa ng Mayo.
00:21Ito ang pagtitiyak ng Department of Energy kasunod ng patuloy na tensyon sa gitnang silangan.
00:26I-pinaliwanag ni DOE Secretary Sharon Garin na bagamat may banta sa seguridad sa Strait of Hormuz kung saan dumadaan
00:34ng 21% ng supply ng gasolina sa mundo, nakahanda ang ating bansa sa sitwasyong ito.
00:40Ayon kay Secretary Garin, hindi dapat magpanik ang publiko dahil kontrolado ng gobyerno ang imbentaryo ng bansa.
00:56They're calling each oil company every day to monitor their supply.
01:01Gayunpaman kinumpirma ng kagawaran ang malaking oil price surge na magsisimula bukas, Marso 17, kung saan maaaring tumaas ng 13
01:12hanggang 17 pesos ang gasolina at 20 hanggang 24 pesos naman sa bawat litro ng diesel.
01:18Binigyang diin ng DOE na ito ay isang global reality at hindi lamang problema ng Pilipinas dahil sa tensyon sa
01:27Middle East na nagpapamahal sa transportasyon ng mga krudo.
01:31This is a global reality. Many countries are starting to close for exports.
01:38So DOE together with DFA are working hard to make sure that the current contracts of our oil companies are
01:48followed.
01:49Kasi meron niya sa mga kontratan yan sa ibang companies, sa ibang countries.
01:54Sa kabila ng pagtaas nito, tiniyak naman ni Director Patrick Aquino na halos 90% ng mga ahensya ang sumusunod
02:02sa direktiba at patuloy ang pakikipag-ugnayan sa iba't ibang kagawaran para sa diskwento sa mga PUV drivers at mga
02:11kaugnay na sektor.
02:12Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa mga bansang pinagkukunan ng langis gaya ng South Korea, China, Thailand at
02:21Singapore para masiguro na may alternatibong mapagkukunan ng supply kung maghigpit man ang ibang bansa.
02:28Aktibo rin ginagamit ang e-gov portal sa ilalim ni Yusek Wimfi Puentabella upang masubaybayan ang anumang ilegal na aktividad
02:36sa mga gasolinahan at matiyak na rasonable ang galaw ng presyo.
02:41Rasonable ba yung pagtaas o yung pagbaba ng kanilang mga presyo? Kasi at the end of the day, we want
02:49them to remain open. Again, we have to make sure na continuous yung flow ng supply all over the country.
02:56Nanawagan ng DOE sa publiko na magtipid ng sampo hanggang 20% sa pagkonsumo ng enerhiya sa pamamagitan ng carpooling,
03:07paggamit ng electric vehicles at pagset ng thermostat sa 24 degree Celsius.
03:13Iginiit ni Secretary Garin na bagamat naka-alarma ang tensyon sa Middle East, handa ang gobyerno sa worst case scenario
03:20para hindi maparalisa ang ekonomiya.
03:23We do have supply. As DOE lang, what concerns me most is the war in Middle East. Because the longer
03:38it takes, di mo alam kung ano mangyayari.
03:42Kung sa presyo, aakyat siya. Pero yung supply natin, kailangan palaging meron.
03:48Bilang huling paalala, mahigpit na binabantayan ng DOE ang anumang insidente ng hoarding at handang magpataw ng parusa sa mga
03:57mapatutunayang nagtatago ng supply.
04:00Siniguro rin ang pamahalaan na nakahanda na ang mga subsidies para sa mga apektadong sektor gaya ng mga magsasaka, manginisda
04:08at mga tsuper ng pampublikong sasakyan.
04:11Elijah Canlas mula sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments