00:00Samantala, lalawak pa ang mga pagkakataong mabubuksan para sa mga gustong magnegosyo sa Pilipinas.
00:07Kasunod ito ng mga hakbang na planong ilatag ng Banko Sentral ng Pilipinas
00:12na makapaghihikaya sa pagpapalago ng mga negosyo.
00:16Nagpabalik si Claesel Pardiria.
00:19Dalawang bagong coffee shop ang bubuksan ng kumpanya ni Kyrie sa Quezon City.
00:25Magdaragdag din sila ng mas maraming blend at flavor ng kape
00:28dahil sa lakas ng demand.
00:31Ilang servings yung napin ko sa-sell mo every day?
00:33On the average, mga siguro per day, hindi bababa ng 50.
00:39Madami na din, ako.
00:41Tapos kapag malakas?
00:42Siguro nasa 70s, 80s.
00:45Since yung coffee namin is affordable and in terms of sales, okay din since madami talagang tao na tumatangkilik sa kape.
00:58Mas lalawak pa ang oportunidad sa mga nais magnegosyo sa bansa.
01:04Ito ang inaasahan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa susunod na dalawang taon.
01:11Sa pakikipagpulong ng presidente sa Banko Sentral ng Pilipinas, inilatag ng BSP ang mga hakbang na maghikayat sa pagpapalago ng negosyo.
01:21Kabilang ang pagbawas ng Monetary Board sa Interest Rate Policy ng Bansa.
01:27Mula 4.75% noong October 2025, ginawa na itong 4.5%.
01:34Ang ibig sabihin niyan, mas maliit ang ipapatong na interes sa mga pautang.
01:40Ang resulta, mas abot kaya ang paglo-loan sa bangko para makapagsimula o magpalaki ng negosyo.
01:48Binabaan din ang 0.25% ang interes sa lending rate at overnight deposit.
01:54Taya ng BSP, magiging banayad ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa unang-anim na buwan ng 2026 bago tuluyang umarangkada sa 2027.
02:06Ganito rin ang nakikita ng World Bank.
02:08Inaasahan kasi ang paglobo ng private consumption.
02:12Kung mananatiling mabagal ang inflation, matatag ang employment at mababa ang singil sa mga pautang.
02:21Mahigpit na binabantayan ng pamahalaan.
02:23Ang paghina ng piso konta dolyak, hindi anyahahayaan ni Pangulong Marcos na lumagapak sa 60 pesos ang palitan sa piso.
02:32Mas nakatoon po ang BSP sa pagpigil sa labis na paggalaw ng halaga ng piso kaysa sa pagtatakda ng tiyak na antas ng palitan.
02:41Sa tingin po ng Pangulo, hindi po magiging maganda na tumaas pa ang palitan na hindi pa pabor sa peso.
02:48Pag tumaas po kasi ng 60 pesos, bumaba yung value ng peso.
02:51Definitely, mag-i-increase yung debt natin because yung palitan po, tataas po yun.
02:57Ipinaliwanag naman ng palasyo na dulot ito ng kakulangan sa balanse ng kalakalan at pananalapi.
03:03Pero hindi lamang ang Pilipinas ang nakararanas nito.
03:07Kayon din ang iba pang bansa sa Asia.
03:09Kalaizal Pardilia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments