00:00Nagbigay direktiba sa Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang gabinete
00:04na tutukan ang mga programa sa kanilang mga ahensya sa harap ng isyo at ingay ng politika.
00:11Kinumpirma ni Communications Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro
00:15na iyan ang naging tagubili ng Pangulo sa mga kalihim ng iba't ibang ahensya ng gobyerno.
00:21Katunayan, kahapon nagkaroon ng pulong ang Pangulo kasama ang ilang kalihim
00:26para talakayin kung paano pa pabilisin ang pagpapatupad ng mga proyekto
00:30at programang makakatulong sa patuloy na paglago ng ekonomiya ng bansa.
00:36Kinalakay din sa pulong ang mga dapat na gawin upang agarang maisakatuparan
00:40ang mga proyekto ang makakabuti sa mga mamamayan.
00:44Ang mabeverify ko po sa inyo, totoo pong pinagutos ng Pangulo na dapat asakusuhin po namin ang trabaho.
00:51Dapat madaliin po ang pag-i-implement ng mga proyekto na nais niya para sa taong bayan.
00:55Pero pagdating po sa impeachment, yan po ay nasa kamay na po ng Senado.
01:00Nasa kamay na rin po ito ng mga prosecutors.
01:02So hayaan na lang po natin yung prosesong dumaloy ng normal.
01:06Napag-usapan lang yung mga kailangan natin gawin.
01:09Kasi kailangan, ang sabi ng Pangulo, kailangan bilisan natin ang mga kailangan natin gawin para sa mga kababayan natin.
01:16So nag-meeting lang ang ibang mga cabinet members
01:18para pag-usapan kung anong mga programang priority na kailangan bilisan pa natin para sa mga kababayan natin.
01:25Kasi kailangan natin gawin.