00:02Mahigpit ang bilin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga motorista,
00:07lalo na sa mga babiyahe ngayong Semana Santa na laging maging kalmado
00:11dahil siguradong magiging masikip ang daloy ng trapiko.
00:15Binigandiin ng Pangulo na ang lisensya para magmaneho ay isang pribileyo at hindi isang karapatan,
00:22kaya't huwag maging bayulente dahil hindi ito ang kultura ng Pinoy.
00:26Samantala na nawagan ng Pangulo sa lahat ng Pilipino na palagan ang mga pamubuli
00:32at pangahamak ng mga dayuhan, lalo na sa social media.
00:36Yan ang ulat ni Christian Bascones.
00:41Sigawan, duruan, sindakan na may kasamang pagbabanta at suntukan.
00:46May mga naitalapang barilan na nauwi sa patayan.
00:49Ito ang mga sunod-sunod na naganap noong nakaraang linggo na mga away kalsada o road rage.
00:54Dahil sa pagdaraos ng mahal na araw, inaasahan na marami ang babiyahe,
00:59kaya nagpaabot ng kanyang mensahe ng pag-iingat ang Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr.
01:03Ang tatapang na natin lahat, siga lahat.
01:07Ano na ba ang kultura na ito na pagiging siga sa daan?
01:10Tamba natin ako ito.
01:12Ano na bang nangyayari sa atin at parang natural lang ang mga ganitong kompruntasyon at karahasan?
01:18Tayong lahat ay kailangan sumunod sa batas trapiko.
01:21Kailangan ang disiplina para maging responsabling mga Pilipino sa lansangan.
01:26Dagdag ba ng Pangulo, kailangan habaan ang pasensya habang nagmamaneho para hindi maantala ang biyahe at maiwasan ang mga hindi ka nais-nais na pangyayari.
01:36Huwag maging kamote, masyado ng madami yan.
01:39Ang lisensya sa pagmamaneho ay isang pribileho at hindi ito karapatan.
01:45At bukod sa dunong sa pagmamaneho, ang lahat ay kailangan ayusin ang pag-uugali sa pagmamaneho at habaan ang pasensya.
01:53Ang bagong Pilipino ay disiplinado sa lansangan, maingat sa pananalita, nagtitimpi at pinipili ang kapayapaan.
02:00Ang lahat ay napapag-usapan ng maayos at malumanay.
02:04Lugi tayo at ang mga pamilya natin sa mga posibleng dala nitong kapalit kung hahayaan natin lamunin tayo ng galit kahit isang saglit lamang.
02:14Samantala, nagpahayag din ang suporta sa lahat ng mga Pilipino na biktima ng pambubuli,
02:19lalo na mula sa mga banyaga na ginagawang katatuanan ang mga kababayan natin.
02:24Tulad ng isang Russian blogger na na-aresto dahil sa pambabastos sa ilang mga Pilipino
02:28para lang makakuha ng atensyon ng kanyang social media followers.
02:32Natural sa atin na matawanan lamang at hindi na palakihin ang mga ganitong klaseng pambabastos.
02:39Pero hindi nang huhulugan na palalampasin ito ng ating pamalaan.
02:43Dapat tayo pumalag sa mga buli. Kasama nyo ang pamalaan para ilugar ang mga ganitong tao.
02:49Sana'y magsilbing aral ito sa mga pagtatangkang pumasok pa rito sa Pilipinas
02:54para lang hamakin at gawing katatuanan ang ating mga kababayan.
02:59Christian Bascones para sa Pamansang TV sa Bagong Pilipinas.