Skip to playerSkip to main content
  • 6 hours ago
D.A., hinimok ang LGUs na bilhin ang mga aning sibuyas ng mga magsasaka upang hindi ito masayang; paghahalo ng lokal at imported na bigas, isinusulong | ulat ni Elijah Canlas

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Puspusan na ang paghahanda ng Department of Agriculture sa inaasahang pagtaas ng presyo ng bigas sa mga susunod na buwan
00:05dahil sa taas ng gastos sa pagsasaka.
00:09Si Elijah Canlaas sa detalye.
00:14Inanunsyo ng Department of Agriculture ang inaasahang pagtaas ng presyo ng bigas pagdating ng buwan ng Setiembre.
00:21Binigyan diin ang kagawaran na maaaring umabot sa 62 piso ang presyo ng bigas kung magpapatuloy ang balakid sa produksyon.
00:29Pangunahing dahilan nito ang pagsipa ng presyo ng fertilizers na nasa 3,000 piso na ngayon bawat sako.
00:36Kaugnay nito na itala na rin ang halos 2 bilyong pisong lugi sa sektor ng agrikultura nationwide dahil sa moisture
00:43stress.
00:44Ipinaliwanag ni DA Assistant Secretary Arner de Mesa na labis na naaapektuhan ang mga rainfed areas dahil sa kakulangan ng
00:51ulan sa nakaraang tatlong buwan.
00:53So pag ganun, actually may report na rin sa amin na sa mga almost 2 billion na yung losses dahil
01:01dito sa mga areas na nakaka-experience ng ang tawag natin moisture stress.
01:07May mga ulat na rin tungkol sa mga nabubulok na sibuyas sa ilang rehyon kaya agad na naglabas ng direktiba
01:13ang kagawaran sa kanilang mga regional offices.
01:15Hinimok rin ang kagawaran ng mga local government unit na tulungang bilhin ang mga ani ng magsaka para maiwasan ang
01:23pagkasayang ng mga ito.
01:24Nakausap na namin yung aming regional field office at nabigyan na sila ng instruction to reach out together yung aming
01:30amas dun sa mga areas na ito.
01:32Bilang solusyon sa mahal na bigas ay isinusulong ng kagawaran ang blending o paghahalo ng lokal at imported na bigas.
01:39Ang hakbang na ito ay naglalayong pababain ang presyo ng bigas sa pamamagitan ng pagsasama ng murang imported na bigas
01:47at mahal na lokal na ani.
01:49Ipinaliwanag din ni Demesa na posibleng magsimula ang trial ng rice blending sa susunod na buwan.
01:55Ayon sa kanya, maganda pa ang presyo ng bigas sa international market kaya mainam na mag-import ngayon para sa
02:02nasabing estrategiya.
02:03Ibe-blend mo yung murang imported plus yung mahal na locally produced para yung magiging resultang presyo na ibababa.
02:12Halimbawa, 60% ng murang imported, 40% ng mahal na lokal. Pagsamahin mo, then you can reduce the price
02:23noong bigas.
02:24Sinisikap ng pamahalaan na makapaghatid ng agarang pag-agapay sa mga magsasaka para hindi lalong lumobo ang presyo ng mga
02:31pagkain.
02:33Magsisilbing daan ang programang ito para matulungan ng mga mamimili at maprotektahan ang kabuhayan ng mga lokal na magsasaka.
02:40Inaasahang magiging matagumpay ang mga mitigation measures na ito para mapanatiling sapat at abot kaya ang supply ng bigas sa
02:47bansa.
02:48Patuloy na naghahanda ang Department of Agriculture para sa mga mitigation sa pagtatapos ng harvest season.
02:54Ito ay sa kabila ng hindi kontroladong paggalaw ng mga agricultural inputs na ginagamit ng mga magsasaka para sa mga
03:01agricultural products.
03:02Elijah Canlas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended