00:00Samantala, palalawakin pa ng Agriculture Department ang nationwide rollout ng Bentem Bigas Merona program.
00:06Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marquez Jr. ang DA na pahabain ang oras ng bentahan
00:11at magbukas ng mas marami pang distribution outlets sa buong bansa.
00:15Ang detalye niyan mula kay Gab Villegas live. Rise and shine, Gab!
00:22Sa gitna ng energy emergency na kinakarap ng bansa,
00:25dulot ng nagpapatuloy na tensyon sa Middle East, ay pinabibilis na ng Department of Agriculture
00:31ang nationwide rollout ng Bentem Bigas Merona program para lalong maibsan
00:37ang pagtaas ng gastusin ng mga nasa vulnerable sector.
00:43Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marquez Jr. ang DA na pahabain ang oras ng bentahan at magbukas
00:49ng mas marami pang distribution outlets sa buong bansa para mapalawak pang access.
00:54Ngayon patuloy ang pagsipan ng presyo ng pagkain dahil sa mahal na krudo.
00:58Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Chulo R. Jr.,
01:03ang nasabing ekspansyon ay para mapatatagpa ang access sa pagkain
01:06habang pinapataas ng logistics at transportation cost ang presyo sa merkado.
01:12Sa first quarter ngayon taon ay aabot sa mahigit siyam naraan ang bilang
01:16ng P20 rice selling sites sa buong bansa
01:19na binubuo ng Kadiwa Outlets, mga warehouse ng National Food Authority,
01:24lokal na pamahalaan, mga national government agency at iba pang sellers
01:28na accredited ng Food Terminal Incorporated o FDI.
01:32As of April 7, ay aabot na sa 6.45 million ang bilang ng mga nakinabang
01:37sa Bentem Bigas Merona program na mula sa vulnerable sector
01:41na binubuo ng mga senior citizen, four-piece beneficiaries, solo parents,
01:46persons with disability, mga magsasaka, mga ingisda at iba pa.
01:50Nakatakda naman magbukas ang DA ng karagdagan pang siyam naraan na P20 selling sites
01:54sa buong bansa, gusan uunahin ang mga lalawigan ng Kapis, Bukidnon, Cebu,
02:00Cotabato, Catanduanes at iba pang lugar sa bansa na may mataas na pangangailangan
02:05para lalo pang mapalawak ang akses sa murang bigas para sa mga nangangailangan komunidad.
02:11Nandito tayo ngayon sa Bureau of Animal Industry sa Quezon City
02:14kung saan meron ditong kadiwa outlets kung saan para doon sa mga bibili
02:19nitong 20 pesos kada kilo na bigas ay merong ipinapatupad na appointment system
02:25na layong mabawasan ang haba ng pila at maging maayos ang bentahan
02:31ng 20 pesos kada kilo na bigas.
02:33Bukas ang bentahan ng 20 pesos kada kilo na bigas dito
02:38sa bae mula lunes hanggang biyernes mula alas 6
02:42ng umaga hanggang alas 2 ng hapon
02:45kung saan makikita ninyo sa baba ng inyong mga TV screens
02:48ang registration link para sa appointment system
02:52kung saan kinakailangan mag-register ng mga kwalifikadong benepisyaryo
02:56para sila ay makabili nitong 20 pesos kada kilo na bigas.
03:01Limitado lamang din ang bilang ng mga walk-in buyers na mapagbebentahan
03:08nitong 20 pesos kada kilo na bigas.
03:12Kaya naman hinihikayat ang publiko na bago magtungo dito sa Bureau of Animal Industry
03:18sa Visayas Avenue sa Quezon City
03:20ay mangyari muna mag-register para makabili ng 20 pesos kada kilo na bigas.
03:26At yan muna ang update mula rito sa Quezon City.
03:31Maraming salamat Gab Villegas.
Comments