00:00Tiniyap naman ang Agriculture Department na sapat ang supply ng agricultural products.
00:05Kaugnay niyan, handa na rin ang kagawaran ng pagpapatupad ng price caps sa imported rice
00:10sa harap na rin ng epekto ng kaguluhan sa Middle East.
00:14Si Elayja Canlas sa Sentro ng Balita.
00:19Kumikilos na ang Department of Agriculture upang magtakda ng limitasyon sa presyo ng bigas
00:24para hindi na ito higit pang lumobos sa mga susunod na linggo.
00:27Batay sa kasalukuyang presyo ng mga pamilihan sa Metro Manila,
00:32pumapalo sa 55-63 pesos kada kilo ang premium imported rice.
00:37Nasa 45-49 pesos naman ang presyo ng imported well-milled rice
00:41habang nasa 42-43 pesos ang imported regular milled rice.
00:46Para sa mga namimili, malaking pasanin ito sa kanilang pang-araw-araw na budget.
00:51Dahil dito, nakahanda na ang DA na magpatupad ng price cap
00:54o limitasyon sa presyo ng imported na bigas sa pagtatapos ng kasalukuyang buwan.
00:59Ito ay matapos magkasundo ang National Price Coordinating Council o NPCC
01:04na isumite ang rekomendasyong gawing 50 pesos ang pinakamataas na presyo
01:08ng kada kilo ng imported rice sa tanggapan ng Pangulo.
01:12Ayon kay DA Sekretary Francisco Chulaurel Jr.,
01:15si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. pa rin ang magbibigay ng penal na desisyon ukol dito.
01:20Hinimok naman ang kagawaran ng publiko na tangkilikin ng mga murang bigas na ibinibenta ng pamahalaan.
01:26Layunin ang nasabing hakbang na mapigilan ang anumang uri ng profiteering
01:29o iligal na pagtaas ng presyo sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa Middle East.
01:34Gayunpaman, nilinaw ng kalihim na hindi na kailangang panglagyan ng price cap ang lokal na bigas
01:39dahil nasa kasagsagan ngayon ng dry harvest season ang bansa.
01:43Sa kasalukuyan, ang local premium rice ay naglalaro sa 51 hanggang 60 pesos
01:48habang nananatiling matatag sa 45 at 40 pesos ang well-milled at regular milled rice.
01:53Binigyang diin naman ng kalihim ang patuloy na pagbebenta ng mas murang bigas
01:57sa halagang 45 hanggang 48 pesos kasabay ng pagpapalawak ng benteng bigas meron o BBM program
02:04kung saan mabibili ito sa 20 pesos kada kilo.
02:07Para sa mga mami-mili, malaking tulong ang mga inisyatibo ng pamahalaan para makabawas sa pang-araw-araw na gastos.
02:28Ayon sa ilang mami-mili, sulit at maayos ang kalidad ng mga ibinibentang bigas ng nasabing programa.
02:34Umibili kami ng tech bain din na bigas kasi subukan na namin na bumili kasi sa hirap ng buhay po
02:41ngayon,
02:41kailangan namin na magtipid. Okay naman po siya, masarap naman.
02:45Tiniyak naman ng DA ang sapat na supply ng mga pangunahing bilihin ngayong tag-init,
02:50kabilang na ang karne ng manok, baboy at mga isda.
02:53Patuloy na minomonitor ng mga otoridad ang galaw ng presyo sa mga palengke
02:57upang masigurong hindi nagagamit na dahilan ang krisis sa ibayong dagat
03:01para sa hindi makatarungang pagtaas ng singil.
03:04Elijah Canlas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments