00:00Narito na ang PTV Balita ngayon.
00:03Pansamantalang sinuspindi ng pamahalaan ng pag-aangkat ng bigas.
00:07Epektibo ito sa September 1 at magtatagal sa loob ng 60 araw.
00:13Base ito sa rekomendasyon ng Department of Agriculture kay Pangulong Fortinence R. Marcus Jr.
00:19Paliwanag ng Malacanang, nais ng Pangulo na matiyak na hindi malulugi ang mga lokal na magsasaka sa panahon ng anihan.
00:27Isang low-pressure area ang patuloy na minomonitor ng pag-asa.
00:33Huli itong namataan sa silangan ng Infanta Quezon.
00:36Ayon sa pag-asa, mababa pa ang tsansa nito na maging bagyo.
00:41Gayunpaman, makakaranas sa mga pag-ulan ang Cagayan Valley, Bico Region, Aurora, Quezon, Marinduque, Romblon, Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran at Lite.
00:52Samantala, habagat pa rin ang magpapaulan sa nanalabing bahagi ng Visayas at Mindanao.
01:00Isang Pinoy ang nasawi matapos mabundol ng taksi sa Hong Kong.
01:05Sa report ng Consulate General of the Philippines sa Hong Kong, nangyari ang aksidente sa Suenwan West noong August 5.
01:13Sa ngayon, nasa kustuliyan na ng mga polis ang taxi driver na sangkot sa disgrasya.
01:20Nakikipagugnayan na rin ang konsulado sa pamilya ng biktima.
01:25At yan ang mga balita sa oras na ito.
01:28Para sa iba pang update, i-follow at i-like kami sa aming social media sites at PTVPH.
01:33Ako po si Naomi Tiborsho para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
01:37Huwag na po tayong magpunwari.