00:00Sa ibang balita, tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makararating din sa mga magsasaka ang tulong ng gobyerno
00:08sa gitna ng mataas na presyo sa petrolyo.
00:11Sa katunayan, mismong Pangulong pa ang naghatid ng iba-tibang tulong sa mga magsasaka sa Benguet.
00:18Si Bridgette Marcasi Pangospian sa Sentro ng Balita.
00:24Mainit na sinalubong ng mga kababayan nating magsasaka mula Benguet si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang pagbisita sa
00:33probinsya.
00:34Unang tinungo ng Pangulo ang Latrinda at Vegetable Trading Post kung saan personal na bumili ng iba't ibang klaseng gulay.
00:42Sunod nitong tinungo ang Benguet Agri Pinoy Trading Center kung saan bumili rin ito ng gulay at kinumusta ang mga
00:50magsasaka.
00:52Tinig na natin, hinanapan natin ang paraan. Kaya unang-una, binaba natin ang presyo ng diesel ng 10 piso.
01:01Tapos yung mga charges ng mga local government, we nave na muna.
01:06Tapos tinanggal na rin natin ang toll fee para sa mga truck na bumababa.
01:12Ayon sa Pangulo, nagulat sila nang makarating ang balita ukol sa hindi pagbiyahe ng mga gulay mula Benguet dahil sa
01:20mahal na presyo ng gasolina na isa sa dahilan ng kanyang pagbisita.
01:26Aniya, ginawan na nila ito ng paraan at tiniyak ang tuloy-tuloy na aksyon ng gobyerno sa mga problemang kinakaharap
01:34ng mga magsasaka.
01:35Dagdag pa ng Pangulo, isinali nila sa tupad program ng Dole ang mga truckers.
01:42Patuloy ang aming pag-aaral at patuloy ang aming pag-monitor para tiyakin na lahat ay makakaramdam ng tulong ng
01:54pamahalaan
01:55ngayon sa dinadaan natin na problema at sa krisis na naging bunga ng gera sa Middle East.
02:02Paliwanag pa niya, masisiguro ang food security sa pamamagitan ng mga hakbang na ito para hindi magkaproblema sa presyo at
02:10supply ng pagkain sa bansa.
02:12Kasabay nito, sinisiguro ng Pangulo na makakarating sa mga magsasaka ang mga tulong ng gobyerno.
02:20Siniguro naman ang kaliim ng Department of Agriculture na makukuha ng mga magsasaka ang kanilang kahilingan para sa storage facility
02:28at inaasahang pag-uusapan na ang paglalatag ng minimum prices sa mga highland vegetables.
02:35May concrete plans na kami kung ano yung tulong na may BBI sa ating mga farmers lalo na dito sa
02:41La Trinidad, sa Benguet at other near mountain areas.
02:47Kaprobahan na rin ni Pangulo yung i-rehabilitate yung cold storage nito na hindi operational.
02:54So I think we will rehabilitate up within six months.
02:57Plus magtatayo pa kami ng cold storage sa tabi ng ating processing center na bago.
03:02Kasabay pa ng pagbisita ng Pangulo,
03:05sampung farmers cooperative associations ang nakatanggap ng iba't ibang farm machineries at equipment
03:11at farm inputs na nagkakahalagaan ng 15 milyon pesos mula sa Department of Agriculture
03:18na labis na pinapasalamatan ng mga magsasaka sa probinsya.
03:22Salamat po sa pag-gun. Maganda naman yung tulong namin, tulong po sa amin yun.
03:28Yung mga traktor, siyempre papalitan yun yung mga tao.
03:32Papadaliin yung patulad doon sa pagtiling doon sa mga lupa, papadaliin talaga.
03:38Bridget Marcasi Pangosfian para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments