00:00Araw po ngayon ang sweldo ng ating mga manggagawa. Alamin muna natin ang presyo ng mga bilihin sa ilang palengke
00:06sa Metro Manila.
00:07My report si Jem Thompson live. Rise and Shine, Jem.
00:14Rise and Shine, Audrey. Ayon sa ilang mga nagtitinda rito ng gulay, sa kamuning public market, stable pa ang presyo
00:22ng mga gulay.
00:23Kaya naman, for today's video, gulay muna ang ating menu.
00:27Sa mga rekado para sa ulam, nananatili ang presyo ng baboy sa P340 hanggang P420 kada kilo.
00:35At ang manok naman ay P145 hanggang P200 kada kilo.
00:40Samantala, ayon sa ilang nagtitinda ng gulay dito sa kamuning public market, normal sa ngayon yung presyo ng mga gulay.
00:47At para naman, sa mga mahilig sa isda, ang bangus ay naglalaro sa P175 hanggang P240 kada kilo.
00:56Ang tilapia, mabibili mula P140 hanggang P150 kada kilo.
01:01Habang ang galunggong ay P140 hanggang P200 kada kilo.
01:06Audrey, tuloy-tuloy pa rin ang bentahan ng P20 na bigas sa Kadiwa outlet.
01:11Pero sa may mga budget, nasa P35 hanggang P50 ang local commercial rice.
01:17At ang imported commercial rice naman ay aabot sa P42 hanggang P79 kada kilo.
01:24Sinisiguro naman ang Department of Agriculture o DA ang kanilang pagpapaiting ng mga programang tutulong sa mga magsasaka at mangingisda,
01:33lalo na sa posibleng epekto ng El Niño sa kanilang hanap buhay.
01:37Mayroong short to long term assistance para sa mga magsasaka at mangingisda.
01:42Nariyan ang tuloy-tuloy na tulong pinansyal na ngayon ay mahigit isang daang libong magsasaka at mangingisda na ang natutulungan
01:48ng programa.
01:49Ang Quick Response Fund din na tulong para sa mga fertilizers sa mga magsasaka ay kabilang sa medium term assistance.
01:57Dagdag pa rito, pinahihiting din ang pamahalaan ng pagpapalawak ng solar power irrigation systems bilang long term assistance.
02:06Una, dahil nga ito ay renewable energy ang ginagamit natin, hindi na gumagamit ng fuel o diesel.
02:15Kasi malaki ang gastusin ng ating mga magsasaka pag ang ginagamit nila yung mga diesel run pumps sa kanilang mga
02:21shallow tube wells o yung mga pumps na ginagamit nila.
02:25Ganun din, dahil nga El Niño, pwede natin magamit ito, mag-distribute lalo na dun sa mga areas na maganda
02:32at sustainable yung ating mga groundwater at saka yung mga surface water natin.
02:39At ito ay napatunayan na very effective pag ganitong panahon na meron tayong severe o talaga matinding El Niño.
02:46Audrey, para naman sa mga kababayan natin, sa ilang lugar na aking mababanggit, naglabas po ng shellfish bulletin ang Bureau
02:55of Fisheries and Aquatic Resources o BIFAR.
02:57May mga lamang dagat ang naiulat na positibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide na hindi safe sa
03:06kalusugan.
03:07Ito ay mula sa baybay ng Dumangkilas Bay sa Zamboanga del Sur, Tantanang sa Zamboanga-Cibugay Province, Matarinaw sa Eastern
03:16Samar at Coastal Waters sa Bolinaw at Anda, Pangasinan.
03:21Audrey, yan muna ang huling update dito sa Kamuning Public Market. Balik sa inyo sa studio.
03:26Maraming salamat, J.M. Thompson.
Comments