00:00Iaapela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon ng Pre-Trial Chamber 1
00:06na nagkukumpirma sa lahat ng charges laban sa dating Pangulong.
00:10Nakatutok si Marisol Abduraman.
00:15Matapos kumpirmahin ang International Criminal Court Pre-Trial Chamber 1
00:20ang lahat ng charges laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte,
00:23binisita siya ng kanyang anak na si Kitty sa detention center sa De Haig.
00:27Tumanggi siyang pag-usapan ng kaso ng ama dahil ayaw niyang maka-apekto dito.
00:32Ayon sa kanya, bagaman apektado na ang memory ng ama, nananatili raw itong alisto
00:37at ang pinagkakabalan daw ay ang pagbabasa ng libro.
00:40Who's the same at 81?
00:43So his memory and his health, his balance.
00:49He walks slowly with a cane.
00:52He tries to be careful but it's different.
00:57Amidst old age.
00:58Ngayong naghahanda na para sa paglilitis ng kasong murder
01:01at attempted murder as a crime against humanity,
01:04iaapila raw ng kanyang kampo ang desisyon.
01:07Sa isang pahayag, sinabi ni Attorney Nicholas Kaufman
01:10na hihingi nila sa Pre-Trial Chamber 1
01:12na payagan silang iaapila ang desisyon.
01:15Tinawag niyang most bizarre o lubhang kakaiba
01:18at kafras o mahirap intindihin
01:20dahil hindi lohikal ang iginiit ng Pre-Trial Chamber
01:24na hindi kailangan magkaroon ng unnecessary details ang charges
01:27na masyadong specific at maaaring makalimita sa paglilitis.
01:31Ito anya marahil ang paliwanag
01:33kung bakit wala ni isang piraso manong ebedensyang binanggit
01:36sa fault note ng desisyon.
01:39Sa tingin ni Kaufman, ipinakita raw nito
01:41kung gaano kahanda ang Pre-Trial Chamber
01:43na paboran ang prosekusyon
01:45kahit na maapektuhan ang karapatan
01:48ng dating Pangulo para sa patas na paglilitis.
01:51Ang dating Chief Presidential Legal Counsel ni Duterte
01:53na si Attorney Salvador Panelo
01:55naniniwalang pre-judge na ang kaso
01:58lalot isinagawa ang confirmation of charges hearing
02:01kahit inapila ng kampo ng dating Pangulo
02:03ang isyo ng jurisdiksyon.
02:05Instead of resolving it with finality,
02:07it proceeded with the hearing
02:11which means it has already pre-judged the case.
02:14Kaya sabi ko sa inyo no, malabo.
02:16Iko-convict nila yan
02:17kasi nga meron ng sabwatan niyang ICC
02:20at saka yung administrasyon natin ngayon.
02:23Sinusubukan pa namin kunan ng pahayag
02:25ang Malakanyang kaugnay sa mga pahayag ni Panelo.
02:30Marisol Abduraman, Nakatuto 24 Horas.
02:35At kaugnay ng pahayag ni Attorney Salvador Panelo
02:38na may sabwatan anya ang gobyerno at ang ICC
02:41sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte,
02:44sabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro,
02:48huwag isisi kay Pangulong Bongbong Marcos
02:50ang anumang ginawa ni Duterte
02:53at mga tinukoy na co-perpetrator.
02:55Kung wala anyang pinatay noon,
02:57wala raw anyang kaso at anumang pagdinig sa ICC.
03:01Dagdag pa niya,
03:02Pangulo pa si Duterte
03:04nang isampang mga reklamong
03:05Crimes Against Humanity noong 2017.
03:09Si na Duterte anya ang nagpatupad
03:10ng gera kontra droga
03:12at hindi kasama si Pangulong Marcos
03:14sa pagplano anya ng mga patayan.
Comments