00:00Bukas na, ibababa ang desisyon ng ICC Appeals Chamber.
00:04Kaugnay ng pagkwestiyon ng kapon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa jurisdiction ng ICC.
00:09Nakatutok si Marisol Abduraman.
00:14Nag-rally sa harap ng Supreme Court.
00:17Ang mga taga-suporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon,
00:20panawagan nila, desisyonan na ng Korte Suprema ang habeas corpus petition
00:25para iuwi ng gobyerno si Duterte sa bansa mula sa pagkakaditine sa International Criminal Court o ICC.
00:32Bukas naman, inaasahang magbababa na ng desisyon ang ICC Appeals Chamber tungkol sa pagkwestiyon ng kampo ni Duterte
00:39kung may jurisdiction ng ICC sa kanyang kasong crimes against humanity of murder and attempted murder.
00:45Matatandaang noong nakaraang taon, ibinasura ng ICC Pre-Trial Chamber 1 ang pagkwestiyon ito ni Duterte
00:52at sinabing may jurisdiction ang Korte sa mga sinasabing krimen na nangyari
00:57ng miyembro pa ang Pilipinas ng International Criminal Court.
01:00Pero, inapila ito ng kampo ni Duterte at iginiit na nag-withdraw na ang Pilipinas sa Rome Statute noong 2019.
01:07Punto ni Atty. Gilbert Andres, isa sa mga common legal representatives na mga biktima,
01:13may mga probisyon sa Rome Statute para sa mga sitwasyong kagaya ng kay Duterte.
01:17Yung pinaka-safeguard dyan, yung una, yung nasa Article 127, Paragraph 2 mismo on withdrawal
01:24kasi ang pag-withdraw po ng isang state ay hindi po nakaka-prejudice, hindi po dapat nakaapekto.
01:31Doon po sa tinatawag na any matter already under the consideration of the court.
01:38Sa isang pahayag naman, sinabi ni Atty. Nicholas Kofman, abogado ni Duterte,
01:44na anuman daw ang kalabasan ng kanilang apila, dapat daw tandaan ng mga Pilipino,
01:48na mismo si Pangulong Marcos, sa pamamagitan ng Solicitor General,
01:53ang nangatwira noong March 2023 na walang horisdiksyon ang ICC sa tinatawag na War on Drugs.
01:59Sakaling pagtibay ng Pills Chamber ang naunang desisyon ng Pre-Trial Chamber 1,
02:04tuloy ang proseso sa ICC laban sa dating Pangulo.
02:08Pero kung pumanig ang Pills Chamber sa depensa sa proseso ng ICC,
02:13bibigyan ang Pre-Trial Chamber ng sapat na panahon para magpasya ng susunod na mga hakbang.
02:19Dagdag ni Andres, meron pa rin naman daw remedyo ang mga biktima ng War on Drugs.
02:23Tinukoy niya ang konsepto ng Universal Jurisdiksyon.
02:26Meron po mga ibang bansa, kagaya po sa Europe at sa West,
02:31na meron po silang mga batas kung saan krimen pa rin po ang international crimes
02:36such as crimes against humanity kahit saan man po ito ginawa.
Comments