00:00Pag-uusapan na mga partido ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
00:05Pabor o manor yan ang nasa kalahati ng pinakamalaking partido sa Kamara na Laka CMD?
00:11Ayon po yan sa isang miyembro. Nakatutok si Tina Pangaliban Perez.
00:17106 na kongresista o one-third na mga miyembro ng Kamara ang kailangang bumotong pabor
00:24para lumusot sa plenario ang impeachment ni Vice President Sara Duterte.
00:29Kaya ngayon pa lang, nag-uusap-usap na ang iba't ibang partido kaugnay sa impeachment proceedings.
00:36Ang pinakamalaking partido sa Kamara, ang Laka CMD, nakakailang pulong na raw.
00:42Pero hindi raw dinidiktahan ng Laka CMD ang mga miyembro nito.
00:47It's a conscience vote. Walang magiging stand ang partido kundi depende doon sa mga miyembro
00:54kung ano ang kanilang pananiwala at walang sapilitan. Kasi ganun talaga yun eh.
01:00Ayon kay Garin, sa 81 miyembro ng Laka CMD sa Kamara, kalahati o higit parao ang pabor sa impeachment.
01:08More than half, no? Baka two-thirds will be in favor, one-third will not be.
01:15It's a moving number. Even if it's our moral obligation and our duty.
01:21Siyempre meron din iba na iisipin nila ayaw nila na magkaroon ng political enemies.
01:27Meron din iba na mga nagsasabi na initially okay pero merong factor kasi may mga groups with influence
01:37or let's say merong mga nakikumakausap din sa kanila to protect the vice president.
01:45Ang party list coalition na aliansa ng mga party list representatives hindi pa raw nagpupulong.
01:52Pero sabi ni Bicol Saro, party list representative Terry Ridon,
01:55Sa mga party list, more than half of it would most definitely support impeaching the vice president.
02:03Sa ngayon binabalangkas na ng House Committee on Justice
02:06ang committee report na maglalaman ng resolusyon at articles of impeachment.
02:11Nakatakda itong aprobahan ng committee sa May 4.
02:15Ang kapatid ng Bise na si Davao City 1st District Representative Paulo Duterte
02:20matapos sabihin ginagamit ang pondo sa distrito para pilitin ang mga kongresistang bumoto pabor sa impeachment,
02:28ngayon naman ay nagsasabing ginagamit daw ang mga salen para pagbantaan ang mga kongresista.
02:34Pero ang mga nakausap naming kongresista, wala naman daw naranasang ganito.
02:39Wala pong ganyan na pressure and in fact mas mahihirapan pa po kami na i-justify at magbulag-bulagan
02:48kung kami po ay buboto ng hindi for determination of probable cause
02:53samantalang sumisigaw po yung mga ebidensya na nasa harapan po namin.
02:58I believe the best way forward is to put faces on those accusations.
03:04Kung sino man yung chief of staff na tinawagan or kung sino man yung kongresman na tinawagan,
03:09napaka-importante ang lumabas, ilantad at siya mismo ang magsalita.
03:14Tina Panganiban Perez, Nakatutok, 24 Horas.
Comments