00:00Uusad na sa pagliliti is ang kasong Crimes Against Humanity of Murder and Attempted Murder
00:05laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.
00:10Kasunod po ito ng pagkumpirma ng Pre-Trial Chamber 1 sa lahat ng asunto laban sa kanya.
00:16Ay po sa mga kaanak na mga biktima ng kampanya kontra droga,
00:20pag-asa ang hatid ng desisyon para sa kanila.
00:23Ang defense team naman ng dating Pangulo, patutunayan daw na walang bigat ang mga testimonya.
00:28Sa sila'y si Jamie Santos.
00:32Jamie?
00:37Piyas sa ngayon, nakatutok ang lahat sa susunod na hakbang ng International Criminal Court
00:42habang hinihintay kung kailan magsisimula ang paglilitis kay Rodrigo Duterte.
00:50Today, the judges of Pre-Trial Chamber 1 of the International Criminal Court
00:55unanimously confirmed all the charges against Rodrigo Roa Duterte
01:00and committed him to trial before a trial chamber.
01:04Dalawang buwan matapos ang confirmation of charges hearing ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
01:09dealt sa crimes against humanity for murder and attempted murder,
01:13kinumpirma ng International Criminal Court o ICC Pre-Trial Chamber 1
01:18ang lahat ng charges laban sa kanya.
01:21Ibig sabihin, sasalang sa trial proper ng ICC ang dating Pangulo.
01:26There are substantial grounds to believe that Mr. Duterte is responsible
01:30for the crimes against humanity of murder and attempted murder.
01:35These crimes were allegedly committed as part of a widespread and systematic attack
01:40against a civilian population on the territory of the Republic of the Philippines
01:45between the 1st of November 2011 and the 16th of March 2019
01:51in the context of the War on Drugs campaign.
01:55Tatlong counts ng crimes against humanity for murder and attempted murder
01:59ang kinakaharap ni Duterte.
02:01Sakop nito ang inang pagpatay sa mga umanoid drug pusher
02:04at magnanakaw noong siya pa ang mayor ng Davao City.
02:08At mga pagpatay mula 2016 hanggang 2018 sa kasagsagan ng kampanya kontra droga
02:14noong si Duterte na ang Pangulo ng Bansa.
02:16Batay raw sa mga ebidensya,
02:18organisado ang pagpaslang na nagsimula sa Davao City
02:21at nagpalawig sa buong bansa nang maupo sa Malacan niyang si Duterte.
02:26The judges made their decision on the evidence and arguments
02:30presented by the prosecutor and the defense
02:33during the confirmation of charges which took place in February 2026.
02:39The judges also considered the submissions of the parties and participants
02:42including participating victims.
02:46The defense and the prosecution are not automatically entitled
02:50to appeal to this decision
02:51but they can request authorization from the pretrial chamber to do so.
02:56Duterte haharap si Duterte sa pagliliti sa ilalim ng iba't ibang uri ng pananagutan
03:00bilang indirect co-perpetrator
03:02dahil sa pag-utos, pag-udyok at pag-sabuatan sa mga krimen.
03:07Sa ilalim ng Rome Statute,
03:08kailangang humarap si Duterte sa mga pagdinig.
03:11Trials at the ICC are fair and impartial
03:14and the defense will have sufficient time to prepare its case
03:18while respecting the rights of victims.
03:21Sa isang pahayag, sinabi ng Office of the Prosecutor
03:24na natutuwa sila sa naging desisyon ng pretrial chamber.
03:28Pinapakita raw nito ang lalim ng investigasyon
03:31at malakas na ebidensyang iniharap nila.
03:34Mahalagang yugturo ito sa pagsisikap nila na isulong
03:37ang pananagutan para sa mga biktima
03:39ng umanoy extrajudicial killing sa Pilipinas
03:42nung panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Duterte.
03:45Ayon naman sa mga ICC-appointed counsel na mga biktima
03:49na sina Atty. Joel Butuyan at Atty. Gilbert Andres,
03:53ang desisyon ay isang malakas na mensahe sa international community
03:57na ang international justice system ay gumagana
04:01para panagutin kahit pang isang dating Pangulo gaya ni Duterte.
04:05Isang pag-asa raw para sa mga biktima
04:07ang desisyon ng ICC Pre-Trial Chamber 1.
04:10Sabi naman ni Assistant to Council Atty. Christina Conti,
04:14wala raw silang pagsidla ng tuwa at pasasalamat sa ICC
04:18sa mabilis at pulidong mga desisyon.
04:20Tama o mano ang naging hatbang ng pagdulog at pagre-reklamo sa ICC.
04:25Siyempre masaya po kami at kung kahapon masaya,
04:29ngayon masayang masaya.
04:30Dahil malinaw na may kapangirian ng ICC na silipin,
04:35ito po ang final na desisyon patungko sa jurisdiksyon.
04:38Hindi naman daw nagulat ang kampo ng dating Pangulo
04:41sa desisyon ng Pre-Trial Chamber 1.
04:43Sa isang text message sa GMA News,
04:46sinabi ni Lead Defense Counsel Atty. Nicholas Kaufman
04:49na base raw ang desisyon sa mga hindi napatunayang pahayag
04:53ng mga self-confessed murderers na ginawang cooperating witness.
04:57Hindi hindi nga raw nasuri ang kredibilidad
04:59ng mga testigo sa confirmation hearing.
05:02Dahil sa desisyon, magkakaroon na raw ng ibang katauhan
05:05ang mga witness.
05:06Patutunayan daw ng depensa sa paglilitis
05:09na ang tinutukoy na state policy ay kathang isip lamang.
05:12Ipinakikita rin daw ng depensa na ang ebedensyang nagmula sa mga testigo
05:16ay walang anumang bigat o halaga.
05:19Inaasahan na rin daw ni dating Chief Presidential Legal Counsel
05:22Atty Salvador Panelo ang desisyon.
05:25Pero kung ebedensya raw ang pag-uusapan,
05:28dismiss na dapat ang kaso.
05:30Ang Malacanang naman,
05:32iginagalang daw ang desisyon ng ICC.
05:34Ayon kay Undersecretary Claire Castro,
05:37justisya ang kailangang makamit sa mga kasong ito
05:40at parehong panig ang makikinabang sa proseso.
05:47Live mula rito sa Quezon City,
05:49ako si Jamie Santos,
05:50ang inyong saksi.
05:51Outro
05:54Outro
05:55Outro
Comments