Skip to playerSkip to main content
Nag-inspeksiyon ang NBI at BJMP kasama ang ilang security personnel ng Kamara sa pagdarausan ng pagdinig bukas ng House Committee on Justice ukol sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. Bilang paghahanda ito sa pangangalaga sa seguridad ni Ramil Madriaga. Bago ang pagdinig, lumabas ang isang dokumento na pirmado umano ni Madriaga.


Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nage-inspeksyon ang NBI at BJMP kasamang ilang security personnel ng Kamara
00:04sa pagdarausan ng pagdinig bukas ng House Committee on Justice
00:07ukos sa impeachment complaint labang kay Vice President Sara Duterte.
00:11At bilang paghanda po ito sa pangalaga sa siguridad ni Ramil Madriaga.
00:16At bago naman ang pagdinig, lumabas ang isang dokumento na
00:20Pirmado o Manon ni Madriaga,
00:22ang nilalaman ng dokumento sa pagsaksi ni Tina Panganiban Perez.
00:30Nakuha ng GMA News ang liham na ito mula sa isang reliable source sa kampo ni Ramil Madriaga.
00:37Sulat kamay, pirmado at may pechang April 11, 2026.
00:43Si Madriaga ang nagpakilalang dating aide at bagman umano ni Vice President Sara Duterte
00:49at isa sa mga pinahaharap na testigo sa impeachment proceedings
00:53na isinasagawa ng House Committee on Justice.
00:56Sa dokumento, tinukoy ni Madriaga si FPRRD ang initials ni former President Rodrigo Roa Duterte.
01:05Noong November 2021, binanggit daw sa kanya ng dating Pangulo
01:10na hahayaan daw tumakbo si Bongbong Marcos bilang Pangulo kasama si Sara Duterte.
01:16Pero kukuni nila ang pagkapangulo pagsapit ng taong 2025.
01:21Ito raw ay para mapalawig ang kontrol ni Duterte sa gobyerno
01:25at gagamitin lamang si Marcos bilang political tool.
01:30Pagkatapos daw manumpa sa tungkulin ni VP Sara noong taong 2022,
01:35sinabi ng dating Pangulo sa isa namang pulong kasama si Madriaga at ilang retiradong general
01:41ang plano niyang alisin sa pwesto si Pangulong Marcos sa anumang paraan.
01:46Uupo bilang Pangulo ang anak niyang si Sara Duterte
01:49at maaari pa rin itong tumakbo sa 2028 presidential elections.
01:55Dagdag pa raw ng nakatatandang Duterte.
01:58Alam daw ni Pangulong Marcos na bababa siya sa pwesto sa 2025
02:03at ibibigay ito kay VP Sara.
02:05Kwento ni Madriaga bago mapatalsik si Marcos
02:09magkakaroon ng mass resignations ng government officials,
02:14mga rally, pagpaslang ng mga opisyal ng gobyerno,
02:18civil disobedience at pagsalakay sa malakanyang palas
02:21na mga kinuha nilang mga grupo at individual.
02:25Ito raw ang assignment ni Madriaga,
02:27ang magrekrut ng mga makikibahagi
02:30kabilang ang mga kriminal at kahit mga sindikato.
02:34At kapag nagkakagulo na,
02:36ito raw ang magiging daan
02:38para magsagawa ang militar ng coup d'etat.
02:41Kung hindi raw kusang bababa sa pwesto si Marcos
02:44o mag-excel sa Amerika,
02:47papatayin daw ito.
02:49Hinihinga namin ang reaksyon dito si Vice President Duterte
02:52pero dati na niyang itinanggi
02:54na nagtrabaho sa kanya si Madriaga.
02:57Nakatakdang humarap si Madriaga buka
03:00sa House Committee on Justice
03:01para sa impeachment proceedings laban sa Mise.
03:05Tinanong namin kung kasama ito
03:07sa mga tatalakayin bukas.
03:09If it is irrelevant to the accusations
03:11against the Vice President,
03:14particularly dito po sa misuse of confidential funds,
03:16hindi ko hindi po yun may sasama
03:19doon po sa mga pwede pong pag-usapan.
03:22Mahalaga po na we remain focused on
03:25the specific allegations
03:27relating to the impeachable offenses
03:30against the Vice President.
03:31Pag hindi po ito within that parameter,
03:34hindi po yun dapat talakayin po ng komite.
03:37Kanina, nag-inspeksyon na ang NBI at BJMP
03:41kasama ang ilang security personnel ng Kamara
03:44sa pagdarausa ng hearing
03:46bilang paghahanda sa pangangalaga
03:49sa seguridad ni Madriaga.
03:51May natanggap naman ang House Committee on Justice
03:53na kopya ng petisyon
03:55ng asawa ng vice
03:56na si Atty. Manz Carpio
03:58na humihiling sa Quezon City Regional Trial Court
04:02na pigilan ang paglalabas
04:04ng income tax returns nila ng vice
04:06sa impeachment hearing.
04:08Maliban daw kasi sa walang horisdiksyon
04:10ng House Committee on Justice,
04:12labag din daw ito sa right to privacy ni Carpio
04:15na walang kinalaman sa impeachment.
04:17Pero kinontra ito ni Ridon.
04:19Hindi po yung totoo
04:20kasi ITRs or public documents
04:23kailangan pong makita
04:25kung meron po ba ang unexplained wealth
04:27ang atin pong pangalawang Pangulo.
04:29Tina Panganiban Perez
04:31ang inyong saksi.
Comments

Recommended