00:05Update po tayo sa 29th ASEAN PLUS III Summit na isinagawa ngayong umaga.
00:11May ulit on the spot si J.P. Soriano. J.P.
00:17Connie mga kapuso, sa gitna po na ng papatuloy na tensyon sa East Asia.
00:21Nanawagan po ang China sa mga bansang kabilang dito na pairali ng pagtutulungan
00:25at pagkakaisa at huwag daw pairali ng sariling interes at impluensya.
00:30At Connie, sa naganap nga na summit na yan, naganap ngayong umaga,
00:34yung tinatawag na ASEAN PLUS III Summit ng Japan, Republic of Korea at China,
00:38kapansin-pansin ang panawagan ng China na dapat daw mas unahin ang pagtutulungan ng mga bansa
00:43sa riyon kaysa sa mga hakbang na nakatuon sa sarili nilang interes at impluensya.
00:48Ito ang sinabi ni Jiang Su, ang Minister of Agriculture and Rural Affairs ng People's Republic of China,
00:54nang makaharap niya si na Japanese Prime Minister Sanae Takaichi at Republic of Korea President Lee Jae-myung
01:01at Pangulong Bongbong Marcos na siya ring ASEAN Chair.
01:04Walang partikular na bansa o geopolitical dispute na direktang tinukoy ang China.
01:09Pero anya, dapat daw mas pagtuunan ng matibay na pagkakaisa, mutual trust at regional cooperation
01:15sa gitna raw ng tumitinding geopolitical tensions at economic uncertainty sa mundo.
01:20Ayon sa kinatawa ng China, gaya raw ng isang apoy na mas lumalakas kapag sama-samang nagdadagdag
01:27ng gatong. Mas magiging matatag daw ang East Asia kung magtutulungan ng mga bansa
01:32sa halip na magpakitang gila sa geopolitical rivalry.
01:35Bukod po sa isyo ng teritoryo sa West Philippine Sea sa pagitan ng China at Pilipinas,
01:40matagal nang may geopolitical tension at alita ng China at Japan,
01:44kaugnay ng Taiwan at iba pang maritime security habang may hindi rin pagkakaunawaan
01:50ng China at Republic of Korea at South Korea sa Yellow Sea.
01:54Kasabay nito patuloy din ang banta ng nuclear at missile program ng North Korea
01:58sa siguridad ng Japan at South Korea.
02:01Parehong malapit po na kaalyado ng US ang Japan at Republic of Korea
02:05habang kaalyado ng China ang North Korea.
02:08Sa gitna namang hindi pagkakaunawaan sa riyon, iginiit ang China na mas kailangan
02:13ng mutual trust at pagkakaisa.
02:15Ayon sa kinatawan ng China, patuloy na humaharap ang East Asia sa mga hamon
02:19gaya ng energy supply at food security.
02:22Para naman po kaya Japan Prime Minister Takaichi dapat palakasin ang kooperasyon
02:27at disaster response habang iginagalang ang kalayaan ng bawat bansa
02:33na magpasya para sa sarili nitong interest.
02:35Si Republic of Korea President Lee yung naman nagsabi na sa kabila raw
02:40ng magkakaibang kasaysayan at interest ng mga bansa
02:43na patunayan ng ASEAN Plus 3 Summit na kayang malampasan ng mga krisis.
02:48Ayon naman kay Pangulong Bongbong Marcos,
02:49mahalagang mapalakas ang kooperasyon ng ASEAN, China, Japan at South Korea
02:54upang matiyak ang sapat na supply ng enerhiya, pagkain at matatag na ekonomiya
02:59para sa buong Asia.
03:01Samantala, bukod po sa usapin ng Code of Conduct o COC
03:03na hindi naman matatapos ngayong ASEAN 2026,
03:06apat na outcome documents ang inilabas ng ASEAN-China Summit
03:10ayon kay Foreign Affairs Secretary Fereza Lazaro.
03:13Kabilang po dito ang joint statement para sa ikalimang aliberasari
03:16ng ASEAN-China Comprehensive Strategic Partnership,
03:19pagtatatag ng Energy Cooperation Partnership,
03:23pagpapapalalim ng kooperasyon sa forestry,
03:25at iba pang kasunduan.
03:27At ang napag-usapan din po ng ASEAN at China
03:29ang mas matibay na kooperasyon laban sa transnational crimes,
03:33particular sa online hubs at human trafficking na problema po ngayon sa Southeast Asia.
03:38At syempre, ngayon po, Connie, mga kapuso,
03:41ay isa po sa mga inabangan ngayon ay ang ASEAN-US Special Summit,
03:45kung saan makakaharap po ng mga ASEAN leaders,
03:48si US President Donald Trump na inasahang darating ngayong hapon.
03:53At yan muna ang latest.
03:53Balik muna sa iyo, Connie.
03:55Marami salamat, JP Soriano.
Comments