- 2 hours ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
Narito ang mga balitang ating sinaksihan ngayong Lunes Feb. 16, 2026.
- Lalaking nangholdap at nanaksak umano sa tattoo artist, naaresto sa bubong ng bahay
- Ginang na taga-Angeles City, 4 na araw nang nawawala; kanyang SUV, natagpuan sa Magalang, Pampanga
- Pagkukumpuni sa Maharlika Highway, pinamamadali para sa mga bibiyahe sa Semana Santa
- Malacañang sa paglabas ng mga pangalan ng "co-perpetrators" sa war on drugs: Handang makipagtulungan sa Interpol
- Precautionary hold departure order, inilabas vs. Estrada, Bonoan, Bernardo, Opulencia at Alcantara
- Dating Sen. Bong Revilla, tumangging maghain ng plea para sa kasong malversation
- Michelle Dee, naghain ng reklamong cyber libel vs Xian Gaza at 4 na iba pang social media pages
- Clemency para kay Mary Jane Veloso, panawagan ng pamilya kay PBBM
- Magkasintahan pa lang na tumatakbo sa pulitika kahit anumang kasarian, sakop ng Anti-political Dynasty Bill ni Sen. Hontiveros
- Law students, pabirong naghain ng mosyon para i-dimiss ang kanilang quiz
- Mahigit 100 stilt houses, nasunog
- Dambuhalang sinkhole sa gitna ng mga taniman, patuloy ang paglawak
- Unang kopya ng "El Filibusterismo" ni Jose Rizal, naisubasta sa halagang P21M
- Binondo, dinagsa para sa food trip at pagbili ng lucky charms sa pagpasok ng Year of the Fire Horse
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- Lalaking nangholdap at nanaksak umano sa tattoo artist, naaresto sa bubong ng bahay
- Ginang na taga-Angeles City, 4 na araw nang nawawala; kanyang SUV, natagpuan sa Magalang, Pampanga
- Pagkukumpuni sa Maharlika Highway, pinamamadali para sa mga bibiyahe sa Semana Santa
- Malacañang sa paglabas ng mga pangalan ng "co-perpetrators" sa war on drugs: Handang makipagtulungan sa Interpol
- Precautionary hold departure order, inilabas vs. Estrada, Bonoan, Bernardo, Opulencia at Alcantara
- Dating Sen. Bong Revilla, tumangging maghain ng plea para sa kasong malversation
- Michelle Dee, naghain ng reklamong cyber libel vs Xian Gaza at 4 na iba pang social media pages
- Clemency para kay Mary Jane Veloso, panawagan ng pamilya kay PBBM
- Magkasintahan pa lang na tumatakbo sa pulitika kahit anumang kasarian, sakop ng Anti-political Dynasty Bill ni Sen. Hontiveros
- Law students, pabirong naghain ng mosyon para i-dimiss ang kanilang quiz
- Mahigit 100 stilt houses, nasunog
- Dambuhalang sinkhole sa gitna ng mga taniman, patuloy ang paglawak
- Unang kopya ng "El Filibusterismo" ni Jose Rizal, naisubasta sa halagang P21M
- Binondo, dinagsa para sa food trip at pagbili ng lucky charms sa pagpasok ng Year of the Fire Horse
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:32Ito yung suspect ng panguhold-up at panalaksak.
00:35Sa bubong ng bahay na tagpuan at nahuli ng mga otoridad,
00:39ang lalaking itinuturong suspect sa panguhold-up at pagnanakaw sa barangisan Isidro, Antipolos City.
00:45Tinagtulong ang ibaba ng mga tanod, ang nakaposas na 29-anyos na suspect.
00:51Tukol mo ba? Tukol mo ba? Tukol mo ba? Tukol mo ba? Tukol mo ba?
00:55Ayon sa barangay, umaga nitong linggo nangyari ang panguhold-up sa isang 34-anyos na lalaking biktima.
01:02Nasaksak pa sa lieg ang biktima matapos siyang pagnakawan.
01:05Kwento ng biktima, naghahanap lang siya ng kliyente na kanyang matatatuan nang mangyari ang insidente.
01:12Naglalaad lang po ang mga umaga po nun.
01:14Di po alam po saan ang galit. Nagmumula yung galit niya.
01:16Kaya na po bigla niya lang po o sinaksak mga oras na yun.
01:19Kaya pabatahan niya lang po ako tapos gusto niya kong patayin.
01:21Tapos yung gamit ko po nalaglab. Kaya kinuha niya rin po.
01:23Sa cellphone po.
01:24Ito si Alias Baloloy.
01:27Sa records ng polisya, dati nang naaresto ang suspect dahil sa mga insidente ng akyat bahay,
01:33pagnanakaw at panguholda.
01:35Personal na kilala po ng wiktima yung suspect po.
01:40Tapos po, yun po. Nung siya po ay inabangan, tinutukan, actually nasaksak po sa lieg,
01:47nai-report po niya agad dito sa, ba't nakuha po yung cellphone,
01:49nai-report po agad dito sa barangay at agresivo po ang ating mga tanong.
01:53Talagang hindi po talaga nila tinantana ng katibid po nila mo.
01:57Sa custodial facility ng Antipolo Component City Police Station na kaditay ng sospek
02:02na nahaharap sa reklamong robbery.
02:04Para sa GMA Integrated News, E.J. Gomez ang ino-saksi.
02:11Natagpang abandonado sa Magalang Municipal Plaza sa Pampanga,
02:14ang SUV ng Ginang na apat na araw nang nawawala.
02:17Nawawala rin ang kanyang driver.
02:20Saksi si Chino Gaston.
02:27Marilinig sa CCTV na ito sa loob ng isang bahay sa Anghile City, Pampanga,
02:32ang tila sigaw ng isang babae base sa timestamp ng CCTV.
02:36Nangyari yan alas 7.30 ng gabi noong Huwebes, February 12.
02:40Ang mga sigaw, pinaniniwalaan kay Maria Teresa Tesmamak,
02:44byuda ng dating kapitan doon na apat na araw nang nawawala.
02:49Ayon sa kanyang anak, walang ibang tao ng oras na yon kundi ang kanyang ina.
02:54Parang ang nangyari po ay isang quick attack po eh, mabilis na fatal na strike or blow ang nangyari po
03:09eh, mabilis.
03:11Parang wala na po nangyaring agawan, sagutan, sigaw lang po.
03:16Bago yan, alas 7.20 ng gabi, nakunang lumabas ng compound ang lalaking ito na tinukoy ng kanyang pamilya na
03:25driver nila ng mahigit 20 taon.
03:28Bumalik din siya sa loob maya-maya.
03:30Matapos ang ilang minuto, dumaan ang puting SUV ng nawawalang ginang.
03:34Hanggang sa marinig ang tila sigaw bandang alas 7.30.
03:41Pagsapit ng alas 8.30 ng gabi, makikita naman sa CCTV ang puting SUV na palabas ng compound.
03:48Ito na raw ang huling pagkakataon na nakita ang sasakyan sa compound.
03:53Sabado ng hapon, February 14, natagpuan nitong abandonado at nakaparada sa magalang municipal plaza.
04:00Na i-turn over na ito sa pulisya at isa sa ilalim sa forensic examination at kinukuhanan ng fingerprints.
04:07Ayon sa anak ni Mamak, hindi na nakita at hindi na rin makontakt ang lalaking driver hanggang sa ngayon.
04:13Sa pagpunta ng pulisya kahapon sa bahay ni Mamak, may mga nakitang bakas ng dugo sa pader, wheelbaro, washing machine
04:21at gripo.
04:22Hinihintay pa ang resulta ng forensic investigation.
04:25Gamit ang mga K-9 unit, isang team ng MMDA ang tumutulong sa paghahanap sa biktima sa loob ng compound
04:31ng kanilang bahay.
04:33Nauna nang nag-anunsyo si Pampanga First District Representative Carmelo Lazatin ng 200,000 pisong reward sa makapagbibigay ng impormasyon
04:42sa kinaroro o na ni Mamak.
04:44Para sa GMA Integrated News, ako si Chino Gaston, ang inyong saksi.
04:49Sa Hunyo o sa Hulyo, posibeng simulaan ang pangmatagalang rehabilitasyon ng Maharlika Highway.
04:55Pero bago po yan, target maayos ang mga lubak at bakubakong bahagi ng kasada para sa Semana Santa.
05:00Sa saksi si Joseph Moro.
05:06Sa dami at lalim ng mga lubak, hindi iubra.
05:09Mabilis na pagandar sa bahaging ito na Maharlika Highway sa Samar.
05:14Ininspeksyon niya ni DPWH Secretary Vince Disson itong unang linggo ng Bebrero.
05:19Hindi na nga highway, dirt road.
05:20Maragang, maragang, halos.
05:22Ang yaralim ng mga butas, ang takbo natin, halos 5 kilometers na siguro.
05:27Maharlika Highway, ang pinakamahabang kasada sa basa na itinayo noong dekada 60.
05:33Lampas 3,000 kilometro mula lawag Ilocos Norte sa Luzon.
05:37Itatawid ng Roro at magpapatuloy sa Eastern Visayas.
05:40Bago muling itawid ng Roro mula Karagapa tungung sa Buanga City.
05:45Importante ang daanan ng mga produktong pangagrikultura at iba pa at taon-taon ding dinadagsa
05:50ng mga biyahing probinsya kapag Pasko, Undas, Semana Santa at iba pang okasyon.
05:55Pero sa inspeksyon ng DPWH, tila napabayaan ang ilang bahagi nito.
06:01At ngayong magsisimana Santa na naman,
06:04pinamamadali ng DPWH ang pag-aalis ng mga obstruction o harang sa daang maharlika,
06:10kasabayan ng pansamantalang pagtatapal at pagbabantay ng mga bakubokong bahagi hanggang sa katupusan ng Marso.
06:16Patuloy rao ang pagkukumpuni sa mga sirambahagi ng kalsada sa Gumaca, Quezon, Samar at Ginubatan, Albay.
06:23All obstructions and clearing works must be completed by the end of March.
06:31Yung mga nakita niyong ongoing kanina, yung re-blocking, yung mga trabaho yung ginagawa dyan sa drainage,
06:38sa pag-aaspalto, tapos na.
06:46At pagdating ng Holy Week, pag nagsimula na magbiyahe mga kababayan natin, kariyari yan.
06:52Sa Hunyo o Hulyo naman, maaaring simula ng pamatagalang rehabilitasyon ng highway na nangangailangan ng nasa 16 billion pesos.
07:00Magkakaroon na tayo ng malawakang bidding for A5 sa Bicol, Samar sa Region 8 and sa Region 13 sa Agusan,
07:11sa Surigao-Agusan area. Kasi yun ang information natin na yun ang pinakamasasamang area.
07:18Sa planong rehabilitasyon, malalaking kontraktor lamang ang pwedeng magbid.
07:22May mga kinuha ring foreign consultant mga Japan at Korea at gagamitin daw ng Akman Teknolohiya.
07:28Only big contractors can join the bidding. Hindi pwedeng hawsyaw, hindi pwedeng magigit.
07:37We will require that whoever bids for Mahalka Highway need to have equipment like this.
07:47Hindi na pwede yung manumano.
07:51Ayon kay DPWS Secretary Vince Diso, nasa 60% na mga kasada sa buong bansa ang kailangang i-repair
07:58o kumpunihin.
07:59Target ng DPWH na makasabay ang daang mahali ka sa iba pang highway abroad.
08:04Pwede naman yan. So, kailangan nga tama ang paggawa at wagang magnanakaw.
08:10Samantala, sa Hulyo naman, inaasang matatapos ang Phase 1 ng rehabilitasyon ng EDSA mula TAPT hanggang Orense.
08:17O sa matapos ito, magkakaroon daw ng mga sidewalk para sa publiko.
08:22Pinag-aaralan ng DPWH kung pwede ang maghapon at magdamag na rehabilitasyon sa Semana Santa dahil walang masyadong tao sa
08:30Metro Manila.
08:31Para sa GMA Integrated Dose, ako si Joseph Morong, ang inyong saksi.
08:36Hanang maghipagtulungan sa Interpol ang gobyerno ng Pilipinas kasunod ng paglabas ng Office of the Prosecutor ng ICC
08:42ng mga pangalan ng mga co-perpetrator umano sa guerra contra droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
08:48Itinanggi naman ng ilang sa mga pinangalanan ang mga aligasyon laban sa kanila.
08:53Saksi, si Sandra Aguinaldo.
08:57Walong kasabuat umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang tinukoy ng International Criminal Court o ICC
09:04kaugnay ng kanyang guerra contra droga.
09:07Sina Sen. Bato de la Rosa, dating Acting PNP Chief Vicente Danau,
09:11ang namayapan ng dating PNP Chief Nesikandino Cascolan,
09:15dating PNP Chief Oscar Albayalde,
09:18Sen. Bongo, dating NBI Director Dante Gueran,
09:22dating PIDEA Chief Isidro Lapeña,
09:24at dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
09:27Kabilang sa aligasyon ay ang pagpapatupad umano ng tinatawag na common plan
09:31o plano para i-neutralize ang hiniinalang kriminal sa pamamagitan ng karasan tulad ng murder
09:38mula 2011 hanggang 2019.
09:41Sa kaso nigo, nagsimula raw ito ng personal aid at special assistant pa siya,
09:46hinuoy Mayor Rodrigo Duterte,
09:48hanggang itinalaga siyang special assistant to the President.
09:51Mariin itong itinangginigo at tinawag ang aligasyon na walang basihan,
09:56one-sided at hindi patas.
09:58Walaan niyang kaugnayan ang mga bintang sa kanyang mga naging papel
10:02at responsibilidad bilang special assistant to the President
10:06at executive assistant ng alkalde noon ng Davao City.
10:10Dagdag panigo, walang iligal na inuutos sa kanya si dating Pangulong Duterte
10:15at hindi rin naman anya siya susunod sa anumang iligal na utos mula kanino man.
10:20Iginiit din sa press release ni Go na ang kanyang mga responsibilidad noon
10:24ay administrative at clerical lang at hindi konektado sa police o operational matters.
10:30Sa sesyon ng Senado nitong miyerkules, nakita pang dumalo si Go.
10:34Pero si Senador De La Rosa, mula Nobyembre pa hindi pumapasok sa Senado
10:38simula ng umugong na may arrest warrant na ang ICC laban sa kanya.
10:43Sa dokumento ng ICC, isinangkot siya ng mga prosecutor sa kaso mula rin noong alkalde pa, si Duterte.
10:50Siya naman ang nakaupong jepe ng Davao City Police noon at kalaunay naging PNP chief.
10:56Wala pagtugon si De La Rosa sa pagpapangalan sa kanya ng ICC
11:00pero nabanggit niya noong handa siyang humarap sa anumang kaso pero sa isang korte lang sa Pilipinas.
11:07Ayon sa ilang Senador, hindi pwedeng arestuhin ang sinumang Senador sa loob ng Senado habang nakasesyon.
11:14I would stand by what sinabi ni Senate President Ito Soto noon
11:18na by tradition, while the Senate is in session, walang miyembro ang inaaresto sa loob.
11:26Pero kung nasa labas ng Senado, maaari bang mangyari ang ginawa noon kay dating Pangulong Duterte?
11:32I believe in the previous arrest, nagkaroon kasi ng sense na na-exhaust yung remedies dito.
11:43I mean, similar principles should apply, pero kung paano aasta ang Senado in these two cases,
11:51dahil sa mga miyembro namin sila.
11:56Naniniwala naman si Senate President Pro Tempore Ping Lakson na dapat idaan sa local court
12:01ang anumang arrest warrant galing sa ICC o kahit anong foreign court.
12:06Pwede anong niyang talakayin ng Senado sa miyembro
12:09ang mga posibleng hakbang sa issue at pag-aaralan din na mga abugado ng Senado ang dapat gawin.
12:16Ang isa pang pinangalan ng co-perpetrator na si dating Justice Secretary Aguirre,
12:21pinabulaan ng kasabot siya sa extrajudicial killings.
12:25Binawit lang daw siya ng prosecution panel ng ICC para bigyan ng kredibilidad
12:30ang sinasabi nitong common plan.
12:32I've never engaged in any extrajudicial killing.
12:37Hindi ko sinuporta niyan kung meron man.
12:40Hindi ko nga alam yan eh.
12:42As a matter of fact, during my time as Secretary of Justice,
12:46they made a big pass about the killings of Kian de los Santos,
12:56Carlos Arnaiz, and Kulot de Guzman.
12:59I was instrumental in bringing all the parents and relatives of these three
13:08to Malacanang, Bahay Pangarap.
13:11And because of this, they were able to meet with the president.
13:15And after that meeting, charges were filed against this policeman
13:21and trials were conducted and they were all convicted.
13:27Sa isang Facebook post, sinabi ng asawa ng namayapang si Kaskolan
13:32na sanay nabubuhay pa ang kanyang asawa
13:35para ipaliwanag ang off-land tokhang at double barrel.
13:39Sinusubukan pa naming makuna ng pahayag
13:41ang iba pang pinangalan ng co-perpetrator
13:44pero wala pa silang tugon sa ngayon.
13:47Pero kahit ipinalabas ng ICC ang pangalan ng mga co-perpetrators,
13:52hindi raw ito nangangahulugang may lalabas ng warna to fares laban sa kanila.
13:56Ang ICC sa ngayon ay hindi naman sinisilip
14:02o hindi nila kakasuhan yung lahat ng involved.
14:05Meron silang prosecutorial strategy kung saan
14:08yung pinaka-responsable ang kanilang kakasuhan.
14:13Pusibling ang pagsasapubliko raw na mga pangalan
14:16ay para mas klarong maipaliwanag sa publiko
14:19ang kinakaharap na kasong crimes against humanity ni Duterte.
14:23Yung pagdeklara at pagdisclose ng mga pangalan ngayon
14:28ay malamang sa malamang ayon sa una, utos ng pre-trial chamber
14:35o kaya upon agreement by the parties ng prosecution at defense.
14:40Mukhang ito ay isang hakbang para mas maintindihan natin
14:44kung ano ba yung charges o yung sakdal na babasahin.
14:48Sakaling maglabas ng warrant of arrest ayon kay Conti
14:51mainam na sundin daw ng Pilipinas
14:53ang prosesong nakasaad sa Article 59 ng Rome Statute.
14:58Nakasaad dito na sa oras na matanggap ang warrant of arrest
15:01nararapat itong ipatupad agad ng isang bansa
15:04tsaka iharap ang arestado sa competent judicial authority
15:08sa naturang bansa
15:09para alamin kung tama ang proseso ng pag-aresto dito
15:13at kung nirespeto ang karapatan nito.
15:17Pero hindi nakasama ang Pilipinas sa Rome Statute
15:19matapos mag-withdraw noong 2019
15:22sa ilalim ng Duterte administration.
15:25Nang ma-aresto noong nakaraan taon si dating Pangulong Duterte
15:28iginiit ni Pangulong Bongbong Marcos na sa Interpol
15:32nakipagtulungan ang gobyerno at hindi sa ICC.
15:35Ito rin ang sinabi ngayon ng Malacanak.
15:38Makikipagtulungan tayo sa Interpol but not with the ICC
15:41in the same way that we cooperated with the Interpol
15:45during the arrest of the former president.
15:47Ganun po ang mangyayari.
15:48Yun po ang nangyari before at yan din po ang mangyayari ngayon.
15:52Nanindigan din ang palasyo na hindi pagsuko sa soberania
15:56ang pagtupad sa obligasyon ng bansa sa Interpol.
15:59Pero sa ngayon, wala pa namang warrant na inilalabas ang ICC
16:03sa mga pinangalanang kasabwat sa drug war.
16:06Para sa GMA Integrated News, ako si Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
16:12Naglabas ng Precautionary Hold Departure Order laban kina Sen. Gingoy Estrada,
16:17dating DPWH Secretary Manuel Bonoan, at tatlo pang dating opisyal ng DPWH.
16:22Para po ito sa mga reklamong inihain laban sa kanila sa Department of Justice.
16:26Saksi si Joseph Moro.
16:30Sa utas ng Manila RTC Branch 52, naglabas ng Precautionary Hold Departure Order
16:36laban kina Sen. Gingoy Estrada at apat na dating opisyal ng DPWH.
16:41Sinadating Secretary Manuel Bonoan, dating Undersecretary Roberto Bernardo,
16:45dating DPWH NCR Regional Director Gerard Opulencia,
16:49at dating DPWH Bulacan District Engineer Henry Alcantara.
16:53Para yan, sa reklamong plunder, paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act,
16:58at direct bribery and receiving gifts by public officers
17:01na nasa preliminary investigation stage sa DOJ.
17:05Sa dokumento mula sa korte, may probable cause anila para maniwalang posibleng umalis sa bansa
17:10ang mga respondent para hindi maaresto at hindi mausig.
17:14Note that this does not mean that the pending cases for plunder before the DOJ
17:18have already been resolved.
17:20Kaya po siya precautionary hold departure order.
17:23Ibig po sabihin yan na bago pa po ma-file formally yung kaso in court,
17:29nag-issue na yung judge or this branch of E2 RTC Manila of the order
17:35anticipating that the respondents in these plunder cases pending before the DOJ may evade arrest.
17:41Sinisika pa namin makuha ang reaksyon ng mga nasa HDO.
17:45Tatlo sa kanila ang state witness nasa investigasyon sa flood control project
17:49sina Bernardo, Opulensya at Alcantara.
17:52Si Bonoan naman naghahing kanina ng counter-affidavit para sa reklamong plunder
17:56bago lumabas ang precautionary HDO ng korte.
18:00Napaaga ang paghahing ni Bonoan kaya natanong siya ng media
18:03kung pupunta ba siyang Amerika kung saan nagpapagamot ang kanyang misis.
18:20Inaalam pa sa DOJ kung kumpirmado ang mga sinabi ni Bonoan.
18:25Kaugnay naman ang 96.5 million peso ghost flood control project sa Davao Occidental
18:30gusto ng DPWH na isama na rin sa kasuhan at makulong ang kontrakto na si Curly Diskaya.
18:37Naghahing ang manifestation ng DPWH sa ombudsman para investigahan na rin si Curly
18:42na nakaditin na ngayon sa Senado dahil sa ipinataon ng kontemplaban sa kanya.
18:46Mayro'y kami mga dinagdag na tao.
18:48Kinumpirma ito ng ombudsman na nagsabing nagsumite ang DPWH
18:52na mga sinumpaang salaysay o affidavit na magpapatunay na tulad ng asawa niyang si Sarah,
18:58beneficial owner o sa madaling sabi, may ari rin si Curly ng kumpanya.
19:02Nauna ng nakulong para sa kaparehong kaso si Sarah Diskaya at siyam na iba pa.
19:08Buti na lang po, merong mga tao ang magsasabi na from inside the company
19:13na itong mga tao na ito ay talagang ang beneficial owner
19:18at yung nagpapatakbo ng mga kumpanya na ito.
19:22Dadaan sa preliminary investigation ng ombudsman kung dapat alin bang kasuhan
19:27ang asawa ni Sarah Diskaya na si Pasifiko.
19:30Hinihingi namin ang panig ng kampo ng mga Diskaya
19:32pero tumangig magbigay ng pahayagang abugado nila.
19:35Para sa GMA Integrated News, ako si Joseph Morong, ang inyong saksi.
19:40Tumanggi pong maghain ng plea si dating Sen. Bong Revilla
19:44sa pagbasa ng sakdal sa kanya para sa kasong malversation.
19:47Kagnay po yan ang umano'y P92.8 million na ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
19:53At dahil dito, sundigan bayan ang naghain ng not guilty plea para sa kanya.
19:57Pinayagan naman ang korte si Revilla na maghain ng mosyon sa Office of the Ombudsman
20:01para muling imbesigahan ang kasong isinampal laban sa kanya.
20:05Inatasan ng ombudsman na resolbahin ang mosyon ng kampo ni Revilla
20:08sa loob ng 60 araw.
20:10At sa gitna ng kanyang arraignment,
20:12nag-thumbs up si Revilla ng tanongin ang kanyang kundisyon.
20:17Sabay ni Revilla na binasahan ng sakdalang dating opisyal
20:20ng DPWH, Bulacan 1st District na si Juanito Mendosa.
20:24Nag-hain naman siya ng not guilty plea.
20:30Nagsampan ng reklamong cyber libel si Michelle D.
20:32laban sa internet personality na si Sian Gaza
20:35at apat pang social media pages dahil saan niya ay fake news
20:38na ipinapakalat laban sa actress Beauty Queen.
20:41Ayon naman kay Gaza, ginagamit umano siya ni D. para malihis ang issue.
20:45Saksi si Oscar Oida.
20:51Naghahain sa NBI Cybercrime Division ang beauty queen actress na si Michelle D.
20:56ng reklamong cyber libel.
20:58Laban sa internet personality na si Sian Gaza
21:01at apat na iba pang social media pages.
21:04Aligasyon ni D.
21:06Nagpapakalat ang mga ito ng maling impormasyon at fake news
21:09laban sa kanya.
21:11Napakarami na po, halos araw-araw, may mga lumalabas na mga maling impormasyon
21:16tungkol po kay Michelle.
21:17In fact, meron pong isa pa doon na nasa ibang bansa daw siya at tumakas.
21:22So here, she's here.
21:23Kita niyo naman, never po siyang umalis ang bansa.
21:26Sabi ni D, batid niya na siya ay isang public figure.
21:30Pero ibang usapan na anya kung mali at nakakapanirang impormasyon na ang ipinapakalat.
21:36I've built my whole career out of blood, sweat, and tears.
21:40So, of course, to be the subject of scrutiny, it's not the first time, of course.
21:46Pero siyempre nakakasakit kasi sometimes people with scandals like this,
21:51they forget what you've done for your career and the hard work you've put.
21:57Everyone is open to their own opinions.
22:00I respect all opinions.
22:02I respect constructive criticism, but there is a line that is crossed in terms of defamation
22:08and intentionally trying to take your career out of your hands.
22:15Nang tanungin ng media kung kumusta na siya.
22:18Well, of course, I'm human. I've been better.
22:22Pero may tiwala naman po sa sistema natin.
22:25Tapos alam ko rin po, nalalabas na ng katotohanan.
22:27Do I feel worried? I know I'm on the right side of this.
22:30Sa kanyang social media post, sinabi ni Zian Gasa na damage control umano
22:36ang ginawa ni Di na paghahain ng libel case laban sa kanya
22:40para daw ma-diverd sa kanya ang issue at malayo sa issue nito sa nagre-reklamong driver.
22:47Dati nang itinanggi ni Di ang paratang ng driver.
22:51Para sa GM Integrated News, ako si Oscar Hoy ng inyong saksi.
22:57Nanawagan ang pamilya ni Mary Jane Veloso na mabigyan siya ng clemency ni Pangulong Bongbong Marcos.
23:02Kasama nilang nagtipon sa harap ng Department of Justice ang grupong migrante at mga taga-suporta.
23:07Ayon sa mga magulang ni Mary Jane, matagal nang naghirap sa kulungan sa Indonesia ang kanilang anak.
23:13At nakiusap din sila sa Pangulo na dalawin si Mary Jane para makita ang kanyang sitwasyon.
23:19Nitong Enero, gumawa rin ng open letter si Mary Jane para ipanawagan ang kanyang paglaya.
23:24Taong 2010, nang hatulan ng kamatayan si Mary Jane sa Indonesia dahil sa drug trafficking.
23:30Naibalik po siya sa bansa noong 2024.
23:35Tuloy po ang public consultation kagay ng Anti-Political Dynasty Bill.
23:40At kabilang sa mga natalakay, ang iba pang pwedeng sakupin ng panukala.
23:43Gaya na kung pwedeng tumakbo ng sabay ang magkasintahan pa lang o kaya mga miyembro ng LGBTQIA plus community na
23:51ikinasal sa ibang bansa.
23:53Saksi si Mav Gonzalez.
23:59Sa public consultation sa Marilao, Bulacan, para sa panukalang Anti-Political Dynasty Bill,
24:04nabanggit ni Bulacan Vice Governor Alex Castro na may mga usap-usapang tatakbo sa ilang posisyon
24:10ang may bahay niyang si Sunshine Garcia ng Sex Bomb Girls.
24:14Kahit naniniwalang kaya nitong manalo, tutol siya kung dalawa sila sa gobyerno.
24:18Alam niyo po, kung gusto mo ng pagbabago, simulan mo sa sarili mo.
24:22Kami pong pamilya, isa lang dapat ang nakaupo.
24:26Iyon nga po yung nilalabanan natin tapos tayo rin ang gagaya sa sistema.
24:32Pero di lang mga kasal ang napag-usapan.
24:35Natanong din, kung magkasintahan pa lang na tumatakbo sa politika sa iisang probinsya o lokalidad,
24:41sakot ba sila ng ipapasang Anti-Political Dynasty Bill?
24:44Paano naman kung miyembro ng LGBT plus na ikinasal abroad
24:48pero hindi naman kinikilala ng Pilipinas ang kasal nila?
24:51Kung jowa lang po sila, covert po ba yun?
24:55Or they have to have it or they have to live together before the law will apply to them.
25:01Kasi po dito, ano lang eh, all present themselves to the public as a couple.
25:07And the sariyan kay Marisa, dito po kasi the guidance of sexual orientation.
25:11Oo, bawal silang sabay tumakbo.
25:14Kung paano kala ni Sinadurisa Ontiveros ang maisa sa batas,
25:17anuman ang kasarian nila.
25:18Kahit hindi po sila kasal ng simbahan o civilly,
25:23basta meron silang iisang tahanan at pinakikilala ang sarili nila bilang isang couple.
25:31Kung magkakaanak naman ang babawalan,
25:33hanggang second degree of consanguinity o immediate family,
25:36tulad ng asawa, kapatid, magulang at anak ang gusto ng mayor ng Marilaw.
25:41Kasama rin dito ang maglolo at magpinsan at iba pa.
25:44Sometimes if you go further to fourth degree,
25:49inyisang pa yung pinsan mo, kaaway mo na.
25:51Yung more close ng pinsan mo,
25:53o yung parang mo, churihin mo,
25:56hindi mo na kagood.
25:57And they are as separate, kumbaga,
26:00dito po sa local, separate household na siya.
26:03At sabay na pagtakbo lang, ang gusto niyang ipagbawal.
26:06Huwag naman daw yung magkasunod na termino ng magkaanak.
26:09Para sa GMA Integrated News,
26:11ako si Mav Gonzalez, ang inyong saksi.
26:15May pakialam nga ba ang batas sa dinaramdam ng puso?
26:19Isang motion po ang inihain ng ilang law students sa Iloilo City para
26:26kanselahin ang kanilang pagsusulit.
26:29Isinulat po nila sa whiteboard ang mensahe para sa profesor na si Judge Daniel Amular.
26:34Ang basihan ng kanilang mosyon,
26:37Valentine's Day kasi,
26:38at nakuha ni Cupido ang exclusive jurisdiction sa lahat ng mga puso.
26:44Pero ang mosyon,
26:45denied.
26:46Kaya tuloy ang pagsusulit.
26:48At paalala pa rao ni Judge,
26:50hindi nakikialam ang batas sa usapin pagdating sa puso.
26:54Pero ayon sa uploader na si Catherine Cagampang,
26:58naging masaya pa rin ang klase sa Criminal Law 2
27:00dahil sa kwelang pangyayari
27:02at nagbigay pa rao si Judge
27:03ng pambili nila ng ice cream
27:05bilang regalo sa kanyang mga estudyante.
27:12Nilamong na apoy at maitim na usok ang mga bahay sa Isabella City sa Basilan.
27:16Kanya-kanya ang pagsalban ng mga gamit na mga naapekto ang residente.
27:20Ayon sa BFP,
27:21mabilis na kumala ng apoy sa mahigit isang dampahay
27:23dahil pawang gawa ang mga ito sa light materials.
27:27Inaalam pa ang sanhinang sunog
27:29at ang kabuang bilang ng mga apektad.
27:33Isang dambuhalang sinkhole ang patuloy na lumalaki
27:35sa gitna ng mga taniman sa Indonesia.
27:37Bunso daw yan ang mayat-mayang landslide at paggalaw ng lupa.
27:41Ayon sa maotoridad,
27:42ngayong taon lang,
27:43nasa tatlong hektaryang inilawak ng sinkhole
27:45kasama sa mga nasira ang mga taniman ng chili pepper.
27:49Ayon sa pagsusuri,
27:50posibleng malambot ang lupa sa ilalim
27:52at mabilis ang pagsip-sip nito ng tubig.
27:55Bumaas sa mga magsasaka na mabigyan sila ng tulog.
28:00Naisubasta sa halagang 21 milyon piso
28:02ang unang edisyong kopya ng El Filibusterismo ni Jose Rizal.
28:06Ang kopya ito ay may pirma at dedication ni Rizal
28:10para sa kanyang kaibigan.
28:12Ayon sa Leon Gallery,
28:14ito ang itinutuling na pinakamahal na librong
28:16na ibenta sa Pilipinas.
28:21Ilang oras bago ang pagsalubong sa Chinese New Year,
28:24dagsana sa Binondo, Maynila ang mga nakisaya,
28:28nakifoodrip at ang mga bumili ng lucky charms.
28:31Saksi si Aubrey Carampe.
28:36Ilang oras bago salubongin ang Chinese New Year,
28:40buhay na buhay ang Binondo,
28:41isa sa pinakamatandang Chinatown sa buong mundo.
28:47Hindi pa huhuli ang mga batang ito
28:49na may improvised lion dance.
28:52Para-paraan na rin daw para kumita.
28:54Ang ilan namang dumayo pa mula sa iba't ibang lugar,
28:58pakayang mag-food trip at bumili ng mga brutas
29:01at gamit na pinaniniwala ang pampaswerte.
29:05Hile-hile ra ang nagtitinda niyan sa Ongpin Street.
29:08Ang gagalatas, food trip,
29:11and then bibili kami ng pampaswerte.
29:14Saan niyo gustong swertein ngayong Year of the Horse?
29:18Siswertihin sa lahat ng bagay,
29:20sa health nga, importante yung health at pera.
29:23Good health ng family.
29:27At saan na makapunta na ako ng US?
29:31Ano ang mga natryan niyo?
29:32Prize, at yung sugarcane, yung mochi.
29:36Eto, blueberry, papaswerte.
29:38Para ma-experience din yung Chinese New Year.
29:40So obviously, part of that is yung tikoy.
29:44Mabenta rin daw ang horseshoe na sinasabing pampaswerte sa Year of the Fire Horse.
29:50Hanggang gabi ay dagsa pa rin ang tao,
29:53lalo na sa mga stalls sa Plaza Lorenzo Ruiz,
29:56sa tapat ng Binondo Church.
29:58Sari-sari ang mga pagkain, pati makukulay na inumin.
30:03Sa iba pang lugar, may mga pumipila pa rin para matikman ang dinayo nilang pagkain.
30:09Gaya nitong tindang fresh lumpia.
30:11Ang sarap pala na ito.
30:13Authentic yung flavor niya.
30:15Masarap talaga siya.
30:16Babalik at babalikan.
30:18Delicious talaga paggawang Chinese.
30:20Para sa GMA Integrated News,
30:22ako si Obri Carampel,
30:24ang inyong saksi.
30:27Mga kapusa, salamat po sa inyong pagsaksi.
30:29Ako po si Pia Arcangel,
30:31para sa mas malaki misyon at sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
30:35Mula sa GMA Integrated News,
30:37ang News Authority ng Pilipino.
30:39Hanggang bukas,
30:40sama-sama po tayong magiging saksi!
30:47Mga kapuso,
30:48maging una sa saksi.
30:50Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube
30:52para sa ibat-ibang balita.
Comments