- 2 hours ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
Narito ang mga balitang ating sinaksihan ngayong Miyerkules April 15, 2026.
- Sunog, sumiklab sa residential area sa Tondo
- SUV, pinagbabaril; 4 na sakay ng SUV, isinugod sa ospital
- Piston, nanawagang ibalik sa P55/L ang presyo ng petrolyo sa gitna ng protesta kontra mga OPH
- Alegasyong Marcos-Duterte term sharing agreement, itinanggi ng Malacañang
- Dating Ombudsman Samuel Martires, tumugon sa alegasyon ni Ramil Madriaga
- Pagtaas sa singil sa kuryente, posibleng maramdaman sa April billing
- "Super El Niño", posibleng maranasan sa huling bahagi ng 2026 ayon sa PAGASA
- Lalaki, hinampas ng baseball bat sa gitna ng away ng dalawang grupo
- Kuwelang moments ng mga hiker sa bundok
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- Sunog, sumiklab sa residential area sa Tondo
- SUV, pinagbabaril; 4 na sakay ng SUV, isinugod sa ospital
- Piston, nanawagang ibalik sa P55/L ang presyo ng petrolyo sa gitna ng protesta kontra mga OPH
- Alegasyong Marcos-Duterte term sharing agreement, itinanggi ng Malacañang
- Dating Ombudsman Samuel Martires, tumugon sa alegasyon ni Ramil Madriaga
- Pagtaas sa singil sa kuryente, posibleng maramdaman sa April billing
- "Super El Niño", posibleng maranasan sa huling bahagi ng 2026 ayon sa PAGASA
- Lalaki, hinampas ng baseball bat sa gitna ng away ng dalawang grupo
- Kuwelang moments ng mga hiker sa bundok
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:04We'll be right back to the next episode of Tondo, Maynila.
00:08We'll be right back to the next episode of Tondo, Maynila.
00:10We'll be right back to the next episode of Tondo, Maynila.
00:14Bago sa saksi, nagkasunog sa isang residential area sa Tondo, Maynila ngayong gabi.
00:19Mabilis kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay.
00:24Saksi lahat, si Jamie Santos.
00:30Pia, sumiklab ang sunog sa isang residential area dito nga sa Tondo, Maynila na mabilis lumakas at umabot sa third
00:37alarm.
00:42Romesponde ang mga bumbero sa sunog sa Sibili Extension Canto ng Perla sa barangay 121 bandang 743 ng gabi.
00:49Mula first alarm, agad itong itinaas sa second at kalaunan third alarm, makalipas lamang ang ilang minuto.
00:56Mabilis kasi nagkumalat ang apoy sa lugar na isang residential area.
01:00Kita sa kuang ito ng isang residente mula sa mataas na pwesto ang laki ng apoy at kapal ng usok
01:06na lumalamon sa mga bahay.
01:08Sa gitna ng kaguluhan, kanya-kanyang sagip ang mga residente ng kanilang mga maisasalbang gamit.
01:13Ang iba naman, pumesto na sa labasan para makalayo sa sunog. Dikit-dikit ang mga bahay sa lugar na karamihan
01:20ay gawa sa light materials.
01:21Kaya mabilis ding nilamon ng apoy ang mga ito.
01:24Todo pwersa ang mga bombero sa pag-apula ng sunog upang maiwasan ang mas malawak pang pinsala.
01:30Ang ibang residente, tumulong na sa mga bombero. Kanya-kanyang igib at salok ng tubig para maibuhos sa mga nasusunog
01:37na bahay.
01:38Kasi po, nahirapan din po sila pagkakit sa may bubongko.
01:40Mabilis po, alas ano lang. Minuto lang rin na ano. Siguro kung medyo umano pa yung ilang minuto pa, mawawas
01:49out yung isang block na ano.
01:55PN 949 ngayong gabi nang ireklara ng Bureau of Fire Protection na fire out na nga itong sunog. Patuli nilang
02:01inaalam ang sanhi nito.
02:03At live mula rito sa Maynila, ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
02:08Bago sa saksi, isang SUV ang pinagbabaril sa bahagi ng Makapagal Avenue sa Paranaque.
02:13At saksi live, si Jomer Apresto.
02:17Jomer?
02:18Tia-apat na katao ang pinagbabaril habang nasa loob ng isang SUV dito sa bahagi ng Makapagal Avenue sa Paranaque
02:24City.
02:25Sa inisyal na impormasyon ay binigay sa GMA News ni NCRPO Chief Police Major General Anthony Abirin,
02:30kinumpirma niya ng operasyon nito ng PNP Anti-Kidnapping Group laban sa mga hindi patukoy na sospek.
02:35Ayon sa mga saksi na ganap ang insidente kaninang pasado alas 7 ng gabi,
02:39apat na tao na lulan ng SUV ang tinamaan ng mga bala na agad namang isinugod sa ospital.
02:43Hindi pa malinaw sa ngayon ang kanilang pagkakakilanlan at ang kanilang kondisyon.
02:47Sa ngayon ay nakakondon pa ang apat na lane na bahagi ng Makapagal Avenue kung saan naganap ang insidente
02:52habang nagpapatuloy pa ang embesikasyon ng SOCO.
02:56Tiyapatuloy pa nating sinisikag na makakuha ng karagdagang impormasyon kawag na isa nangyari.
03:01Samantala, sa ngayon ay hindi bababa sa 20 slag ng bala ang nakita na rito sa crime scene.
03:05Nakausap natin kanina yung ilang gasoline boy dito sa katapat ng gasolinehan.
03:09Agad daw silang nagdapaan ng pati yung mga kumakain sa katabing restaurant sa pangambangtamaan sila ng mga bala.
03:15Sa ngayon ay wala pa namang impormasyon kung mayroong mga bystanders na tinamaan ng bala o nasugatan sa nangyari.
03:22Dahil matao itong lugar na ito, itong Makapagal Boulevard.
03:26Kaya naalampan natin sa ngayon yung karagdagang impormasyon mula sa PNP.
03:31Yan muna ang latest, ako po si Jomera Presto, ang inyo. Saksi.
03:35Nanawaga na ilang grupong lumahok sa protesta at tigilpasada ngayong araw na ibalik sa mahigit limampung piso kada litro ang
03:42presyo ng petrolyo.
03:44Sinimula naman ang gobyerno ang service contracting program para sa mga pampublikong sasakyan.
03:49Saksi, si Chino Gaston.
03:53Sa mga larawang ito, binuntun ng mga drivers sa Balate, Maynila ang kanilang inis sa sunod-sunod na oil price
04:00hike mula ng sumiklabaggyera sa gitnang silangan.
04:03Pinagtatapa ka nila ang mga larawan ni na US President Donald Trump, Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu at Pangulong Bongbong
04:11Marcos.
04:12Kasali ang mga driver sa malawakan protesta ng mga chuper ngayong araw, panawagan ng grupong piston.
04:18Kahit tanggalin mo yung 20 pesos, mananatili pa rin siya na 135 pesos per liter at halos 90 sa presyo
04:26ng gusalina.
04:27Kaya tingin natin ay hindi nararamdaman ng mga driver.
04:31Ipabasura itong older regulation law, pagtanggal ng 6 stocks at pagtanggal sa bat at kagayat na i-rollback sa 55
04:39pesos.
04:39Hindi na masada ang mga miyembro ng grupong Manibela mula alas 7 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.
04:45Hindi na po talaga namin kaya yung sobrang bulusok ng pagtaas po ng presyo ng petrolyo.
04:50Kahit anong gawin po namin na maghapon pa mamasada, makakawi na lang po kami sa aming pamilya ng 150 to
04:57200 pesos.
04:58Batay sa Mean of Plats, Singapore o MOPS, sa nakalipas na dalawang araw, bahagyan ang bumaba ang pandaigdigang presyo ng
05:06petrolyo.
05:07Yan ay kahit pabigo ang peace stock sa pagitan ng Amerika at Iran at kahit nagdeklara ng sariling naval blockade
05:13si Trump sa Strait of Hormuz.
05:15At kung magtuloy-tuloy ang pagmura ng langis sa MOPS, posibleng mag-rollback o kaya hindi gumalaw ang presyo ayon
05:22sa Department of Energy.
05:24Medyo steady pa siya. Hopefully they don't do anything very drastic or very violent.
05:29Kasi pag hinamaan yung isang barko doon, then the market also reacts. Umaakit yung presyo sa international market.
05:39Pero hinihintay pa rin ang Department of Energy ang presyo ng bentahan sa world market hanggang biyernes bago magbigay ng
05:46estimate para sa susunod na linggo.
05:48Kung ano ang kalalabasan na diferensya, halimbawa tumaas this week compared to last week ang averages ng 5 days ng
05:57mga trading, yun ang magiging adjustment natin for the incoming week.
06:03Simula na rin ang dalawang linggong service contracting sa mahiging 30,000 pampublikong sasakyan sa 40 ruta.
06:10Sa amin ang diesel, sa amin ang boundary. Kaya malaking tulog yung service contracting program na yan. Dahil kung sakaling
06:18ma-short man kami sa pan-diesel, meron kami may tatapal.
06:22Babayaran ng gobyerno ang bawat jeepney o UV express ng 30 hanggang 40 pesos sa bawat kilometrong biyahe nila. 82
06:31hanggang 100 pesos per kilometer naman sa bus.
06:34Pero ang jeepney driver na si Cleofas hindi kasama sa service contracting.
06:39Wala pa kasi naging po sa amin na may programa na gano'n ng gobyerno. Pero kung mayroon, terima willing
06:45kami sumama sa gano'ng mga programa ng gobyerno. Dahil siyempre extra income yan eh.
06:50Sabi ng LTFRB, bukas pa ang registration. Mag-log on lang sa kanilang website. Hindi na rin required ang GPS
06:57devices na dagdag pa sa gastusin ng mga driver.
07:01Sahalip, gagamit na lang ng QR code system ang LTFRB.
07:05For this program talaga to be successful, we need the help of LGUs. Anong ibig sabihin nito? Sana yung LGU
07:14natin may implement their own service contracting program.
07:17Kasi they know their routes more.
07:19Pampagulo lang at mag-aaway-away lang yung mga nakasama doon sa hindi nakasama doon sa service contracting program.
07:27Sa mga gumagamit naman ng LPG, sa biyernes, malalaman kung magkano ang rollback ayon kay Arnold T. ng LPG Marketers
07:34Association.
07:36May tiyak ng 3 pisong bawas presyo kada kilo ng LPG o 33 pesos rollback kada 11 kilogram na tangke
07:43dahil sa pagtanggal ng Pangulo sa excise tax sa LPG.
07:47Pero ang pinal na presyuhan ay depende sa presyo sa world market.
07:52May expect namin is downward. Pero ang exact price, hindi pa po namin nako-compute because kailangan po namin hintayin
07:59yung tatlong araw from the time na nagkaroon ng reduction ng diesel and gasoline.
08:03Ako si Chino Gaston, ang inyong saksi.
08:07Kapo ay tinanggi ng Malacanang at ang kampo ni Vice President Sara Duterte ang aligasyon ni Ramil Madriaga na may
08:13kasunduan umanong term sharing sa pagitan ng mga Marcos at Duterte.
08:18Minaliit din ang kampo ng Vice Presidente ang iba pang aligasyon ni Madriaga.
08:22Saksi si Ian Cruz.
08:27Hindi pinalampas ni Vice President Sara Duterte ang isang inilahad sa kamara kahapon na nagpakilala ang dating bagman umanong niyang
08:36si Ramil Madriaga.
08:38Tungkol ito sa umanoy na ikwento noon kay Madriaga ni Atty. Ryan Ray Kilala, ang dati raw Associate Dean ng
08:46San Sebastian College of Law na dati raw profesor ng BICE noong nag-aaral ito noon.
08:51He shared with me that Sara was not particularly good in school, was often struggling with her academics and habitually
09:00rude and violent to other students.
09:04Hence, Atty. Ryan used his influence in San Sebastian College of Law to ensure that Sara received passing grades despite
09:12her poor academic performance.
09:15Sabi ni Duterte sa isang pahayag, sa lahat ng anyay kasinungalingang ibinato ni Madriaga, ang pagsabing kinailangan niya ng tulong
09:24para makapasa sa law school, ang kanya raw pinaka-pinapalagan.
09:28Tinapos daw niya ang pag-aaral sa sarili niyang pagsisikap. Binigyan daw niyang prioridad ang anyay well-rounded life kesa
09:37academic excellence.
09:39Hindi raw siya humingi ng special accommodation sa sino mang profesor para sa kanyang grade dahil kaya naman daw makuha
09:47ang bare minimum nito.
09:49Hindi rin daw siya naging paksa ng anumang reklamo ng kabastusan o karasan laban sa ibang estudyante.
09:56Sinusubukan pa namin makuhang panig ni Atty. Kilala.
10:00Buelta rin ang vice, hindi mapapantay ni Madriaga at mga kasabot niya sa kamera ang kanyang kapasidad na makakuha ng
10:07resulta sa kaunting pagsisikap.
10:10Dahil hindi raw sila makahabi ng kapanipaniwalang kasinungalingan.
10:15Sabi pa niya, kung may aligasyon daw ng panunuhol noong unang impeachment proceedings, ganito rin daw ang nangyayari ngayon.
10:24Ang iba pang testimonya ni Madriaga, minaliit din ang kanyang abogado kabilangan tungkol sa pagdispose umano ng P125M na confidential
10:35funds sa loob lang ng 24 oras.
10:38Wala siyang posisyon para malaman kung anong ginawa dun sa confidential funds.
10:45Buti sana kung taga VPSPG siya na napagkatiwalaan na i-manage itong confidential funds or itong mga DepEd Security Officer
10:58or OVP Security Officer.
11:00Then pag may sinabi siya tungkol kung saan napunta yung pera, baka kapanipaniwala.
11:08Pero somebody like Ramil Madriaga na outsider, walang katibayan na nagtatrabaho siya kay DP Sara,
11:15maliban sa mga picture at video nung kampanya pa, wala po tayong mapupulot dyan.
11:24Pati na ang sinabi ni Madriaga na naroon siya ng pagpulungan ng umano'y planong pagpapatalasik kay Pangulong Marcos.
11:32Like itong mga term sharing agreement with BBM kuno, mga ouster plot, mga assassination plot.
11:39Pero alam naman namin na hindi totoo lahat yun eh.
11:42At yun nga, kaninang umaga si Sen. Ailey Marcos nagpa-prescon na
11:47at sinabi niya ng kasinungalingan lahat ng sinasabi ni Madriaga tungkol dun sa mga planong term sharing with BBM.
11:57Tingin ang kampo ng BBM, may motibo si Madriaga sa pagharap sa impeachment proceedings.
12:03Ang totoong motibo niya ay para makalabas ng kulungan.
12:08Kahapon ay natanong na rin tungkol dito si Madriaga na kanya namang itinanggi.
12:13Wala bang pangakong palayain ka sa kulungan kapalit ng pagtistigo na ginagawa mo ngayon?
12:20Hindi po kumihinang anumang kapalit sa paggawa ko ng salaysay ko.
12:27Pinabulaanan din ang Malacanang na may napagkasundo ang term sharing.
12:31Ang Pangulo po, hindi po yan mga ngampanya para lang po ibigay ang posisyon kahit kanino.
12:38Ang sabi ko po natin, nangako po siya na siya'y magtatrabaho para sa bayan at tatapusan ang termino.
12:46Did you get a reaction from him on that particular point?
12:49Siya po ay nagbulat.
12:52Hindi po ganda ng Pangulo.
12:54Sa bersyon ng kwento ni Senadora Amy Marcos,
12:58Mayo 2021 pa lang ay nag-uusap na silang tatlo at hinutulak daw nila noon na si VP Sara ang
13:06tumakpong presidente.
13:07He will file October 6 as instructed pero sana somebody will file as his VP
13:14kasi nakakatawa naman walang katandem and he will slide down to VP ASAP.
13:19Ang sagot naman ni VP tulad ng sinabi niya sa media,
13:24Naku, ang usapan namin ni PRRD, VP na siya sa PDP.
13:30Ako, mayor na.
13:32November 12, ang liwanag naman ng statement ng aking kapatid.
13:38No to possible term sharing.
13:40Bakit magte term sharing?
13:42Pinipilit nga namin na yung buong term.
13:45Ang pagiging Pangulo e para keinday.
13:48Makikihati pa siya.
13:50Wala rin daw alam si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa usapang ito.
13:54Lalo't may sariling kandidato ang PDP laban.
13:57Bongbong, Pangulong Marcos,
14:00alam mo ang katotohanan.
14:03Andong ka.
14:04Magkasama tayo.
14:05Kung hindi mo ito ipinag-uutos,
14:10walang dahilan para hindi mo itama ang kasinungalingan na ito.
14:14Huwag mong konsintihin ang mga politikong ginagamit ang sinungaling na si Madriaga.
14:22Ano po ba ang kaalaman ni Sen. Amy Marcos sa katotohanan?
14:27Hindi po ba dapat lumabas talaga ang katotohanan
14:29at madilig natin kung anong dapat sabihin ng sino mang witness?
14:32So wala makakapaghusga ngayon ang kung anong katotohanan at kung anong sinungalingan.
14:37Ayon din sa palasyo,
14:38hindi na bago ang sinabi ni Madriaga
14:40na may banta sa buhay ng Pangulo
14:42o pagsabotahe sa kanyang administrasyon.
14:47Ipinauubayan na raw nila ito sa MBI.
14:49Ang mga reaksyon ng vice,
14:51inaasahan na raw ni House Committee on Justice Chairperson Jerville Luistro.
14:57Pero magpapatuloy raw ang kanilang proseso
14:59alinsunod sa mandatong ibinigay sa kanila ng konstitusyon.
15:03Sabi ni House Justice Committee Member Terry Redon,
15:07mas mainam kung sa impeachment proceedings
15:09mangitin ng vice ang mga pahayag nito
15:12imbis na sa press statement o press con
15:14ng kanyang mga abugado.
15:16Isa pa lang sa mga ipinunto sa impeachment complaint
15:19laban sa vice,
15:20ang natalakay ng komite kahapon.
15:23Ito ang maling paggamit umunan ng vice
15:25ng confidential funds
15:26ng Office of the Vice President
15:29at ng Department of Education noong kalihim siya nito.
15:32Pero ngayon pa lang,
15:34nakikita na raw ng ilang miyembro ng komite
15:36na mayroong probable cause
15:38para iakyat sa Senado
15:40ang reklamo para sa paglilitis.
15:43Nakakombinsi raw sa kanila
15:44ang sinabi ng Commission on Audit
15:46na pinal na ang notice of disallowance
15:48sa 73 million pesos
15:50na confidential funds
15:52ng Office of the Vice President
15:54na ginastos noong 2022.
15:57Pinasasauli ng COA
15:58sa OVP ang pera
16:00dahil biguro itong sumunod sa Joint Circular Guidelines
16:03patungkol sa paggamit ng intelligence
16:05at confidential funds ng pamahalaan.
16:08Wala sa pagdinig kahapon si Duterte
16:10dahil pinili niyang huwag dumalo.
16:12Sabi ni Luis Ro,
16:14kung hindi mapasisinungalingan ng vice
16:16ang mga sinabi ng mga testigo.
16:17Considering that it is only probable cause
16:21that is being required of the Justice Committee
16:24to be able to transmit this to the plenary
16:28and from plenary to the Senate,
16:32kung hindi ito mariribat,
16:34kung hindi ito maka-counter,
16:37there is really a possibility
16:39that this testimony of matriaga
16:43will suffice the requirement of probable cause.
16:46Ako si Ian Cruz,
16:48ang inyong saksi.
16:52Tumugon din si dating Ombudsman Samuel Martires
16:54sa aligasyon ni Ramil Madriaga.
16:56Ang sabi ni Madriaga kahapon,
16:58dati na siyang nag-deliver umano ng pera
16:59kay Martires sa utos umano
17:01ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
17:03o di kaya ni Vice President Sara Duterte.
17:07Ang tanong ni Martires
17:08sa isang payag,
17:09kung totoo ang palagay ng publiko
17:10na malapit siya sa dating Pangulo,
17:12e bakit kailangan pang iutos
17:14saan niya ay non-entity
17:15ang pagbibigay sa kanya ng pera,
17:17gayong pwede naman siyang ipatawag
17:18mismo ng dating Pangulo.
17:20Ayon kay Martires,
17:22walang dahilan para padalahan siya ng pera
17:24ni Vice President Duterte
17:25dahil hindi naman sila personal
17:27na magkakilala.
17:30Pagtaas sa singil sa kuryente,
17:32posibleng maramdaman ng mga consumer
17:34sa April billing.
17:35Ayon kay National Grid Corporation
17:37of the Philippine Spokesperson
17:39Attorney Cynthia Alabanza,
17:41tumaas ng 0.0716 per kilowatt hour
17:44o katumbas ng 4.26%
17:47ang overall transmission rate
17:49para sa March billing.
17:51Pinakamalaking factor daw sa pagtaas
17:54ang mataas na bayad
17:56sa ancillary services.
17:58Ito ang kuryenteng ginagamit
17:59upang mabalansi ang transmission grid
18:01sa mga panoong may pagbabago
18:03sa supply at demand.
18:05Nilinaw naman ni Attorney Alabanza
18:07na wala o manong direktang epekto
18:09sa singil sa kuryente ng bansa
18:11ang nangyayaring gulo sa gitnang silangan.
18:15Pagbibitiw ni Eduardo Año
18:17bilang National Security Advisor,
18:19tinanggap na ni Pangulong Bongbong Marcos.
18:21Sa isang payag,
18:22sinabi ni Año
18:23na kailangan ng pagtuunan
18:25ng pansin ang kanyang kalusugan
18:27kaya siya nagbitiw.
18:28Epektibo ang kanyang resignation
18:30bukas, April 16.
18:32Nakatakda siyang palitan
18:33ni dating Armed Forces
18:35of the Philippines Chief of Staff
18:36Eduardo Oban Jr.
18:39Mga maestrado
18:40ng Sandigan Bayan 3 Division,
18:42nag-ocular inspection sa lugar
18:44kung saan dapat may flood control project
18:46sa barangay Bonsuran,
18:48Pandi, Bulacan.
18:50Ang proyekto ang sentro
18:51ng P92.8 million malversation case
18:55laban kay dating Sen. Bong Rebilla
18:57at mga dating opisyal
18:59ng DPWH Bulacan 1st District Engineering Office.
19:03Gustong malaman ni na Associate Justices
19:05Carl Miranda, Ronald Moreno
19:07at Lord Villanueva
19:09kung ano ang aktual na nagawa
19:11ng Sims Construction Trading
19:12na kontraktor ng proyekto.
19:15Napansin ng mga maestrado
19:16na hindi kumpleto
19:17o wala talagang nagawang struktura
19:20sa kanilang inspeksyon.
19:22We have not seen any structure.
19:25Are you willing to stipulate?
19:26Pero pagkontra ng isa
19:28sa mga abugado ng depensa
19:30may mga sheet pile
19:31na nakabaon
19:32kaya hindi nakikita
19:34batay sa detailed engineering design.
19:37Nang puntahan at tabasin
19:38ang talahib
19:39may nakitang tatlong set
19:41ng sheet pile
19:42na kinakalawang.
19:43Ayon sa prosecution panel
19:45bahas sa itsura
19:46ay tila matagal na itong nailagay.
19:49Kaya Ghost Project Anila ito
19:52na niwalang revetment
19:53o containment wall
19:55kahit 95% paid na
19:57ng gobyerno.
19:59Ako si Oscar Oydang inyong
20:01Saksi!
20:03Nagbabala po ang pag-asa
20:04na posibleng maranasan
20:05ang tinatawag na
20:06Super El Niño.
20:07Posibleng mangyari yan
20:08sa huling bahagi ng 2026.
20:11Saksi, si Marie Zumali.
20:16Ika nga nila
20:17ang magtanim ay di biro.
20:19Pero ang hirap ng mga magsasaka,
20:21mas pinatindi pa
20:22ng labis na init
20:23ng panahon.
20:24Kaya ang mga magsasaka
20:25sa Lawag City,
20:26Ilocos Norte,
20:27kanya-kanyang diskarte.
20:28Tulad ni Mang Emerson,
20:30mas maaga raw
20:31nagsisimulang
20:31magsaka ngayon.
20:33Magbabaw kami ng tubig
20:35at saka sumbrero
20:36parang hindi kami mainditan
20:38at saka
20:41magpapahinga namin.
20:42Di rin ligtas sa init
20:44ng araw
20:45ang mga alagang hayop
20:46sa buki tulad ang baka.
20:47Para di magkasakit palagi
20:49silang isinisilong,
20:50pinaliliguan
20:51at binibigyan
20:52ng tubig at vitamina.
20:54Sa kasiguran Aurora,
20:56may at mayaring
20:56pinaliliguan
20:57ng mga kalabaw
20:58na katuwang
20:59ng mga magsasaka
21:00sa hanap buhay.
21:01Kasi mainit ang panahon eh.
21:03Nairapan din
21:04kalabaw
21:04mga ilan ang pala.
21:07Ang ilang pananim na gulay
21:08natuyot
21:09at nabulok na lang
21:10sa tindi ng init.
21:11Apektado tuloy
21:12ang kita ng mga magsasaka.
21:14Ang bintan dito
21:15ay 60-70 pongkan,
21:174 kilo ng talong.
21:19Ngayon dahil?
21:19Ngayon na, 20-25 na lang.
21:22Ngayon wala,
21:22napangit na sila.
21:24Ang pinakanawan river
21:25sa Kabagan, Isabela,
21:26halos di na umaagos
21:28dahil natuyuan na ng tubig.
21:30Kanina naramdaman
21:31ang danger level
21:32na heat index
21:33o damang init
21:34sa Dagupan City,
21:35Pangasinan
21:36at Pilica Marina Sur.
21:37Posible namang maranasan bukas
21:39ang hanggang 41 degrees Celsius
21:41na heat index
21:42sa Dagupan
21:42at
21:43Cotabato City.
21:45Ayon sa pag-asa,
21:46may mga semiales
21:47na posibleng makaranas
21:48ng El Niño sa bansa
21:49na maaari
21:50anilang umabot
21:51sa Super El Niño
21:52sa huling bahagi ng 2026.
21:54Hindi natin
21:56kinakaila
21:57na posibleng nga siya
21:58maging
21:58super strong
22:00or very strong
22:01El Niño
22:01na more than 2 degrees.
22:03Pero ang nakikita
22:04kasi natin ngayon,
22:05hindi pa lahat
22:06ng models
22:07nag-a-agree
22:08doon.
22:09Kasunod naman
22:10ang habagat,
22:11posibleng makaranas
22:12ng mas mahabang tagtuyot
22:13hanggang sa unang bahagi
22:15ng susunod na taon.
22:16Kaya binabantayan din
22:17ang epekto nito
22:18sa supply ng tubig.
22:19As of 8 a.m.
22:21ngayon pong April 15
22:22nasa 191.35 meters
22:25above sea level
22:26ang antas po
22:28ng tubig dito
22:28sa Anggat Dam.
22:30Bagamat malayo pa naman siya
22:31sa minimum operating level
22:33na 180 meters
22:35mas mababa na siya
22:36sa normal high level
22:38na 212 meters
22:39at patuloy na raw po siyang bumababa
22:42mula Pebrero.
22:44Katunayan
22:44nasa isang metro raw
22:46ang average
22:46na ibinababa
22:47ng level ng tubig
22:48dito sa Anggat.
22:49kada tatlong araw
22:50dahil walang ulan.
22:52Mas mababa rin
22:53kaysa sa normal
22:54ng antas ng tubig
22:55sa iba pang pangunahing
22:56dam sa Luzon.
22:57Pero paglilinaw
22:58ng pag-asa,
22:59bahagi ito ng normal
23:00na siklo ngayong taon
23:01at sapat pa
23:02ang supply ng tubig
23:03para sa pangangailangan
23:04sa ngayon.
23:06Pero kung magpapatuloy
23:07ang pagbaba ng
23:07antas ng tubig,
23:08posibleng magkaroon
23:09ng rotational water
23:10interruptions
23:11at kailangan
23:12magbawas ng alokasyon
23:13ayon sa National Water
23:14Resources Board.
23:15Ayong possibility po
23:16nung magkaroon
23:17ng mga rotational
23:18interruptions
23:19baka po
23:20magiging epekto niyan
23:21at sabi nga natin
23:23kung aside dun
23:25sa pagbabawas
23:26ng pressure
23:26sa mga kabayahan po
23:27natin,
23:28isang senaryo po
23:29pag nabawas talaga
23:30ng patuloy,
23:31pagbawas ng alokasyon
23:32ay baka magkaroon po
23:33ng mga rotational
23:35interruptions.
24:04Panawagan ng NWRB
24:06ang magkapatid
24:07na biktima.
24:08Sa inisyon na
24:09embesikasyon,
24:09may di pagkakaintindihan
24:10ang dalawang grupo
24:11kaya nauwi sa gulo.
24:18Literal na organic encounter
24:19ang naranasan
24:20ng isang hiker
24:21sa Nueva Vizcaya
24:22dahil ang nakasalubong niya
24:24baka.
24:26Sa Sultan Kudarat
24:27naman, good vibes
24:27ang hati ng hiker
24:28na dalawang beses
24:29dumaos-dos
24:30pero bumangon pa rin.
24:32Ating saksihan!
24:39Ain't no mountain
24:40high enough
24:41para sa mga
24:43mahilig mag-hike.
24:47Pero nang umakyat sa bundok
24:49sina Ken Mifanya
24:50at mga kaibigan,
24:52muntik pa nga
24:53ni maging kwento.
24:55So, for today's video,
24:56guys,
24:56nung adlok,
24:57sinapapatay, guys?
24:58Sa tarik kasi
24:59ng Mount Dorado
25:01sa Bagumbayan,
25:02Sultan Kudarat
25:03ang hiking
25:04tila naging
25:06sliding.
25:11Haya na nga't
25:12dumaos-dos na si Ken
25:14pero nang makabangon
25:16sa pagkakadapa.
25:19So, guys,
25:20no advice po talaga
25:21na mag-ingat po talaga.
25:24Nasipa naman siya
25:25pababa
25:26ng madulas
25:27ang kanyang kapatid.
25:29Biro tuloy
25:31ng netizens.
25:32Tama namang
25:33mag-ingat,
25:34mag-ingat
25:35sa kasama.
25:38Ang epic fail
25:39moment,
25:39nakunan din mula
25:40sa malayo
25:41ng isa nilang kaibigan.
25:43Pak-pak-pak.
25:44Pak-pak-pak.
25:46Pak-pak-pak.
25:46Pak-pak-pak.
25:47Pak-pak.
25:48Pak-pak-pak.
25:50Anila,
25:51sadyang madulas ang daan.
25:53Kaya ang iba,
25:54partner-partner
25:55kung bumaba.
25:56Pag-pap.
25:58Pak-pap.
26:11Pak-pap.
26:13Sa Kayapa at Nueva Vizcaya.
26:15Organic talaga dahil nakasalubong at bumangga sa kanya ang isang baka.
26:22Good morning, Paul.
26:24Wento ng pinsan niyang si Janine.
26:27Mabuti na lang at hindi raw sila nahulog sa bangin.
26:30At hindi na rin sila binilikan ng baka.
26:35Mapapahirit ka na lang ng muuu.
26:37As in, muntik na yun ah.
26:41Ako si Oscar Oydang inyong Saksi.
26:48Salamat sa inyong pagsaksi.
26:50Ako po si Pia Arcangel.
26:51Ito po ang GMA News.
26:53Walang kinikilingan.
26:54Walang pinaprotektahan.
26:56Noon at ngayon, serbisyong totoo.
26:59Hanggang bukas, sama-sama po tayong magiging Saksi!
27:11Adkena na rin sila.
27:11Dibatay na rin sila bin na rin sila bin ila in sila bin in sila.
27:11Mergil baih 2021.
Comments