Skip to playerSkip to main content
  • 10 hours ago
Pinabilis at pinagaan na kalakalan ng mga lokal na produkto sa Southeast Asia, target ng ASEAN; mga shoe maker sa Marikina, nais din na ma-export ang kanilang mga produkto | ulat ni Sheila Natividad

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinututukan sa ASEAN Finance Ministers and Central Bank Governors Meeting
00:05ang lalo pang pagpapabilis sa lahat ng proseso
00:08para sa pagdadala at pagbebenta ng mga produkto ng mga maliliit na negosyo
00:13patungong ibang bansa.
00:15Si Sheila Natividad sa Sentro ng Balita.
00:20Kilala bilang Shoe Capital of the Philippines ang Marikina.
00:23Kung magagawi ka nga lang sa lugar na ito,
00:26hindi mo na kailangang maghanap pa kung saan ka bibili.
00:29Sapatos dito, sapatos doon.
00:31Halos sa bawat sulok e may makikita ka.
00:34Pero sa likod ng bawat pares ng sapatos,
00:37may mga kwento ng pagsusumikap.
00:39Tulad na lang ng kay Tatay Joel.
00:42Sinkintab kasi ng kanyang mga gawa
00:44ang halos tatlong dekada niyang inilaan sa industriyang ito.
00:47Yung bata pa ako, yung sa tatay ko,
00:51yung gumugulong na kami sa balat talaga noon.
00:54Kami talaga may gawaan na talaga ng sapat sa Marikina.
00:57Diyan sa Idalapas.
01:00Inspirasyon niya ang kanyang ama sa pagtatayo ng sarili niyang negosyo.
01:03Ngayon, hindi lang siya ang nagpapatuloy ng tradisyon,
01:06kundi pati ang kanyang mga anak.
01:09Kasama rin niya ang ilang empleyado na patuloy na binubuhay
01:12ang industriya ng sapatos sa Marikina.
01:15Pero sa kabila ng dekada ng karanasan,
01:18isang hamon pa rin para sa kanila
01:20ang direktang pag-export ng kanilang mga produkto sa ibang bansa.
01:23Kung papalaran po kami doon,
01:27maganda po yun kung may export talaga.
01:32Meron kaming magiging export.
01:35Sa ngayon kasi,
01:36ang mga customer pa lang nila
01:38ang nakapagdadala ng kanilang produkto sa ibang bansa
01:40na ipinapasalubong sa mga kaibigan
01:43o di naman kaya ay kakilala.
01:45Aminado si Joel na kung sila mismo ang mag-export,
01:48kakailanganin nila ng mas maraming tauhan
01:51at mas masusing proseso sa mga dokumento at bayarin.
01:55Kaya naman,
01:57isa ito sa mga isyong tinututukan
01:58sa ASEAN Finance Ministers and Central Bank Governors Meeting.
02:02Layunin ang mga bansa sa ASEAN
02:04na pagaanin ang kalakalan sa rehyon
02:06sa pamamagitan ng pagpapabilis ng proseso sa customs,
02:10pagsasayos ng mga buwis o taripa,
02:12at pagpapatibay ng supply chains
02:14sa gitna ng mga pandaigdigang hamon,
02:16particular ang tensyon sa gitnang silangan.
02:19Kapag naipatupad ang mga ito,
02:22mas mapapadali na ang paglabas
02:24ng mga produkto ng maliliit na negosyo
02:26at mababawasan ang gastos at abalas sa pag-export.
02:30Kabilang din sa mga inisyatiba
02:32ang pagpapalawak ng digital payment linkages
02:34at paggamit ng modernong paraan ng pagnanegosyo,
02:38tulad ng QR payments at online selling.
02:41Layun din itong palakasi ng kaalaman ng mga negosyante
02:44pagdating sa digital financial literacy
02:46at proteksyon laban sa panluloko.
02:49At para sa pamilya ni Joel,
02:51hindi lang ito usapin ng negosyo,
02:53kundi ng pagpapatuloy ng isang pamana.
02:56Kapag mas pinadali ang kalakalan sa ASEAN,
02:59hindi lang malalaking kumpanya ang makikinabang,
03:01kundi pati maliliit na negosyong tulad ng kay Joel
03:04na umaasang makatawid ang kanilang mga produkto
03:07sa ibang bansa.
03:08Mula Marikina hanggang sa mas malawak na merkado ng ASEAN,
03:13posibli nang maabot ang pangarap
03:15kung saan may patutunguhan na ang kanilang finished product.
03:20Shilan Natividad
03:21para sa Pambansang TV
03:23sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended