Skip to playerSkip to main content
Maaaring epekto ng kaguluhan sa #MiddleEast sa presyo ng agricultural products, pinaghahandaan ng D.A. | ulat ni Gab Villegas

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nakahanda na ang P100M fuel subsidy para sa posibleng epekto sa presyo ng produktong agrikultura ng tensyon sa gitnang silangan.
00:08Si Gab Villegas sa report.
00:13Naghahanda na ang Department of Agriculture sa posibleng epekto ng mga kaguluhan sa Middle East sa presyo ng mga agricultural
00:20products sa bansa.
00:21Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, kilang dito ay ang pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo na
00:27ginagamit sa mga makinarya na ginagamit ng mga magsasaka at mangingisda.
00:31Mayroong nakalaan na P100M fuel subsidy ang DA para sa mga magsasaka at mangingisda na hindi nagamit noong nakaraan taon.
00:39Nakapaloob naman sa Memorandum Circular No. 35 at Memorandum Circular No. 42 na inilabas noong nakaraan taon ang mga panuntunan
00:48sa pamamahagi ng fuel subsidy sa mga magsasaka at mangingisda.
00:51Sa ilalim ng programa, dapat nakalista ang pangalan ng benepisyaryong magsasaka at mangingisda sa Registry System for Basic Sector in
00:59Agriculture o RSBSA.
01:01At dapat ay meron silang makinarya na kanilang nirenta para sa mga magsasaka o may bangka na hindi hihigit sa
01:083 gross tonnage.
01:09At ang kanilang mga ginagamit na fishing gear ay alinsunod sa Philippine Fisheries Code of 1998 para sa mga mangingisda.
01:16Ang mga magsasaka ay maaaring makatanggap ng 5,000 piso habang 3,000 piso naman ang pwede matanggap ng mga
01:23mangingisda.
01:23Pag naubos itong 100 million, yung 50 million para sa farmers and 50 million para sa fishers,
01:30meron pang 50 million na pwede pa kaming ma-access, tag 25 million uli yung mga farmers and fishers natin.
01:39Prioridad na mabigyan ng subsidiya ang mga magsasaka at mangingisda na hindi pa nakakatanggap.
01:45Magbibigay naman ang DA ng fuel voucher sa mga magsasaka at mangingisda na nasa malalayong lugar.
01:50Hindi maaaring magamit ang nasabing fuel voucher sa ibang gastusin tulad ng grocery.
01:55Inaasahang aabot sa halos 10,000 magsasaka at halos 16,000 mangingisda ang makatatanggap ng nasabing subsidiya.
02:03Isa pang pinagahandaan ng DA ay ang pagsipa naman ang presyo ng urea na ginagamit na pataba sa mga pananim.
02:09Bumabot sa 3,000 piso ang naging presyo ng urea noong sumiklab ang kaguluan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
02:15Dahil sa pagtaas ng presyo ng urea, nagbawas ang mga magsasaka ng paggamit ito, dahilan para bumaba ang kanilang produksyon.
02:23Karamihan ang supply ng urea na inaangkat ay galing sa China at Indonesia at maliit lamang ang porsyento na nanggagaling
02:30sa Middle East.
02:30Samantala, wala pang nakikita ang kagawaran na epekto sa presyo ng mga agricultural products ng harvest season ang nangyayaring gulo
02:38sa Middle East.
02:39Pag March-April, karamihan ng ating consumption manggagaling sa local production natin and it will last until yung susunod na
02:50lean months ng August to September.
02:52Ngayon taon, aabot na sa higit 700,000 tonelada ng important na bigas ang dumating sa bansa.
02:58Gab Humilde Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended