00:02Isang malaking milestone para sa local manufacturing industry ang binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:09na state-of-the-art facility ng Novali Steel Processing Center Incorporated o NSPCI sa Binian City, Laguna.
00:16Sa kanyang tour sa Laguna Technopark Incorporated Annex, personal na ininspeksyon ng Pangulo ang tech upgrade ng kumpanya,
00:23gaya ng robotic welding at laser cutting units.
00:26Pag mamalaki niya, ang NSPCI ang pinaka-advance pagdating sa robotics manufacturing sa buong Pilipinas ngayon.
01:00Ito na yung AI para tingnan talaga yung AI.
01:03At kahit sa mga bukid, makikita na natin na may AI na.
01:08But that is the only way so that we can keep up in terms of competition with the rest of
01:14the world.
01:14So this is a very, very important step that we have taken in terms not only of the advancement of
01:23the technology, manufacturing technologies,
01:25but also in the coordination and synchronization between government and the private sector.
01:34Ibinida rin niya ang world-class quality ng kanilang mga produkto kung kaya't kwalifikado rin umano itong maging supplier
01:40ng mga kilalang global brands ng sasakyan at iba pang machineries sa buong mundo.
01:45Strategic din ang naging tulong ng Department of Science and Technology o DOST
01:50sa pamamagitan ng P3M funding mula sa Small Enterprise Technology Upgrading Program o Setup 4.0.
01:57Ginamit ng NSPCI ang pondo para maglagay ng dalawang advanced arc welding robots sa kanilang production line
02:04para maging fully automated at i-align ito sa smart manufacturing.
02:09Hinangaan din ng Pangulo ang matibay na ugnayan ng DOST at private sector na naging tulay
02:14para maiangat ang produksyon ng lokal na industriya.
02:18The value added stays here. The supply chain is in the Philippines.
02:22The supply chain is also being encouraged here in the Philippines
02:25because not only do they provide products that satisfy one part of the supply chain,
02:33they are also promoting and helping DOST also promoting all of the players along that supply chain.
02:40Giit pa niya, game changer ang paggamit ng robotics para mapalakas ang supply chain ng bansa,
02:46makapagbukas ng mas maraming trabaho at maitaas ang local production capacity.
02:51Inilarawan pa ni Pangulong Marcos Jr. na impressive ang mga technological advancements na ito
02:57na laluan niyang maglalagay sa Pilipinas sa global manufacturing scene.
03:02Sa pamamagitan din ng Setup 4.0, tuloy-tuloy ang DOST sa pag-agapay sa mga local MSMEs
03:09para makatugon sa Industry 4.0 standards.
03:11Ang Industry 4.0 ay tumutukoy sa makabagong trend ng automation, data exchange at cyber-physical systems
03:20sa larangan ng manufacturing.
03:22At under standard setup rules, accessible para sa MSMEs
03:26ang hanggang 5 million pesos innovation fund na zero interest
03:30at pwedeng bayaran sa loob ng tatlo hanggang limang taon.
03:34Elijah Canlas, para sa bayan!