00:00Sinaksihan mismo ni Pangulong Ferdinandar Marcos Jr.
00:04ang panunumpa ng halos 3,000 gurong nabigyan ng promotion.
00:08Nabigyan ng progreso ang karera ng mga guru.
00:11Nagkaroon din ng dagdag na allowance at konkretong pinansyal na beneficyo
00:16para magpabuti ang kanilang kabuhayan at bilang pagkilala sa kanilang servisyo.
00:21Yan ang ulatigab Villegas.
00:23Nanumpa ngayong araw ang nasa 2,000 mga public school teachers at school leaders
00:31mula sa National Capital Region sa kanilang mga bagong pwesto.
00:35Sinaksihan ito ni Pangulong Ferdinandar Marcos Jr.
00:38na pinangunahan ni Education Secretary Sani Angara ang seremonya.
00:42Ang mga guru ay nanumpa para sa kanilang posisyon bilang mga teacher 3 hanggang 7,
00:47master teacher 2 hanggang 5, at principal 2 hanggang 4.
00:52Sa kanyang talumpati, kinilala ng Pangulo ang matinding sakripisyo na ginagawa ng mga guru para sa bansa.
00:58Hindi lamang anya sa loob ng silid-aralan natatapos ang kanilang mga ginagawang tungkulin.
01:04Kung minsan, pag-uwi ninyo sa gabi,
01:07imbis na magpahinga, nakatutok pa kayo sa paggawa ng lesson plan,
01:11pag-check na mga papel at saka mga assignment.
01:14Kayo rin ang tumatayong pangalawang magulang para sa ating mga estudyante at gumagabay sa ating mga kabataan.
01:23At kapag kailangan ng bayang,
01:25kayo ang nagbabantay si presinto pa tuwing eleksyon
01:29at pag nagpupunta sa bawat bahay para sa mga census activities.
01:34And for that, this nation is grateful to you all.
01:45Naniniwala rin ang Pangulo na ang laban para sa pagkakaroon ng mas magandang pamamahala
01:50ay nagsisimula sa magandang edukasyon.
01:53Hindi lamang ito mariremedyohan ng mga batas at mga pulisiya
01:56ang paglutas sa mga problema ng bansa.
01:59Bagkos ito ay mga ngailangan ng disiplina, katapatan at pagmamalasakit.
02:04Sa bawat batang natuto ng tama at mali,
02:08sa bawat kaalaman na naibabahagi dito,
02:11dito nagsisimula ang pagbabago.
02:14At kayo, ang ating mga guru, ang humuhubog nito.
02:18While the family is our first school,
02:22the classroom is where the values are put into practice in a larger context.
02:27Ngayon taon, aabot sa 1.34 trillion pesos ang budget ng Department of Education ngayon taon
02:34o katumbas ng 4% ng Gross Domestic Product o GDP ng bansa.
02:40Mas mataas kumpara sa iba pang mga bansa na nagnanais ring pagandahin ang kanilang education system.
02:46Tiniyak rin ang administrasyon na ang Service Recognition Incentive
02:50para sa mga guru at non-teaching staff noong nakaraang taon ay maibibigay
02:55kung saan naglaan ang pamahalaan ng karagdagang 7 bilyong piso.
02:58Para masigurong lahat ng eligible na mga guru ay buong matatanggap ang benepisyo,
03:03narilis na rin ang 10,000 piso na teaching allowance para sa school year 2025-2026.
03:09Inilabas na rin ang guidelines para sa pag-release ng 7,000 piso na medical allowance noong 2025.
03:16Patuloy rin ang paglikha ng mga bagong teaching positions at pagbawas sa paperwork ng mga guru
03:22upang mapagtuunan nila ang pagtuturo.
03:24Nais ng administrasyon na wala na rin guru ang magre-retiro na nananatiling teacher 1 ang pwesto.
03:31Palalawakin rin ang administrasyon ang career path ng mga guru.
03:34Sa kabuuan, aabot sa 2,186 na mga guru at principal ang napromote sa pamamagitan ng natural vacancies
03:42habang 729 naman ang napromote sa pamamagitan ng Expanded Career Progression o ECP Reclassification.
03:50Isinagawa ang promotion ng mga guru sa pamamagitan ng fast track process
03:54na pinagsama ang appointments mula sa natural vacancies at position reclassification
04:00sa ilalim ng Expanded Career Progression o ECP Framework.
04:04Dahil dito, pasaya si Teacher Ami na napromote siya mula sa pagiging Teacher 3 patungon Teacher 6.
04:10Nag-try lang ko ako magpasa ng mga forms, ng mga requirements, and na-approve ko ako na Teacher 6.
04:18Para kay Education Secretary Sani Angara, ang nasabing promotion ay pagtalima sa kagustuhan ng administrasyon
04:25na pabilisin ang matagal ng naantalang career progression sa sektor ng edukasyon.
04:30Pag na-promote sila, kinikilala yung skills nila in teaching tapos syempre gaganaan din yung tao
04:37pag magturo, pag na-promote siya.
04:40So kitang-kita, lahat natin ngayon pa lang ang sasayaran ng ating mga teachers.
04:43Tiniyak rin ang kagawaran na mapopromote pa rin ang mga gurong walang master's o doctorate degree.
04:49Siniguro rin ang DepEd na hindi na magkakaroon ng kakulangan ng mga guru sa mga pampublikong paralan sa susunod na taon.
04:56Gab Villegas, Barso Pambatsang TV sa Bagong, Filipinas.
Comments