00:00Ito ang forecast o tansya ng oil industry stockholders sa presyo ng diesel sa Pilipinas mula March 10 hanggang April
00:0913, 2026.
00:11Ito naman ang sa gasolina.
00:15Pero ang naging aktual na paggalaw ng presyo batay sa ipinatupad ng oil companies mapapansing mas mataas kaysa sa forecast.
00:24Isa ito sa mga ugat ng hinala na may oil cartel umano sa ating bansa.
00:32May oil cartel nga ba sa Pilipinas?
00:37Ayon sa Philippine Competition Commission, ang cartel ay isang samahang binubuo ng magkakakumpetensyang negosyante sa isang industriya.
00:48Kung may cartel, nagkakasundo sila sa ipatutupad na presyo at kinukontrol nila ang produksyon at supply ng isang produkto.
00:59Alinsunod sa Republic Act 10667 o Philippine Competition Act, ipinagbabawal ang tinatawag na anti-competitive agreements.
01:12Kabilang dito ang price fixing o pagmamanipula sa presyo ng produkto, imbis na isunod ito sa supply and demand.
01:21At paglimita sa produksyon o supply na nagbubunga ng artificial shortage.
01:27Sa ilalim din ang Republic Act 8479 o ang Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998.
01:35Baawal ang cartelization.
01:42Pero ang batas na ito, na kilala rin bilang Oil Deregulation Law, ang umano'y nagiging dahilan din kung bakit
01:51pagdating sa presyo ng produktong petrolyo,
01:54it's more expensive in the Philippines.
01:58Tinanggal kasi ng Oil Deregulation Law ang kapangyarihan ng gobyerno na makontrol ang presyo ng produktong petrolyo.
02:06Sa halip, ang oil companies ang nag-a-adjust sa mga presyo, depende sa galaw na mga ito sa world
02:12market.
02:13Bagaman nakakatulong ang batas, para maging mas competitive ang oil companies pagdating sa supply at presyo,
02:21posible raw itong maabuso ayon sa ilang mambabatas.
02:25Malaya kasi ang oil companies na mag-replacement cost accounting.
02:30Halimbawa, may nabiling fuel supply ang oil companies sa murang halaga.
02:36Pero biglang sumipa ang presyo sa world market.
02:39Ang supply, kahit mura nilang nabili, ay ibibenta nila sa mas mataas na halaga,
02:46bilang paghahanda sa gagastusin nila sa pagbili ng mas mahal na petrolyo sa world market,
02:53na replacement o kapalit ng nabenta na nilang petrolyo.
02:57Technically, hindi ito iligal sa Pilipinas.
03:01Pero masusi itong sinusuri ng mga mambabatas,
03:04dahil anila, consumers ang dihado sa ganitong sistema.
03:08Sa pagdinig ng House Legislative Energy and Development o Lead Committee nitong April 8,
03:14sinabi ni Secretary Arsenio Balisacan ng Department of Economy, Planning and Development o DepDev,
03:21na dapat maimbestigahan kung may sabwatan nga ba sa oil industry,
03:27bag naman hindi raw niya sinasabing may oil cartel sa Pilipinas.
03:43Giit naman ni Department of Energy's Secretary Sharon Garin,
03:47sa ngayon, wala silang namomonitor na overpricing sa produktong petrolyo.
03:52Asi asia asia asia asia asia asia.
03:53Asi asia asia asia asintitariang дав j department ng d personne si sa pinod za maha.
04:07Pape Uite spaerisbya rinasta na upraintáng in MilesEpodport naga ba sa najmaa sa vinunupra sa ykig.
Comments