Skip to playerSkip to main content
  • 10 minutes ago
Ang bigas…magiging P62/kilo na?

‘Yan ang tantiya ng Department of Agriculture na magiging presyo ng bigas pagkatapos ng anihan sa Setyembre.

Ang dahilan nito, at ang ginagawang tugon ng gobyerno, alamin sa video.

Category

🗞
News
Transcript
00:01Kakaunti na nga ang nabibili ng pisot, tapos ang bigas, tataas pa raw ang presyo.
00:07Bakit nga ba posibleng umabot sa 62 pesos per kilo ang bigas?
00:16Ngayon pa lang, pinaghahanda na ng Department of Agriculture o DA ang mga consumer
00:21sa posibleng pagmahal ng bigas pagpasok ng Vermonts.
00:25Yan ay kung hindi raw gagamitin ng mga magsasaka, ang mga iminumungkahin nilang alternatibong pataba.
00:31Ang pagsasaka ng palay ay para ding isang negosyo.
00:35Kung mas mataas ang puhunan, mas mahal ang presyo ng produkto.
00:42Fertilizer o pataba ang isa sa mga ginagastusan ng mga magsasaka tuwing nagtatanim sila ng palay.
00:48Dito sa Pilipinas, urea ang karaniwang ginagamit ng mga magsasaka.
00:53Isa itong nitrogen-based fertilizer na nakatutulong para mapalago ang palay at maparami ang kanilang ani.
01:02Ang dating 1,650 pesos na sako ng urea fertilizer, nasa 3,000 pesos na ayon sa Department of Agriculture.
01:11Dahil mas mahal na pataba ang ginagamit sa pagtatanim, inaasahang sisi pa rin ang presyo ng bigas sa anihan sa
01:18Setiembre.
01:19Mula sa dating 45 hanggang 55 pesos per kilo na presyo ng regular at well-milled rice,
01:25posibleng maging 60 hanggang 62 pesos per kilo na ang bentahan sa magandang kalidad ng bigas.
01:32Paliwanag ng DA, epekto ito ng krisis sa Middle East.
01:3736% ng supply ng urea fertilizer ng mundo ang nagmula sa Persian Gulf,
01:43nang magsarang straight of foremost kasamang naipit ang delivery ng fertilizer.
01:48Pero kung tutuusin, maliit na porsyento lang naman ng nitrogen-based fertilizer sa Pilipinas ang nagmula sa Persian Gulf.
01:5515% ang inaangkat natin mula sa Qatar at 4% naman sa Saudi Arabia.
02:01Mas malaking bulto pa rin daw ng nitrogen-based fertilizers ang inaangkat ng ating bansa mula Indonesia, Brunei, China, Malaysia,
02:11Vietnam at iba pang bansa.
02:13Ang problema, ang presyo ng pataba mula sa mga bansang yan,
02:17apektado rin ang global prices at mas mahal na freight cost o halaga ng transportasyon dahil sa krisis sa Middle
02:24East.
02:25May mga alternatibong pataba naman daw na pwedeng gamitin ang mga magsasaka.
02:29Isa riyan ang biofertilizer.
02:32Ang isang kilong biofertilizer na nasa P750 ang halaga,
02:36pwede raw ipalit sa dalawang sako ng urea na nagtakahalaga ng P5,000 hanggang P6,000.
02:44Ang isa pang tinitingnang solusyon ng DA,
02:47ang pagbebenta ng pinaghalong imported at local rice o ang rice blend.
02:53Mas mura kasi ang imported rice kumpara sa bigas na inaani rito sa ating bansa.
02:59Kaya kung hahaluan ang inangkat na bigas ang ibibenta sa merkado,
03:03bababaraw ang presyo, sabi ng DA.
03:09Bukod sa imported rice, pwede rin daw haluan ng white corn ang bigas.
03:14Lalot P17 to P18 pesos per kilo lang ang puting mais kaya tiyak daw na may hila nito pababa ang
03:21presyo.
03:21Ang mix naman ay 50-50 o kalahating mais at kalahating bigas.
03:26Ang tanong, ano kaya ang magiging lasa nito?
03:29Magugustuhan naman kaya yan ang masa?
03:32I've been eating it personally. Okay, okay siya.
03:35Actually, I couldn't really tell the difference eh.
03:37Paglilinaw ng DA, short-term solution lang ang rice blend.
03:41Patuloy raw nilang pinag-aaralan ng mga hakbang na pwede nilang gawin
03:45para maging stable ang presyo ng bigas sa gitna ng krisis.
03:49Ako po si Pina de Atreyes para si GMA News.
Comments

Recommended