Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Sa loob ng kamalig, siya’y isang bantay. Sa mata ng mga ninuno, siya’y siyang diyos.

Matagal nang sinasamba, iginagalang, at pinoprotektahan… pero unti-unti na rin daw nakakalimutan? Hindi lang palamuti, ang bulul ay buhay na alaala ng kultura at paniniwala ng mga Ifugao.

Panoorin ang totoong kuwento ng rice god ng Cordillera sa #DigiDokyu.

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa gitna ng mga bundok, nagkukubli ang isang dambuhalang eskultura.
00:09Mga palayang inukit sa gilid ng bundok.
00:13Ang batad rice terraces sa Ifugao.
00:20Makalipas ang ilang siglo, nananatili pa rin itong matatag.
00:25Kahit dinaanan na ng mga gera at sakuna.
00:30Mayroon daw kasi itong bantay, isang Diyos na nagmula sa ilalim ng lupa.
00:49Ang 73 taong gulang na si Moises, kinamulatan na ang buhay pagsasakarito sa batad.
00:56Minanapan niya ang bahaging ito ng palayan mula sa kanyang mga ninuno.
01:05Gamit ang mga lubid, pinapalayas nila ang mga ibon.
01:09Nagsimula na kasing mamunga ang kanilang mga tanim na palay.
01:12Kaya maghapon na ang kanilang pagbabantay.
01:24Pero hindi lang daw sila ang nagbabantay rito.
01:27Ang mga bulol na nasa pangangalaga ni Moises, isang pares.
01:48Ano ang magbantay dito sa bahay, pati palay ay papabantayan.
01:55Lagi namin malagaan mo, ilabas.
01:58Hindi pwede yung ilagaman sa kahon.
02:00Alaman ipatayo, hindi makahiga.
02:03Ayon sa paniniwala ng mga taga-ifugaw,
02:06ang mga bulol ay kumakatawan sa Diyos ng Kasaganaan ng Palay.
02:11Itong bulol po, ano po yung gamit po niya? Para saan po?
02:15Para sa ano, sabihin nilang rice god nila.
02:20Ang mga mambake.
02:21Ang mambake, kung sa ganitong mag-harvest,
02:26ipababa, kunin doon sa taas.
02:31Unti-unti nilang ibaba sa may step.
02:34Magbake-bake.
02:41Ayon sa alamat,
02:44noong unang panahon,
02:46may isang bulol mula sa ilalim ng mundo
02:48na naglakbay sa lupain ng mga tao.
02:52Nakarating siya sa Pugaw,
02:54isang payapang pamayanan sa kabundukan.
02:59Doon, umibig siya ng isang mortal
03:01at sila nagpakasal.
03:04Ang bulol ay pilay at hindi makalakad,
03:08ngunit dala niya ang biyaya ng lupa.
03:12Mula nang siya'y tumira sa komunidad,
03:14dumami ang mga alagang hayo
03:16at yumabong ang mga palay.
03:20Ang dating salat,
03:21naging masagana.
03:24Lumipas ang mga taon
03:26na sanay ang mga tao
03:27sa biyayang hatid ng bulol.
03:30Hanggang sa siya'y nakalimutan,
03:33nabaon din sa limot
03:34ang dala niyang mga biyaya.
03:38Labis itong dinamdam ng bulol
03:40kaya isang araw,
03:42gumapang siya palabas ng bahay
03:44at nagbaanod sa ilog.
03:47Wala ni isa ang nakapansin
03:49sa kanyang pagkawala.
03:50Mula noon,
03:56dumating na ang kamalasan sa bayan.
03:59Kumalat ang sakit
04:00at nalanta ang mga pananim.
04:03Noon lamang nila naalala
04:04ang bulol.
04:05Sa kanilang pagkahanap,
04:08nakita nila itong nakasabit sa puno.
04:11Ang mga sangay nakapalupot sa kanya.
04:14Mistulang yakap ng kalikasan.
04:17Humingi ang mga tao ng tawad.
04:19Nilapitan nila ito
04:20at inanayahang umuwi.
04:23Ngunit ang bulol,
04:25tumangging sumama.
04:25Hindi na ako babalik doon sa atin.
04:32Ganito na ang gawin ninyo.
04:35Kumuha kayo ng sanga ng kahoy na ito,
04:38dalhin ninyo pa uwi.
04:39Ukitin ninyo ayon sa aking anyo.
04:41At kapag isinasagawa ninyo
04:43ang mga ritual ng balay,
04:45lalo na tuwing anihan,
04:47ilabas ninyo at alayan.
04:50Gawin ninyo ang ritual para sa akin.
04:55Ayon kay Marlon Martin
05:03ng Save the Ifugaw Terraces Movement,
05:06mataas ang respeto
05:07ng mga sinaunang ifugaw noon
05:08sa mga bulol.
05:11Doon sa mga mitolohiya nga,
05:12the bulol would magically increase the rice.
05:17Kaya meron ding practice noon
05:18na hindi mo binibilang dapat yung rice bundle
05:20sa loob ng rice granary.
05:22Kasi it would be insulting the bulol daw na.
05:24And then yeah,
05:25how people respected the bulol
05:28in the olden days,
05:30na siya natawag na rice granary guardian.
05:34Lahat naman ng mga ninuno natin,
05:36lahat ng something that would enhance harvest,
05:38something that would bring about
05:39abundant harvest,
05:41ay dinedeify natin,
05:44ginagawa nating Diyos.
05:45Bukod sa pagpaparami ng ani,
05:48kaya rin daw ng bulol
05:49ang magpagaling ng sakit.
05:50One of the more common purpose actually
05:53of bulol is yung sa healing rituals.
05:59Most diseases na associated sa bone diseases,
06:03blood, deformities,
06:05ina-attribute yan na,
06:06ano, the curse of the bulol.
06:08That's when a lot of people,
06:11those who have bulols,
06:12would carve the bulol
06:13and perform tinagtag ritual
06:14or the bulol-making ritual.
06:17Kasi delikado yung, ano,
06:18yung curse ng bulol.
06:20Once napasaktan mo siya
06:22or may nakurse na dahan siya,
06:24ang effect nito sa mortals
06:26would be yung nang diseases na,
06:28ginagawa mo yun
06:29para gumaling yung tao.
06:31The bulol,
06:32these are deities
06:33from the underworld.
06:35Yung mga ifugao,
06:36it's an old religion,
06:38we have more than 2,000 gods,
06:40and the bulol
06:41is about one of them.
06:44It's a family, actually.
06:45It's a family of bulos.
06:46We don't have one bulol.
06:47Marami sila.
06:49Each area in Ifugao
06:50would have their own
06:51parang patron na bulol.
06:53So, kaya nga,
06:55since it's the origin
06:57of the Baku religion of the Ifugaos,
07:02dito yung concentration
07:03ng mga maraming bulol.
07:06Malaki ang naging epekto
07:08ng Kristyanismo
07:09sa pagbabago
07:10ng tingin ng mga tao
07:11sa kalaga ng bulol.
07:13But they're torn
07:14kasi ang instruction din
07:15sa kanila
07:16ng kanilang mga ninuno
07:17is ingatan nyo yan,
07:19you maintain it na, no?
07:20Hindi mo naman
07:21ma-perform na yung mga ritual
07:22kasi you're a good Catholic
07:23or you're a good Christian.
07:29Katoliko si Moises,
07:30pero hanggang ngayon,
07:32nagsasagawa pa rin sila
07:33ng ritual para sa bulol.
07:36Ito,
07:37kung magpata sila
07:38ng manok,
07:40yung dugo
07:41ng isang dalawang manok
07:42e,
07:43ito lang,
07:43ipa,
07:45ano,
07:45sa katawan nila,
07:48ilagay.
07:51Nakatay din yung manok,
07:52may ganun yung ano,
07:54katsiro,
07:54yung dugo,
07:55e,
07:55panta doon.
07:56Ikaapat na henerasyon
07:58na si Moises
07:58na tagapangalaga
07:59ng bulol.
08:01Kaya mahigpit
08:02ang pagbabantay niya rito.
08:04Inilalabas lang niya
08:05ang mga ito
08:06kung talagang kailangan.
08:10Mamangsan,
08:10e,
08:10gamitin namin,
08:11pero mangsan,
08:12hindi namin ilabas
08:13kasi takawin nila.
08:15Maraming magnakaw ngayon
08:17na ano,
08:17yung tungkol sa Antec.
08:19Ang tinaguri
08:20ang mga tagabantay
08:21ng kamalik,
08:22sila ngayon
08:23ang pinaka-iingatan.
08:24Ika-harvest po kayo,
08:27nilalabas niyo po?
08:29Oo.
08:29Kung ano,
08:30nilabas namin
08:31sa ganyan,
08:33pero pag,
08:34ano,
08:34kailangan bantayan namin.
08:36Kasi,
08:37kung matapos,
08:38e,
08:38itago,
08:39may magnakaw.
08:41So,
08:42kung makikitan yung
08:43kuma-antec,
08:45niispatan,
08:47kasi,
08:48maharang,
08:48ano,
08:49kung bayad yung ganyan na Antec,
08:51nakawin.
08:52Maraming nanakaw dito noon,
08:54yung tumahas ang presyon,
08:55yung Antec,
08:56yung bago-bago,
08:571970,
08:5972,
08:5970.
09:00Maraming nanakaw dito.
09:03Noong 2022,
09:06naging usapin
09:06ng isang bulol.
09:08Tatlong talampakan bulol
09:09ang isinubasta sa Paris.
09:12Nabenta ito
09:13sa halagang
09:14630,000 euros
09:15o katumbas
09:17ng 36 million pesos.
09:19Napagalamang mula ito
09:21sa koleksyon
09:21ni Henry Otley Bayer,
09:23na tinaguri
09:24ang father
09:24of Philippine Anthropology.
09:26Siya rin
09:26ang nagtayo
09:27ng Department of Anthropology
09:28sa University of the Philippines
09:30noong 1914.
09:32Nagsimula ro'y
09:33kumunti
09:34ang bilang
09:34ng mga bulol
09:35sa Ifugao
09:35noong panahon
09:36ng mga Amerikano.
09:38Sa unti-unting
09:39pagkawala
09:39ng mga bulol
09:40sa lugar,
09:41unti-unti rin daw
09:42nawawala
09:42ang kahulugan nito
09:44sa kanilang kultura.
09:45If you ask
09:47these collectors,
09:47if you ask
09:48kung sino yung mga
09:48nagbebenta na
09:49kung anong ibig sabihin
09:51ng bulol
09:51o kung ano man lang
09:52yung significance
09:53nito sa mga Ifugaos,
09:54hindi nila alam.
09:57Dito sa
09:58National Museum
09:59of Anthropology,
10:00makikita
10:01sa kanilang koleksyon
10:02ang iba't-ibang
10:03mga bulol.
10:04May mga nakaupo,
10:06nakatayo,
10:07at may tila
10:08sumasayaw pa.
10:10Ang ilan
10:10sa mga ito,
10:12may buhok pa
10:12ng tao.
10:13Dancing Bulol
10:14of Kiyangan
10:15may mga prestige
10:17rituals dito
10:17sa Kiyangan
10:18that leads
10:19ultimately
10:20to the Hagabi.
10:21Sa pag yung mga bata,
10:23we have
10:25the balihong ritual.
10:26It's something
10:27that you perform
10:28pag siguro
10:29mga
10:29before
10:30the child
10:31reaches puberty.
10:33So parang
10:34he or she
10:35is spiritually
10:35married to a bulol.
10:37Lahat daw
10:42ng narito
10:43ay donasyon
10:44sa museyo.
10:45Ang pinakamatagal
10:46sa kanilang koleksyon,
10:481903 pa
10:48napunta
10:49sa kanilang
10:49pangangalaga.
10:51Maraming factors
10:52that would affect
10:52kung ano yung style
10:53ng bulog.
10:54The purpose
10:55of the ritual,
10:56the individual
10:57style
10:57ng carver,
10:58and then of course
10:59regional preferences.
11:02Bukod sa mga museum,
11:04sa mga souvenir shop
11:05na karaniwang makikita
11:07ang mga bulol.
11:08Ibinibenta ito
11:09na pandekorasyon
11:10at binibili
11:12bilang simbolo
11:13ng swerte
11:13o dahil sa ganda
11:15ng disenyo.
11:16Ngunit madalas,
11:18hindi na naipapaliwanag
11:19ang mas malalim
11:20itong kahulugan
11:21at kasaysayan.
11:23Unang-una,
11:24siyempre,
11:25nawawala yung meaning,
11:27yung cultural context
11:28ng bulol mismo.
11:30Nade-demote siya
11:31as ano lang,
11:32pang-esthetics lang.
11:35May ethnic appeal
11:36yung bahay mo.
11:37Nawawala yung context
11:39ng kahalagahan
11:40ng bulol
11:41pag yung ginagawa mo
11:43siyang commercial.
11:50Bahagi ng advokasya
11:51ni NaMartin
11:52ang hikayatin
11:53ang mga natitirang
11:54taga-ifugaw
11:55na mayroon pang mga bulol
11:57na ipagpatuloy
11:59ang pagpapahalaga
12:00at paggamit
12:01sa mga ito.
12:02Yung advokasi
12:03rin naman namin
12:03is for as long as
12:04there are people
12:05who are still
12:06doing it
12:08the Ifuga way,
12:10ay sinasuportahan namin.
12:12Pero dapat holistic
12:13din yung ano mo,
12:14na hindi yung para lang,
12:15oh may turista tayo,
12:16magperform tayo
12:16ng harvest ritual
12:19para mailabas
12:20yung mga bulol.
12:20Of course not.
12:22Kasi I find it also,
12:24ano,
12:24yung hypocrisy na yan,
12:26offensive actually
12:28sa culture din yan.
12:29Maraming pa kaming gumagamit
12:32na yan.
12:33Of course I feel happy
12:34kasi at least may naiiwan
12:35pa sa mga
12:36practices namin.
12:53Maraming na raw lumapit
12:54kay Moises
12:54para bilhin
12:55ang kanyang mga bulol.
12:56Ang bulol kasi
12:57ng kanilang pamilya.
12:59Tinatayang na
13:00sa mahigit
13:01300 taon na
13:02ang tanda.
13:04Maraming nakupanta dito
13:05nga kunin.
13:06Sabi nila nga,
13:07basta ibenta ko dun.
13:10Kung
13:10pinta,
13:11diyan
13:11ibigay ko yung
13:13sinabi mo nga
13:14labor.
13:16Ayaw kong binigay.
13:18Ngunit pangamba ni Moises
13:22na balang araw,
13:23maglaho rin
13:24ang mga bantay
13:24ng kanilang kamalik.
13:27Sa kabila
13:27ng pag-aalala,
13:29pinipili pa rin
13:29niyang magpatuloy,
13:31bantayan,
13:32alagaan,
13:33at buhayin
13:34ng alaala
13:35ng mga bulol.
13:37Sabi ko nga,
13:38nabalik,
13:39basta kung
13:40pwede kong
13:41gusto kong ibenta,
13:42ibenta ko.
13:43Tatagomit lang dun,
13:44nga hindi
13:45kung wala nang
13:46magbantay,
13:46diyan ang problema.
13:48Lalo kung
13:48mati ka yung mga dalawa,
13:51wala na.
13:51Yung mga bata,
13:52hindi nila alam
13:53ano diyan,
13:54basta kaso.
14:17na balang araw,
14:21na balang araw.

Recommended