Skip to playerSkip to main content
  • 6 minutes ago
Patuloy ang pagbabantay sa usok na kumalat sa Metro Manila at karatig-probinsya matapos masunog ang Navotas Landfill nitong April 10 ng gabi.

Panibagong kaso ang insidente sa serye ng waste disasters sa bansa kasunod mga pagguho sa Binaliw Landfill sa Cebu at Rizal Provincial Sanitary Landfill sa Rodriguez, Rizal.

Gaano nga ba kadelikado ang usok mula sa sunog sa Navotas landfill? Alamin ‘yan sa video na

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mula sa Himpapawid, ila na sa sunog na isla ang bahaging ito ng Navotas City.
00:06Balot ng makapal na usok ang paligid at nakikita ang kalat-kalat na apoy sa kalupaan.
00:11Pernes, April 10 ng gabi, nung sumiklab ang sunog na ito sa Navotas Sanitary Landfill Facility.
00:18Makalibas ang isang linggo, paduloy ang paglagablab ng sunog.
00:22Gaano nga ba kadalikado ang usok mula sa nasusunog ng Navotas Landfill?
00:26Inuubo, sumasakit ang ulo at hinihika.
00:30Ilan lang ito sa mga naranasan ng mga residente dahil sa nasusunog na Navotas Landfill.
00:36Matagal na hindi ako hinihika kasi dahil sa usok, nag-trigger po yung aking hika.
00:41Masakit sa dibdib sir yung usok kasi parang hindi ka na makahiga yung baho kung amoy.
00:47Bukod kasi sa mga residente sa lugar na pangunahing apiktado ng insidente,
00:51kumalat na ang usok hanggang sa kalapit nitong lugar sa Metro Manila.
00:55Nitong April 18, nagpaalala na ang Manila Disaster Risk Reduction Management Department
01:01na magsuot ng face mask at iwasan ang paglabas kung hindi kinakailangan dahil sa paglala ng air quality sa lungsod.
01:08Ang apanganib na usok, umabot na rin hanggang sa bataan ayon sa satellite data ng Philippine Space Agency o FILSA.
01:16Kung magpapatuloy raw ang pagkalat ng usok sa Navotas, aabot sa 65,000 residente ang maaapektuhan.
01:24Kaugnay nito, nagbabala si Health Secretary Ted Herbosa sa panganib na dala ng usok mula sa Navotas Landfill.
01:31May laman kasing toxic gases ang usok ng mga nasunog na basura na lubhang nakaapekto sa kalidad ng hangin sa
01:38mga lugar kung saan ito patuloy na kumakalat.
01:41Nito lang April 11, nakapagtala ng mataas na antas ng nitrogen dioxide sa himpapawid ng Navotas ayon sa datos ng
01:49FILSA.
01:50Lubahang delikado na malanghap ng mga tao ang hangin na may mataas na konsentrasyo ng nitrogen dioxide dahil posibli nitong
01:57ma-irritate ang human respiratory system.
01:59Babala pa ng DOH, makasasama rin sa kalusugan ang haze o polluted na hangin na may lamang dust particles mula
02:08sa sunog at abo na nabumula sa landfill.
02:11Pero bukod sa epekto sa kalusugan, lubaharing apektado ng sunog sa Navotas Landfill ang kabuhayan ng mga mamamayang malapit dito.
02:21Ayon sa Greenpeace Philippines, apektado maging ang panginis na sa lugar dahil delikado sa marine ecosystems ang toxins mula sa
02:30nasusunog na landfill.
02:32Ang mga pollutant daw kasi na mula sa usok ay nananatili sa kapaligiran at hindi natutunaw.
02:38Dagdag pa sakit ito sa mga apektadong residente na patuloy rin nahihirapan sa gitna ng tumataas na presyo ng mga
02:46bilihin at krudo.
02:47Para makapagplano at maiwasan ang masasamang epekto ng usok mula sa nasusunog na Navotas Landfill,
02:53maaaring imonitor ang air quality sa isang lugar sa tulong ng three easy steps.
02:59Una, pumunta sa website ng Environmental Management Bureau sa air.emb.gov.ph.
03:06Ikalawa, hanapin mula sa page at iklik ang Real-Time Ambient Air Quality Monitoring.
03:12At ikatlo, iklik ang Metro Manila Air Quality Data at tingnan ang AQI o Air Quality Index Score ng inyong
03:19limsot at ang remarks.
03:21Tandaan, kapag ang Air Quality Index ay nasa 0 to 50, ito ay nasa good category.
03:27Ang 51 to 100 naman ay fair category.
03:30Masasabi namang unhealthy for sensitive groups kapag nasa 101 to 150,
03:36habang ang 151 to 200 ay very unhealthy.
03:40At ang 201 to 300 naman ay acutely unhealthy.
03:45Pero kapag ang Air Quality Index ay umabot na sa 301 to 500, ito ay nasa emergency category na.
03:53As of April 19, 138 ang naitala na air quality sa Navotas.
03:58Nangangahulugang ito ay nasa unhealthy for sensitive groups.
04:02Ayon sa Environmental Management Bureau, National Capital Region,
04:06walang restriction at hindi kailangan magsuot ng face mask kapag good at fair ang air quality sa isang lugar.
04:13Kapag naman unhealthy for sensitive groups, pinapayuhan ang mga may respiratory disease na magsuot ng face mask at limitahan ang
04:21paglabas ng bahay.
04:23Kapag very unhealthy, pinapayuhan ang publiko na iwasan ang paglabas at umiwas sa matinding traffic areas.
04:31Sa acutely unhealthy, dapat iwasan ang paglabas ng bahay at pagbiyahe kung hindi kinakailangan.
04:37Kapag emergency naman, kailangang manatili sa loob ng bahay at ipinagbabawal ang paggamit ng mga sasakyan.
04:45Patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang sanhinang sunog sa Navotas Landfill.
04:50Pero ayon sa mga ulat, may eyewitness umanong nakakita na nagsimula sa gitnang bahagi ng landfill ang apoy.
04:57Samantala, maaaring namang maharap sa criminal, administrative at civil charges ang dating operator ng landfill na Philippine Ecology Systems Corporation
05:07o PhilEco.
05:27Outro

Recommended